[Sab's POV]
*sa TGIF Restaurant
Ang lakas din ng trip ng mga to eh no?
Kita na ngang war kame ni Jules, pinagtapat pa sa table.
Hiyang hiya nga ako pag kumakaen ako eh, tapos eto pa nakatapat ko?
Dagdag badtrip lang? Sus, yaan ko na nga lang. Basta, focus lang sa pagkain!
*Poke.
Okay? May kumalabit sa legs ko.
Hayaan ko na nga lang yun. Dami talagang epal sa mundo.
*Poke.
Ayoko sa lahat epal pag badtrip ako eh. Mga kaibigan ko ba talaga to?
Di ba to sanay makiramdam. Di ko nalang pinansin ulit.
Isa nalang! Oo, isa pa. Magwawala ako dito kahit gano kadami ang tao.
*Poke.
"Ano bang problema mo? Ha?" sabi ko kay Jules. Alam ko naman na siya yung kalabit ng kalabit eh.
"Tayo, di ba tayo magbabati?"
Ano ba tong lalaking to? Di na agad ako natiis.Sayang tuloy.
Siya na nga yung nagtampo, siya pa yung manunuyo. *_*
Didiskarte pa dapat ako mamaya eh, ayaw ata ng tadhana! Haha.
"Baket? Nag-away ba tayo? Ha?"
Sabi ko sa kanya sabay irap. Taray mode.
Grabe! Baka super maturn off na to saken. Sa bagay, simula naman nung magbestfriend na kame, minsan ganito talaga ko. ^_^
"Hehe, hindi ba? Hindi mo ko hate?"
Haha. Hate kita dahil pinapakilig mo ko! Quiet lang kayo readers! Hahaha. ^____^
"Hinde, sino bang nagsabi sayong hate kita? Dalin mo dito, Tatadyakan ko!"
Nagsmile naman siya. Wagas? Ang saya nito ngayong araw ah?
Dahil sakin to, syempre! Haha. Joke lang.
Pinayagan ko lang naman siyang manligaw, ikasaya na ba dapat yun?
Sabagay, 1% ng mga gusto saking manligaw, pinapayagan ko. Haha.
"Di mo ko hate? Edi love mo ko, uyy! Haha."
Okay? Kaya pala ganun makangiti, babanat pala.
"Yiiiiii.." sabi nung mga kasama namin sa table.
"Ang corny mo Jules. Haha!"
sabi ni Ate Berna. Ate, ang galing mo talaga. Kaya bet kita eh. ^_^
"Tama ka Ate Berns, haha! Kuya Rob, turuan nyo nga po si Jules. Di sanay eh!"
![](https://img.wattpad.com/cover/1856011-288-k690805.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Teen Fiction"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?