Chapter Seven

321 7 0
                                    

Narrator's PoV

Habang nasa klase ang mga mag-aaral sa Campus Amanahis ang isa sa mag-aaral ay lutang ang isip at Hindi nakatuon ang isip sa discussion ng ngayon ay English Teacher nila.natapos ang humigit kalahating oras ay recess na nila uso na naman ang salitang BREAK  at kanya,kaniyang alis na ang mga estudyante.ang magkaibigan na sins Megan at Andrea ay tumungo na rin sa field at doon kumain ng Recess.nagtatawanan at naglolokohan silang dalawa habang kumakain.kahit papaano naiibsan ang kalungkutan na nadarama ni Megan dahil sa sakit ng kaniyang Ama.

Nung una man hindi niya ito lubusang natanggap dahil Hindi naman naging pabaya ang kanyang Ama sa sarili nitong kalusugan.masakit man para sa kanya at pati narin sa kaniyang Nanay.Pilit niya maging matatag upang Hindi panghinaan ng loob ang kanyang Ama na lumaban sa sakit nitong Cancer

Si Andrea naman ay naguguluhan at Hindi alam ang kanyang gagawin dahil sa mga nangyari.Tulad ng muling bumalik ang kaniyang dating kasintahan at sila pa ang napili para sa program sa valentines kahit matagal pa naman yun.At yung insedenteng nasuntok ng kaniyang dating kasintahan na si Caesar si Danilo na kung tawagin niya ay Chinitong singkit dahil sa kulay gatas nitong balat at sa medyo singkit niyang mata na mas ikinakwgapo niya.

Ng matapos nang makakain ang dalawa ay agad silang nagtungo sa kanilang classroom at umupo.nagtaka naman ang dalawa dahil may isang box na color red at black at may ribbon pang black.ang nasa isip ni Andrea ngayon eh!baka USO ang itim ngayon.bubuksan na sana niya kaso biglang dumating ang kanilang sumunod na subject teacher.

Lecture

Discuss

Lang ang tanging ginawa nila ngayon.napapatingin si Andrea sa kahong nasa tabi niya.

Ano kaya ang laman nitong kahon na ito?

Tanong nito sa isip niya?ano nga kaya ang laman nito?. At sino nga kaya ang nagbigay sa kanya ng kahong ito.

Andrea's PoV

Ano ba kaseng laman nitong Kahon na ito at pinaglihi ata sa kulay itim ang nagbigay nito sa akin.ni Hindi ko mabuksan dahil nakakahiya at nandito pa man din ang Teacher namin ngayon."Andeng???kanino galing yan?"tanong ni Megan sa akin na ngayon ay hawak ang takip ng kahon at aakamang bubuksan kaya naman pinalo ko ang kamay niya.

"Aray ha!bat mo ginawa yun" reklamo niya sa akin.

"Paano ba naman!pwedeng ako muna ang makakita kung anong laman nito?." Tapos sabay turo sa kahon."Sus!buksan mo na kase para malaman na natin kung anong laman?"pagpipilit niya sa akin?umiling lang ako."Ayoko muna buksan ito? Sa bahay ko na lang bubuksan at sasabihin ko na lang sayo yung laman okay."tumango si Megan.

Hindi ko naman pwedeng ilagay ito sa loob ng bag ko dahil uumbok lang siya at pangit tignan kung nagkataon.kaya naman dala dala ko ang kahon ngayon habang naglalakad papunta sa gate at para na makauwi?.Bakit kaya Hindi ko nakita si Danilo kanina.wala tuloy akong kaaway.Mas gusto ko kaseng laging binabara oh di kaya inaaway si Chinitong singkit para naman matuwa ako.minsan na nga lang ako matuwa diba?.gusto ko pa lalong makilaka si Danilo dahil gusto ko siya maging kaibigan namin ni Megan.dahil alam Kong Hindi nga siya tulad ng ibang lalake.

Binaba ko ang gamit ko sa kwarto ko at nagbihis.humiga muna ako sa kama ko dahil pagod talaga ako ngayong araw.

"Mama,Papa?" Saan kaya sila

"Mama,Papa!asan kayo?"

"Huwag ka ngang sumigaw anak?.May niluluto lang akong ulam natin ngayong gabi at yung Papa mo naman eh natutulog pagod sa trabaho ang papa mo kaya manahimik ka diyan." Ang sweet ni Mama Kay Papa.ganito sana kami ni Caesar kung Hindi siya nakipag hiwalay eh.Geezz?akala ko ba kakalimutan mo na siya bakit inaalala mo pa.tumango na lang ako at sumunod Kay Mama.pumasok na lang ulit ako ng Kwarto ko at ipinatong sa lap ko ang kahon at binuksan ito.Puro confetti naman toh oh.hinalungkat ko ng hinalungkat hanggang sa may nakita akong Papel na naka roll.

Walang nakasulat kung kanino galing toh kaya naman mas lalo akong nagulat dahil sa nabasa ko at nagtaka

Sa akin siya,sa akin lang siya at gagawin ko ang lahat para mawala siya sa landas mo Andrea.

***

My Ex Will ComeBackWhere stories live. Discover now