[Chapter 27] We're Kissing? + Step 2.

476 8 2
                                    

Hello ulit guys, eto ulit ako! Sorry ngayon lang makakapag'update, kahit wala namang nag-aabang, haha. Kumopya kasi ng lectures-- ops! Di ako tamad kumopya, di ko lang nadadala notebook ko. (Tamad lang magdala) hehe.  Saka medyo busy din. Tambak nanaman mga proyekto namin. -_- 

Guys, pwede po bang paread yung other story ko? Gagawin ko lang siyang SHORT STORY. PROMISE! Please? Please? T____T

Keri lang! Sige, eto na po ang update. ^_^

-

CHAPTER 27.

[Sab's POV] 

Nasa tapat na kami ng bahay namin.

"Sige Sab, alis na ko ah? Sana naging masaya ka ngayong araw. Lahat na ng effort ko, binuhos ko! Haha."

Bakit nga ba hindi sya napapagod sa mga ginawa nya. ako na napapagod para sa kanya eh.

nahihiya na nga ko sa kanya, parang puro sya nalang.. saka parang hindi pa sapat yung ginagawa nya para maging kame.

"Ahh, oo naman! Sanay din naman ako mag-appreciate no! Bukod lang dun sa pagsamantala na sinakay mo ko sa Space Shuttle... Hilo pa din ako hanggang ngayon."

Hindi naman talaga ko hilo, naenjoy ko nga yung kanina eh. Ang sarap pala nung feeling..

Yung pagsakay lang ah.. hindi yung ano! tsk, kahiya talaga. buti konti lang nakakita..

"Haha. Okay din naman yun, atleast may bagong experience ka.. Diba? Sige, alis na ko."

"Asus, kanina ka pa dapat umalis loko. Gagabihin ka na!"

10PM na kase. Baka mapagalitan pa to eh, tsktsk.

"May hindi pa ko nakukuha ehh!" sabi nya sabay lapit saken.

ano naman kayang balak nito? di naman kase ko Mind Reader eh! 

"Ano naman yun?" 

lumapit sya ng lumapit, at hinawakan yung kamay ko.

"Akala ko ba kikiss mo tong kamay ko, ohh, ano na?" sabay takip nung kamay nya sa bibig nya.

Gets nyo? Yung kamay lang nya yung harang, maglilips to lips na kame. Argh.  >.<

"A-he-he. P-pwede b-bang b-bukas n-nala-ng?" utal kong sabi.

eh pano ba naman, baka tanggalin nya yung kamay nya.. rekta na yun. pssh.

"Anong bukas? Sabi mo kanina ehh. Haha, wala na!! Baka takasan mo nanaman ako bukas."

Siya ata mind reader samin ehh. Pano nya nalaman? T_______T 

wala na tuloy akong kawala dito ngayon!

"Sige na nga! Game na. Lagay mo na yang kamay mo sa bibig mo! Umayos ka ah."

sinunod nya naman yung sinabi ko.

Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon