[Chapter 14] This Feeling.

553 10 1
                                    

[Julia's POV]

Pumasok na siya sa kwarto ko.

"Anong problema?" Ikaw Sab! Ikaw ang problema ko ngayon. Kung pwede mo lang malaman eh, pero masasaktan ako. Tagos kasi eh.

"Wala naman ^_^" Hello kaplastikan, pero di yata to eepekto, kilala ko nito eh. As in super kilala, 4 years na yata kami magbestfriend nito.

"Wala ah? Eh anu yung sinabi ni Rohan saken?" Ha? Sinabi na ni Rohan kay Sab yung tungkol sa ligawan? Hay, warak na nga ko. :(

"H-ha? Sinabi na nya sayo?"

"Oo naman!"

"Yung...."

"Alin yun? May dapat ba siyang sabihin sakin?"

"Ah, so ibig sabihin di mo pa alam?"

"Ano ba yun? Ang sinabi lang sakin ni Rohan, parang nabadtrip ka daw nya. May iba pa ba kong dapat malaman, ha?"

"Wala na, yun lang. Ano naman dapat mong malaman?"

"Hahaha, ewan ko sayo! Bakit ka nga nabadtrip?"

"Eh kasi pinagtitripan nya ko, napikon ako. Yun." Sa totoo lang, di naman talaga ko pikon, lagi nga akong nambabara eh. Pero wala. Ako nga ang nabara kanina, barado ang puso ko. -__-

"Come on! Ikaw? Napikon? Wow ha?"

"Yeah, Hahaha. Sounds funny right? But it's true."

"Ah, sige sabi mo eh! Kala ko naman sinabihan ka ng Mahal Kita at kinilig ka, pero kunwari napikon pero di halata."

"Kala ko nga rin sasabihan na ko. Kaso yung huling word ng sentence ay dapat palitan ng ikaw." Bulong ko sa sarili ko. Sheez. Sana di nya narinig.

"H-ha? Anung sinabe mo?"

"Sabe ko aalis muna ko, gala lang! Ha?"

"Sama kooo!" Hay nako Sab, ikaw nga dahilan ng sama ng loob ko, sasama ka pa?

"Ah, wag na. Kain lang kayo ni merienda ni Rohan!"

"Anong nangyare sayo? Ayaw mo na yatang kasama si Rohan?"

"Hahaha, magpapamiss lang. Hehe." Ang hirap magpanggap na masaya ka, pero sa loob mo. Nasasaktan ka na.

"Sus, sige. Ingat! Uwi ka ng maaga."

"Sige nay! Hahaha. ^_^"

[Jules' POV]

Nasa Bookstore na kami, hindi para bumili ng books, kundi ng school supplies! Nililinaw lang. ^_^

(-_-  )

(  -_-)

Lingon lingon ng bibilin, until I caught her eyes again. 2nd time na to ah? Lagi nalang siya nakatingin sakin, yung face nya parang full of pain. -__- Magaan kasi loob ko sa mga babaeng ganyan, Pero di ako BADING ah! Si Luis lang yun! Bwahaha. -_- Hay, ano na kaya nangyayari sa kanila ni Sab ngayon?

Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon