Sorry po kung matagal ang update. Busy lang po talaga. -__-
[Julia's POV]
Pagdating namin sa mall. Kumain muna kame.
Jollibee! Haha. Bakit ba? Nagkakasundo kami neto eh.
"Ano order mo Lia?"
"Ahh, burger, spaghetti, sundae, cokefloat, fries saka jolly hotdog. ^_^" Busog pa ko nyan. Pano kaya pag gutom na ko? Haha!
"Wow ha? Nakakagutom ba mambara ng mga epal na babae? Haha! Sige."
Pumila na siya sa counter.
Hay nako! Kung sa kanya, friendly date lang to. Sakin date na talaga no. Minsan lang to mangyayari sa buhay ko. Syempre, mahal ko siya, kaso di nya ko mahal eh. Wala nakong magagawa.
UNCONDITIONAL LOVE - to yung nararanasan ko ngayon. Yung kahit di nya masuklian yung pagmamahal mo, patuloy mo parin siyang mamahalin.
Pagkabalik nya,
"Haha ! Mukhang gutom na gutom ka na nga ah. XD"
"H-ha? Haha. Eh bakit ba? Masama?"
"Hindi naman. XD"
"Ay, oo nga pala. Bili na din tayong school supplies mamaya! Pasukan na bukas no?"
"Haha! Oo nga no. Masyado tayong nalibang sa bakasyon!"
"Haha. Kaen na nga tayo!"
Pagkakain namin, tinamad na din kami bumili! Haha. ^_^
Hinatid ko na si Julia sa bahay nila Sab.
[Jules' POV]
Pumunta ko sa school namin.
Pinuntahan ko yung teacher ko dati. Favorite ako nito eh. Sakto ^_^
"A-ah, Ma'am?"
"Oh, Jules. Baket?"
"Busy po ba kayo?"
"Hindi naman, naglilinis lang naman ako eh. Bakit?"
"Aah, Ma'am. Pwede po bang pagsamahin kami ni Sab sa isang section? May problema po kasi eh. Baka po lalo lumaki pag magkahiwalay pa kami ng section."
"Ah, yun ba? Sige. Kausapin ko nalang si Mr. Serencio. Ikaw ah. Haha! Manliligaw ka ba?"
"Po? Ahehe. Opo eh."
"Ah, ganun ba? Goodluck. Sana sagutin ka."
"Sana nga po Ma'am. Sige po, alis na po ako."
Hayy, buti naman magiging kaklase ko na din si Sab.
Mahirap pag nagkalayo pa kami eh.
Lalo namin di masosolve tong problema.
Haha! May gagawin pa nga pala ko bukas.
Pauwi na ko ng bahay nun, pero hinarang ako ni Rohan.
Ano nanamang problema nito?
"Pre!"
"Oh, bakit pre?" sabe ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Sige, tungkol san?"
"Kay Sab, ano pa bang ugnayan natin?"
"Ah, pasensya naman. Oh, ano?"
"Ano yung sinabe mo sa kanya?"
"Tol, ayun na nga eh. Loko lang yun, sineryoso nya. Mahal ko padin siya, mahal na mahal. Di ko naman alam na ganun ang mangyayari eh."
"Mahal mo siya? Sigurado ka?"
"Oo naman pre! Eh ikaw? Mahal mo ba siya?"
"Di na mahalaga yun. O, ano ng balak mo?"
"Baket? Tutulungan mo ba ko?"
"Ano bang maitutulong ko? Basta mapasaya si Sab, sige!"
Nagusap nalang kami kung ano yung gagawin. Hehe! Buti naman.
[Sab's POV]
Pagkauwi ni Julia dito sa bahay, parang ang saya nya.
"Uy, anung nangyare?"
"Haha. Nagfriendly date kami ni Rohan. Haha!" Ayos to ah. Haha!
"Yii. Haha! Nasabi mo na ba?"
"H-ha? ang alin?"
"Na mahal mo siya? Yiii. "
Sus, ang gaga napangiti ! Haha.
"Hindi pa eh. Haha!"
"Matext nga."
"Uy Sab! Wag!"
Tinype ko na.
Bading, mahal ka daw ni JuliaKo. :)
"Ano? Send ko na?" sabi ko sa kanya,
"Ehe! Wag kase!"
Haha! Naiinis? XD
Nagagawan kami sa Cellphone ko.
Nung nakuha na nya.
"Sab! Sending na! -_-"
"Ha? Patay!"
"Ano ng gagawin natin?"
Punta na tayo sa bahay ni Rohan! Dali!
Tumakbo na kami palabas saka sumakay ng tricycle.
-
Makita kaya ni Rohan yung text ni Sab? Bwahaha! >:)
2,600 reads. Salamat! :)
BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Teen Fiction"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?
