Chapter Nineteen

138 2 0
                                    









Uminom ako ng tubig at tsaka nanginginig na kinuha ang aking gamot at tsaka ininom iyun.Yung mga titig kase nilang dalawa sa akin kakaiba.lalo na yung kay Danilo nangaakit ata toh eh.

“Andeng”boses ni Caesar

Save by the Ex

“Nakainom ka na ba ng gamot mo?"tanong niya sa akin.Tumango naman ako tsaka pinaupo siya sa tabi ko.Umupo naman siya at may kung tinitignan sa buong katawan ko.

Manyak!itinakip ko ang bag ko sa dibdib ko tsk.Kailan pa ba siya ganito

“Hindi kita pinagnanasaan yang isip mo talaga masyadong madumi.”

Sabi ko nga eh,sino ba naman kase ang may sabi na pinagnanasaan niya ako

“By the way sumasakit pa rin ba yang ulo mo”pinakiramdaman ko ang sarili ko at wala na naman.“Wala naman na sana nga stress lang iyung nangyari.”

“So miss sungit umasa ka ba”kala ko pa naman tapos na pero hindi pa pala

“Anong umasa”sabat ni Caesar umiling lang ako at sinabi na wala lang iyun wag ka mag alala.“Ano eh...wala yun Caesar tara bumalik na tayo sa room baka malate na tayo eh”

Tumango naman siya at siya na ang nagbitbit ng bag ko.aalis na nga sana kami pero bigla akong hinawakan ni Danilo sa braso.Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap na ikinagulat ko at ganoon na rin si Caesar.

“sshhh...babawi ako sayo Andrea at tsaka pasensya na kung ginawa ko ito. ”

“pwede ka na bang bumitaw sa akin.Kase nakakahiya na oh ang daming estudyante na nakatingin sa ating dalawa at tsaka si Caesar kase eh

“Ow,sige basta babawi ako sayo dahil alam ko na umasa ka talaga eh.”

“Oo na umasa na kung umasa kulit kase eh pinagpipilitan ang totoo.Bye see you later Chinitong Singkit”

Umalis na kaming dalawa ni Caesar at kinakabahan na ako.Bakit kase ginawa pa yun ni Danilo.

Habang naglalakad kami papunta ni Caesar sa room ay Panay ang tingin ko sa kanya seryoso lang siya na naglalakad.

“Caesar bakit ang seryoso mo”tanong ko sa kanya.

“Hindi naman ah baka sa isip mo lang yun ”

Nagtanong pa ako kung ganoon rin pala ang isasagot niya.Bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad.

“Alam ko naman na seryoso ka eh.Tanga ko lang dahil tinanong pa kita diba.Wala namang masama kung sabihin mo kung ano ang nararamdaman mo.”

“Gusto mo talagang malaman”

“Oo para naman hindi ganito ang pagitan natin ”




“Paano ba naman Andrea hindi mo ba nahahalata na nagseselos ako dahil sa Danilo na iyun.Wala naman akong karapatan para magselos pero hindi ko maiwasan.Dahil tuwing nakikita ko kayong dalawa na masaya para akong pinapatay ng paulit ulit.Dahil mahal kita.”

Mahal ko rin naman siya ah hindi nga lang tulad ng dati na lubus lubusan kung mag mahal.Tsaka magkaibigan lang kami ni Danilo at wala ng iba.

“Patawad kung ganoon ang nararamdaman mo.Oo nga mahal mo ko pero sana naman kontrolin mo yang pagseselos mo dahil kung hindi mo kinontrol ay makapanakit ka ng kapwa mo.Iyun lang Caesar at tsaka pinapaalala ko lang na wala ng tayo at nagsisimula ulit tayo.”

My Ex Will ComeBackWhere stories live. Discover now