Chapter Sixteen

232 5 0
                                    

The Truth

Andrea PoV

Ngayong alam ko na ang lahat kung bakit niya ako hiniwalayan may chance pa ba na maibalik sa dati ang lahat.Kung saan masaya kaming dalawa at walang Monica Santos na dumating sa buhay niya,sa aming dalawa.At kung bibigyan ko na ba siya ulit ng chance dito sa puso ko.Hindi kase ganon kadali ang magpatawad.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa kanya at walang alinlangan na niyakap siya at doon ko binuhos lahat ng luha ko.

"Dapat sinabi mo na agad dati pa." Panimula ko,mahirap magsalita at umiiyak pa.

Hinagod niya ang likod ko at hinahaplos ang buhok ko.Dinadamdam ko ang pagkskayakap ko sa kanya.Na miss ko toh!na miss ko tong gawin pero bakit sa ganitong sitwasyon pa.

"Ssshhh....tahan na" mas lalo lang akong naiyak,apektado pa rin ako sa kanya.Gusto kong maibalik lahat sa dati para naman maging ayos na ako.

"B...bakit mo ginawa yun" tanong ko habang humihikbi.Niyakap niya ako pabalik at mas hinigpitan niya pa iyun at parang ayaw niya akong pakawalan.

"Tumahan ka muna." daming alam, tumahan na ako at tsaka humiwalay sa yakap.

"Ano ba...sabihin mo nga sa akin bakit mo ginawa..."

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko ngumiti naman siya.Hindi ko maiwasan na mapangiti rin.

"Andeng...patawad sa lahat,dahil nasaktan kita at pinagtabuyan noon.Nagawa ko lang naman iyun dahil ayokong masaktan ka."

"Sa tingin mo Hindi ba ako nasaktan sa ginawa mo?."

"Nasaktan kita syempre,at ganon rin ang naramdaman ko.Ang tanga ko lang talaga noon eh,ni hindi kita naipaglaban.Nababaliw na ako nun kakaisip kung paano iatras ang contract pero yung Monica na iyun ay matigas talaga ang ulo at ayaw umatras.At hinding hindi daw siya susuko."

Tulad lang pala kami ng nararamdaman noon

"Pero Caesar.Kasal ka na ba!" sana'y mali ang aking iniisip.

"Hindi,dahil nung araw mismo ng kasal hindi ako umattend."

Talaga ginawa niya yun,

"Dahil naalala ko na hindi ko kayang pakasalan si Monica.At ikaw lang ang gusto kong pakasalan."

Hindi ba ako nanaginip,kurutin ko kaya ang sarili ko.

"Aray!" Hindi nga ako nanaginip,grabe ha lakas ng kabog ng puso ko."Bakit?nyare sayo ha!"bigla niyang hinatak ang braso ko at tinignan kung may sugat ba oh wala.Napangiti naman ako sa asal niya nakakamiss talaga ang ganito."Oh!akala ko pa naman kung ano na...teka bakit ka nakangiti diyan!"umiling lang ako pero hindi ko magawang alisin ang pagkakangiti ko."Andeng...sana ganito na lang tayo parati?"bigla niyang saad.

"Huh?gento yung laging nakaupo genon,eh nakakangalay din yung genon." Natawa naman siya.

"I mean...yung okay na tayo,na parang noon lang."

Umiwas ako ng tingin,sa palagay ko ba magiging genon lang yun.Oo hindi niya intensyon na hiwalayan niya ako pero sobra talaga akong nasaktan eh.

Kung ganong kadali lang sana na isang sorry ay ayos na.Pero hindi eh!

"Hindi naman ganon kadali ang tinutukoy mo Caesar.Pinaliwanag mo nga ang lahat pero nasaktan ako nun eh.Kaya patawad kung hindi ko magagawa yang tinutukoy mo."

"Ako dapat ang humihingi ng pasensya hindi ko talaga sinasadya na masabi ang ganong bagay.Nagbabakasali lang naman ako na baka okay na tayo kahit papaano."

My Ex Will ComeBackWhere stories live. Discover now