[Chapter 21]

513 6 2
                                        

 Dedicated sayooo! Yiii, thank you. Parang ikaw number 1 supporter ko na online friend. :) Ingat ka po lagii! Pag merong kang mga friends na di ka bati, wag mo din sila bati. Hihi, joke. Eto, para sayo! :) Lovelots.

Chapter 21

Bakit sila magkayakap? Hayy.

Guess who? Ang pinakanakakarindi kong classmate, SHAINA. With JULES. Okay? Ayos na kahit sinong babae sa mundo eh. Bakit si Shaina pa? Jusko, ang arte arte nyan! Nung nagpaulan ng arte, sinalo nya lahat! -_- Ganyan na ba ang taste nya ngayon?

Di ko na napigilan, kala ko kaya ko na. Yun pala, mas lalo lang ako masasaktan kung makikita ko na sila sa personal. Bakit ba kasi naihi pa ko eh? Argh, napaluha na ko ng tuluyan habang tinititigan ko sila. Si Jules, ayun, parang ayaw pero gusto. Di ko maintindihan yung emotion nya eh?

Paaalis na ko, pupunta na ko sa room pero may tumawag pa sakin.

"Sab!" Hayy! Eto yung pinakaayaw ko eh. Kakausapin pa ko. Di ko nalang siya pinansin. Alam naman nyang nasasaktan eh. Gusto pa ata dagdagan.

"Sab!" Hinawakan nya yung wrist ko, tapos tinawag nya ko ulit ng mahina. "Sab."

"Oh? Baket?" Pano naman kasi sa room ayaw ako pansinin, tapos kung kelan nasasaktan na ko saka ko kakausapin. Bestfriend ko ba talaga to? -_-

"Siya yung unang yumakap saken."


"H-ha? Bakit mo sinasabi sakin yan?"


"Dahil alam kong nasasaktan ka. Sab, please. Mag-eexplain ako sayo."


"Diba sinabi ko naman sayo? Ayos na na masktan ako, basta maging masaya ka? Ano pang ieexplain mo? Okay na. Alam kong magiging okay na kayo ni Shaina. Wag ka ng mag-alala. Di ko kayo sisirain. Haha." Pinilit kong tumawa, kahit deep inside sakin, ang hirap bitawan ng mga salitang yon. Alam kong masasaktan ako ng todo, para ko ding sinasaktan ang sarili ko. -_-

"Sab kasi eh, hindi yun eh. Hindi totoo yung sinabe ko sayo nun. Mahal padin kita." 



Anong sabi nya? O_O

Mahal padin nya ko?

May side sakin na gusto kong maniwala. Mahalin ka ba naman ng mahal mo, yun ang isa sa pinakamasayang pakiramdam sa mundo. Pero may side din sakin na ayokong maniwala. Baka ginagawa nya lang to dahil naaawa siya saken, pag nakikita nya kong umiiyak saka baka iniisip nya nagpapaawa ako sa kanya. Saka baka break na sila kanina, hehe. Panakip butas nalang pala ko? Mga lalaki talaga. Argh.

"H-ha? Ano ka ba Jules. Hehe, Kay Shaina mo dapat sabihin yan. Ako ba si Shaina? Saka hindi mo nabanggit sakin ha? Siya pala yung tinutukoy mo nun."

Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon