CHAPTER 4- DJ IN THE HOUSE?
[JULES' POV]
Satuday Morning, 9AM.
Hayy, kakagising ko lang.. pero parang gusto ko pang matulog.. pano ba naman kasi sigurado na mamaya pa yung gising ni Sab.. mga 11 siguro? Kaya naisipan kong matulog nalang muna ulit..
"Tol, gora na!" sabi ni Ate habang inaalog alog ako. Panira naman ng tulog to ohh. Amff, wala na! Nakatayo na ko kaya hindi na babalik ulit yung antok ko.
"Saan teh?" tanong ko naman kay Ate. Ang alam ko kasi wala kaming planong pupuntahan ngayon eh.. saka? Ang aga pa oh? "Eh luko? Para saan yung mga tinuro ko sayo kagabe?" sabi ni Ate na para bang may gusto siyang iparating sakin. "Ha? Anong ibig mong sabihin?" dahil hindi ko talaga siya magets, tinanong ko din agad.. tulog pa diwa ko no! Whaha.
"Punta tayo ng mall, bili tayo damit." nagulat ako sa sinabi ni Ate. Hindi naman kasi to mahilig na magpasama sakin pag nag'mamall siya.. Kaya.. tingin ko maganda talaga yung gising nya. *O* "Ohhhh? Libre mo ko?" pabiro kong sabi kay Ate.
Tinarayan at inirapan nya ko sabay sabing "Umasa ka naman. Hahaha, binigay sakin ni Mama allowance mo. O, ayan!" sabay bigay sakin nung pera. Sayang, kala ko pa naman hindi mababawasan tong allowance ko ngayon. "Yessss! Hahaha, dapat libre mo ko eh!" sabi ko nalang ulit kay ate, baka magbago pa isip eh.
"Grabe ah? tinuruan na nga kita ng diskarte, lilibre pa kita? Wala ka pa sa langit!" she told me sarcasticly. sa bagay, ayos na yung tinuruan nya ko... mahirap din kasing humanap ng magtuturo sakin tungkol dun. Hmm, bakit kaya gustong mag'mall nito? "Hahaha, may kadate ka siguro sa mall 'no?"pabiro kong sabi kay Ate kasi hindi ako sigurado kung meron nga o wala. Nakita ko namang parang kinakabahan si Ate.
"H-ha? Wala ahh." sagot nya. Pero hindi ako naniniwala dahil... hindi siya kapani paniwala. Whaha. "Hahha, edi wag ka umamin. Kay," parang paepal lang na sabi ko. Pag ganyan kasi sasabihin nya nalang agad. "Eh. oo na maiyak ka pa! ^_^" sabi ni ate habang yung mata nya parang puno ng hearts at mukha siyang timang sa harap ko.
"Edi umamin ka din, sige na. Shooo! Ligo na ko." sabi ko kay ate habang pinapalabas ko siya sa kwarto ko. At hinanda ko na yung mga dadalhin ko. Di ako masyadong nagpapogi kasi mamayang hapon pa naman ako pupunta kila Sab. Pagkatapos ko.. lumabas na ko at pinuntahan si Ate sa kwarto nya.
*knockknock*
Kinatok ko na si ate. "Ate, tara na." Maya maya, sumagot na din siya, "Sunod nalang ako, baba ka na." at ganun na nga, bumaba na ko at inistart ko na yung kotse. 16 palang ako pero sanay na ko, wala nga lang lisensya, hehe. ^O^ Maya maya, lumabas na din si Ate. Maporma talaga to, palibhasa may ka'eyebol esteee... kadate pala.
BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Teen Fiction"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?
