My Ex Will ComeBack

1.1K 20 1
                                    

"Siya ba talaga yun"

"Sa pagkakaalam ko nag break sila nung girlfriend niya?"

"Siguro babalikan niya yung Ex niya"

Yan ang nadatnan ko pagkapasok ko pa lang dito sa campus Amanahis alam ko rin na bumalik na siya.bumalik na yung lalakeng minahal ko ng tapat at sobra,sobra.yung lalakeng laging andiyan para suportahan ako sa mga gusto Kong gawin.yung lalakeng minahal ko ng walang katapusan hanggang ngayon.yung kaisa isang lalakeng nagsabi sa akin na lahat ng problema malalampasan ko higit pa sa ikinaakala ko.yung lalakeng naging dahilan ko kung bakit ayoko na sa lahat ng lakake beside my father and my brother.

Umupo na ako sa chair ko at inilapag yung gamit ko na napakabigat.puro libro lang naman iyun,hilig ko kaseng magbasa eh!Ewan ko ba pero hobby ko na ito Simula nung---hiniwalayan niya ako.napasinghap na lamang ako at itinuon na lamang ang aking mata sa mga ka klase Kong pumapasok sa loob.

"Andeng!!!" Halos mabingi ako dahil sa boses ng kaibigan ko na si Megan."Andeng?nabalitaan mo na ba?"hingal na hingal siya habang sinasabi niya iyun.tumango na lamang ako at ngumiti na para bang Hindi na ako apektado sa kanya "Andeng!sabihin mo lang sakin kung may masakit diyan ha!" Sabay turo niya sa dibdib ko.parang bumigat ang dibdib ko ng ituro niya yun.Hindi ko alam pero ang bigat lang talaga dahil sa mga masasakit na naranasan ko yung pagdudusa ko noon sa kanya na ngayoy nakaukit pa rin sa puso ko.

Ako nga pala si Andrea Fueño A.K.A Andeng yan ang tawag sakin ng parents at kaisa isang kaibigan ko na si Megan.dito nga pala ako nag-aaral sa Amanahis dito sa Amadeo,Cavite

Certified na nasaktan...

"Ssshh...wag ka ngang umiyak.lalo ka tuloy pumanget...hahaha!!!" Hinampas ko na lang si Megan at natawa,pinunasan ko ang luha ko at ngumiti na lang ulit.dumating na ang Adviser namin kaya naman pumunta na ang mga ka klase ko sa sarili nilang mga upuan.katabi ko si Megan buti na lang."Okay Class meron kayong bagong classmate.Be nice okay"sino naman kaya yun?ang dami na nga namin dito tapos may transferee agad.pinapasok na ni ma'am ung new classmates namin at Hindi ako makagalaw dahil ngayon nakita ko ulit na kanina lang eh pinaguusapan nila.

Hindi ko maialis ung tingin ko sa kanya Hindi pa rin siya nagbabago.mas lalo siyang gwumapo.este tama naman!mas namatured yung pagmumukha niya.

Caesar Yee pure Filipino siya,

Siya lang naman ang lalakeng minahal ko ng lubos ngunit kulang parin pala.Akala ko siya na talaga yung magiging asawa ko at magiging tatay ng magiging anak namin.ngunit,puro nabaon na lamang iyun sa isip ko.

"Ms.Fueño?do you have any problem?" Nagitla naman ako dahil sa boses ni Ma'am halos ng ka klase ko nakatingin sa akin.At si---Caesar nakatingin rin sa akin.napahawak naman ako sa mukha ko at umiling na lang. Para na akong tanga dahil Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako Kay Caesar kanina pa.genon pa rin ba ako ka apektado pa sa kanya?

Hindi ako makagalaw!para akong natatae na Hindi naman.gusto ko ng lumabas rito at maglakad palabas na para bang wala lang pero Hindi ko magawa dahil andito parin si Caesar sa room.Kaming tatlo na lang ni Megan at Caesar sa loob ng room at yung iba naman ay nakaalis na."Andeng naman eh...gusto ko ring umuwi noh! "Reklamo niya sa akin tinignan ko ang oras at hapon na pala?tumingin ako Kay Caesar na ngayon ay naka earphone habang nakapikit ito na siguro yung pagkakataon para makaalis na ako,kami rito ni Megan at makauwi na.

Hinawakan ko ang kamay ni Megan at tumayo genon rin si Megan." Megan!dahan dahan lang ha?para Hindi niya tayo mapansin."bulong ko sa kanya na agad niyang ikina ngisi.I know may iba na naman siyang iniisip.genyan siya eh!ano magagawa ko.dahan,dahan akong naglalakad pero.lintik na Megan na toh inalis niya ang kanyang kamay sa akin at naglakad ng mabilis at kumindat pa.Humanda ka sa akin Megan bukas.

Genon parin ang ginawa ko hanggang sa malapit na ako sa pintuan konti na lang at makaka-alis ako rito

"Andeng?" Napahinto ako sa paglalakad at napaayos ng tayo.Tug..tug...tug...tug... Grabe naman bakit ganito ang pagtibok ng puso ko akala mo eh!hinahabol ako ng kabayo.pero Hindi yun eh!.Dapat akong galit sa kanya kase sinaktan niya ako.tsaka wala siyang karapatan na banggitin niya ako sa nickname ko dahil Hindi ko siya close."Andeng..."sabi niya ulit at this time humarap na ako sa kanya.

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa genyang pangalan.dahil Hindi naman tayo close para tawagin mo ako sa nickname ko."malamig ngunit garagal na sabi ko sa kanya.nanginginig na ang kamay ko kaya naman ipinasok ko ito sa bulsa ng palda ko at napakayukom ng kamao ko." Andeng..."

Bumigat ang dibdib ko at baka tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.ayokong umiyak sa harapan niya at baka kaawaan niya lang ako.

"Wala kang karapatan na tawagin ako sa nickname ko Mr.Yee?.Ilang ulit ko pa bang sasabihin sayo ha!." Giit ko sa kanya habang siya ay nakatingin lamang ng diretso sa mga mata ko."Andrea...yung ballpen mo nalaglag. Iaabot ko lang sana toh sayo pero kung ano ano na yang mga pinagsasabi mo."napataas ako ng kilay.inabot niya sa akin ang ballpen ko na nahulog nga. Shet ka Andrea bakit ka kase nagpapadala sa emosyon mo eh yan tuloy.

Kinuha ko kaagad yung ballpen ko sa kanya. Pero Hindi sa sinasadya nasagi ng kamay ko ang kamay niya at nakaramdam ako ng kuryente na ngayon ko na lang ulit naramdaman.

"Tss...Bakit ka pa bumalik..." Sabi ko sa kanya at naglakad paalis sa room kung saan naroon pa siya.

***



My Ex Will ComeBackWhere stories live. Discover now