CHAPTER 8- Isiping Mabuti.
[Jules' POV]
Habang kumakain kami, naisip ko na bukas na nga pala yung uwi ni Tito Rico.
Yung pagpapakilala ko! Sus naman eh, hirap na hirap na ko dun nung isang araw pa! Pano 'to?
Tapos malalaman ko pa na moody at masunget pala yung Dad ni Sab. T^T
Mapapasubo ako dun ah? >O< Pero.. kailangan magpakalalaki, bading kasi ako eh. Huwag nyo pagkakalat ha? Joke! Hahahaha. *OO*
"Miss Universe, diba bukas na uwi ni Tito?" Yup! Miss Universe na talaga ang tawag ko sa kanya.
Nasanay na din ako eh, kesa naman Em-Yu. Wala namang nagtatawagan na ganun diba?
Alam ko nakokornihan tong isang to saken, pero wala naman akong pakealam, basta maparamdam ko lang sa kanya kung gano ko siya kamahal.
"Ah, Yeps! Bakit Monggoloid na Ulikba?" -sabi naman niya habang nagpipigil ng tawa.
Kung anong kinapuri ko sa kanya, yun ding kinapintas niya sakin. Aray ha?
Kung hindi ko lang mahal to, nabatukan ko na to leeg! Joke yun, tumawa kayo!
"Maka-monggoloid na ulikba ka diyan, eh di ba maraming nagsasabi na bagay tayo. Hmm, ano kaya ibig sabihin nun?" -pagpapatama ko naman sa kanya.
Yung ngiti niyang malapad at mapang-inis kanina ay naging >O<
Nainis eh. Pikon talaga nun, pero ang cute niya. ^u^
"Bawal na bang bawiin, h-hehe." -medyo nahihiyang sabi niya.
Naapektuhan nga siya dun sa sinabi ko. Baliw talaga tong babaeng to.
"Sus, eh pano di ka makamove on sa Monggoloid na Ulikba!" -nagtampu-tampuhan ko namang sabi sa kanya.
Umupo naman siya tabi ko at nilapit yung mukha niya sa mukha ko.
Masyado naman ata siyang naging agresibo.
GULP. Anong gagawin nito sakin?
Naramdaman kong nag-iinit yung paligid ko, habang nakatitig lang ako kay Sab.. at ganun din siya sakin.
"A-ah, e-eh.. Sab? Anong gagawin mo saken?" -seryosong tanong ko sa kanya.
"..........." -no response.
Lalo pa siyang lumapit sakin na parang 4 inches nalang yung space sa gitna namin.
Ang alam ko.. dapat ako yung gumagawa nito sa kanya ah?
"S-sab!" -sabi ko ulit sa kanya.
".........." -no response parin.
BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Novela Juvenil"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?