Broken Hearted

28 1 0
                                    

Den

Narito ako ngayon, kumakain ng almusal. Kasi naman hindi ako nakakain kagabi kaya ito gutom na gutom na ako.

"Gutom lang?" bungad sakin ng kapatid kong gwapo. Siyempre kasi sa kanya ako nagmana.

Kumain lang ako at lumapit siya.

"Kaya pala hindi siya nagsasalita kasi favorite niya ang nakahain ngayon. Hotdog na may cheese pa. Tapos yung cheese ay lumala---" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at ipinaslak sa baba niya yung buong hotdog.

"Kumain ka nga na lang kuya. Ang bastos mo nasa harap tayo ng hapag-kainan!" sabi ko.

Pi-nat niya lang yung ulo ko at nag sign of the cross at kumain na.

Nagpaalam na ako kay Mama at sumakay na ng dyip. Nakita ko naman si Cannister kaya umupo ako sa tabi niya.

"Hi." bati ko sa kanya. Hindi naman siya kumikibo. Tulala lang?

Kumaway-kaway ako sa harap niya at bumalik naman siya sa wisyo.

"Oh Den nandiyan ka pala."

Ay hindi nandon ako. Wala ako rito.

"May problema?" sabi ko at umiling.

"Wala, kinulang lang sa tulog."

"Ah. Kasi parating nagwa-wattpad. Ayan!!" napasigaw naman ako at biglang may nag-shhh sakin.

Nagpeace sign na lang ako.

"Sorry po, timang lang nakainom." sabi nitong katabi ko. Hala. Batukan ko siya diyan eh.

"Tama na 'yan. Alam mo naman na kilala na kita. Sa 6 years nating magkasama, kabisado na kita boi!" napabuntong- hininga naman siya.

"Okay. Nakita ko kasi yung childhood friend ko. Pero hindi pa ako sure kung siya ba 'yon. Gusto ko sanang you know makipagkaibigan ulit sa kanya. Pero parang hindi niya ata ako nakikilala." napatango naman ako.

"Ikaw? Makipagkaibigan ba talaga ang gusto mo o pakipagka-IBIGAN. Ikaw, ha?! Ang bata-bata mo pa!" sambit ko sa kanya. Kinurot ko pa yung tagiliran niya.

Namula naman siya. O diba! Huli ka na boi!

Umiling naman siya. Pero nagfa-flush pa rin siya.

"In-denial pa siya. Eh halata naman." sabay turo sa pisngi niya.

Inilabas niya ang phone niya at pinidot yung camera niya. Nakita naman niya yung mukha niyang namumula.

"Wala 'to."

"Ah so don't tell me nagba-blush-on ka na." sabay ngiti ng nakakaloko.

"Oo na nga para sa ikatatahimik mo."

Kumirot bigla ang puso ko sa sinabi niya. Napahawak tuloy ako sa puso ko.

Assumera ka kasi!

Napangiti ako ng bahagya. "Ang cute mo!"

Namula ulit siya kaya naman ngumisi ako. Masaya na ako sa ganito.

Nakarating na kami at random things lang ang pinag-usapan namin sa biyahe. Kaya hindi ako na bored.

Bumalik ang mga katagang sinabi niya. Ang sakit isipin na may iba nang nagugustuhan si Cannister. Wala talaga akong pag-asa.

Bakit naging kayo ba?

Naglalakad kami ngayon sa pathway. Konti pa lang ang mga estudyante rito, ang aga pa rin kasi.

Biglang kumalabit sakin si Cannister. May itinuro siya.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon