CHAPTER 5- TRYING HARD!
[JULES' POV]
Bago ko umuwi sa bahay, nagpagupit muna ko. Dumaan muna ko sa barbershop ng tita ko. Medyo malayo kasi yung hairstyle ko sa gupit ni Daniel eh, pano ko siya magiging kamukha kung hindi ako magpapalit ng buhok, diba? Pagkadating ko dun, VIP ako syempre, ako kaagad inuna nila. Dapat lang,l kung hindi sumbong ko sila sa Tita ko. Malakas ako dun no? Bwahaha. Pagkatapos ko magpagupit, umuwi na ko Pagkauwing pagkauwi ko sa bahay, nagready na ko!
Naghanda na ko, naligo, nagbihis saka lahat ng kailangang gawin. Nagsuot ako ng blak na jacket (na feeling ko winter ngayon sa Pilipinas), ng shades (na feeling ko nasa beach ako), simple t-shirt at ng pants (na feeling ko aabay ako). Ayos tong porma ko ngayon ah. Improving.
Ayos ng buhok, suklay. suklay! Ang gwapo mo talaga Jules Gerald! Ikaw na! Overconfident no? Hahahah, Talaga naman eh! XD Suot ng shades, Oha? Boom. Daniel Padilla, ano ka ngayon? XD ako ngayon si Daniel Patilla! *Pogi sign*
Pagkatapos ko, kinuha ko yung cake na bake ni ate kagabe. Bigay ko daw. Ayos talaga si ate no? Lahat ng efforts na ginawa. Kaya super love ko yun eh. Hinanda ko na lahat sa sasakyan ko. at OTW na ko.
Dumaan muna ko sa Flower Shop, tips din to ni ate eh. :) Dinaanan ko nalang yung pinareserve ni ate kanina. Matindi no? Haha, isang bouquet ng red flowers. Pera nya yan eh! XD Wala kong magagawa kung gusto nya kong maging masaya. Buti nalang may kapatid akong kagaya nya... hmm, pagkatapos ko nun, dahil wala na kong dadaanan, derecho na talaga ko kila Sab.
Pumasok na ko sa village nila, pinark ko yung sasakyan sa malayo. Part to ng plano, para di nya mahalata agad na ako 'to. Nagabang na ko sa labas ng bahay nila, wala pa daw sila sabi nung guard sa labas ng village eh. Tamang tama timing ko! Sakto lang.. pero sana umepekto.
Tinext pala ko ni Sab.
"Tuloy ka ng 2?" Sus. Hahaha, Hindi si Jules Gerald ang makikita mo, si Daniel Patilla! Haha, joke lang. Hindi ko na siya nareplyan, baka makakuha pa siya ng tip at clue eh.Maya maya, may narinig akong sumigaw,
"Waaaaaaa!" at alam na alam ko kung kaninong boses yun. boses ni Sab. Bwahaha, di ko muna tiningnan. Grabe siya ha? Mahal na mahal yung Daniel na yun, para kasi siyang nire'rape eh. Hahaha. Narinig kong sumara na yung pinto ng kotse, meaning? Nakalabas na siya. Nung papalapit siya saken, nginitian ko siya. Ngumiti din naman siya. Hayyy! :) Ang saya kung ikaw ang dahilan ng pagngiti ng mahal mo.
"Hi!" Sabi nya. tiningnan ko siya, sabay sabing "Hello Miss!" kunwari hindi ko siya kilala, baka kasi mahalata agad eh. Nakita ko naman siyang nakasmile "Daniel Padilla? Is that you?" Halata parin sa mukha nya ang kilig."Y-yes? Why?" kunwaring medyo nahihiya kong sabi.
"I'm a fan of yours!" sabi nya naman. Parang hindi ko tuloy alam tong isasagot ko."Aw, thanks miss." yan nalang sinabi ko, baka kung ano pang mabanggit ko dito eh. "Kailan ulit shooting niyo ng Princess and I?" tanong nya na hindi ko alam ang isasagot, ni minsan nga hindi pa ko nakakapanood ng buo nun eh.
BINABASA MO ANG
Wrong Send --Prologue to Epilogue (Completed)
Teen Fiction"Ang mga sikretong pilit mong itatago, pilit ding mailalabas." Paano kung isang araw, sa isang di inaasahang araw, nasabi mo na ang nararamdaman mo. Maling pagkakataon, maling pindot, maling timing! Ano ng mangyayare?
