Getting Together

10 0 0
                                    

Den

Nandito ako ngayon, nakatulala sa isang kanto rito sa mall. Hays. Kakatapos lang namin magsine at ang raming tao rito kaya ayun 'di ko sila makita. Sus. Asan na ba yung mga 'yon.

Kasama ko ngayon si Cann kaya ang saya ko. Okay lang kung 'di na sila magpapakita basta makasama ko lang ang mylabss ko.

"Nakita mo na ba sila?" tanong niya habang palipat-lipat tingin sa kaniyang phone.

Hays. Ang stressed niya.

"Wala pa." bored kong sagot eh kasi naman gusto ko ng kumain pero sabi nito hanapin muna raw namin sila.

"Oh, bakit nakasimangot 'yang mukhang iyan?" pakialamero talaga nitong lalaking ito. Pero alam mo 'yon, kinikilig ako. Yieee. Concern siya!!!

"Wala!" sabay haplos ng tiyan ko. My tummy lumiliit na siya. Pakainin mo na siya Daddy Cann. Ewwwsss! Landehhh ko no'n ah.

Hinahanap ko pa rin sila ng biglang tumunog yung tiyan ko. Aysss. Pinapahamak ako ng tiyang ito. Grabe. Pakainin niyo na kasi ako. May iba tumingin sa akin pero tinakpan ko na lamang ang mukha ko.

"Haha. Narinig ko 'yon!" sigaw naman nitong isa rito. Grabe. Pinapahiya niya rin ako ah. Baka 'di ko mapigilan at ma-kiss ko siya diyan!

"Kumain muna kasi tayo!" pagmamakaawa ko sinabayan ko rin ng pacute para epektibo.

"Oo na! Baka magwala ka pa diyan." sabi niya at ginulo ang buhok ko. #galawangkuyalangah

Ang hirap pa naman nitong ayusin. Tsk tsk!

Pumunta kami sa Jollibee kasi 'yon lang makayanan ng budget namin. Di kasi ako binigyan ng baon ni Mama kasi ang baba raw ng mga grades ko. Tsk! Kaya ayun, yung ipon ko na lang na perang ginamit ko. #kuripot

Para na akong kinikilig ngayon dahil para kaming naglo-low-budget dating ni Cann. Hehe. Kami lang dalawa. Walang epal.

Ikaw Denzel, ha?! Pinagnanasaan mo si Cann. Baka marape mo 'yan ng wala sa oras! Grabe mo! Kababae mong tao!

"Anong gusto mo?" tanong niya habang inilalabas ang wallet niya.

"W-wag na ako na." sabi ko at tumayo pero pinigilan niya ako.

"Hindi, kailangan mong bantayan ang pwesto natin at 'di pwedeng hayaan na lamang ng lalaki na makitang naghihirap ang isang binibini." sabi niya sa mahinhin na tono. Maginoo. Grabe. Nadadala ako. Omaygash! I need air!

"Okay, sinabi mo eh!" at sinabi sa kaniya ang oorderin ko, inabot ko na rin sa kaniya ang bayad ko.

Habang hinhintay ko umabot yung order namin, ay nagfb muna ako. Scroll up, scroll down. Iyan lang naman pampalipas-oras ko. Hays.

Isinuot ko ang earphones ko at nagpakalunod sa musika. Music is the great escape from reality. Pero 'di ko talaga maisip na makakasama ko ngayon si Cann. Pero 'di rin mawari ng isip ko kung makikita kami dito ni Maia. Baka, magalit siya sa 'kin. Baka, makipag-break siya kay Cann kung makita niya kaming nasa iisang lamesa. Baka, may dumating na namang bagong issue dahil dito. Baka, mapagbintangan na naman akong slut, malandi, makati, pokpok etc. Hays.

Kahit gusto ko man, ayaw ko namang makasakit ng iba. Hindi pwedeng puro na lamang sa akin, dapat may sa kanila rin, diba? Hays. Crush ko man 'to pero may mahal na siyang iba at nirerespeto ko iyon. Hays.

"Oh, ito na!" napabalikwas ako ng upo dahil sa biglaan niyang pagsigaw na iyon.

"You gave me a heart attack!" tapos hawak-hawak ko na ang dibdib ko.

"Well, nandito na yung pagkain natin." at nilapag niya na ang mga inorder namin.

"Cann..." tawag ko sa kaniya kaya nawala ang ngiti niya. "Pwede bang umupo na lamang ako sa ibang table?"

Nag-abot ang kilay niya dahil sa sinabi kong iyon.

"Bakit?" matalim niyang sabi at tapos umupo na.

"Kasi, baka makita tayo nila Maia rito at magkaroon pa ng 'di pagkakaunawaan." tumayo na ako at kinuha ang mga inorder ko.

Sumimangot siya, pero ilang sandali lang ay ngumiti siya.

"Ahhh, ang caring mo talaga. Pati relasyon ko pinapahalagahan mo." tapos iha-hug na niya sana ako ng ipakita ko sa kaniya kamao ko.

Napataas naman siya ng isang kilay niya at sumimangot.

"Siyempre naman, best friend eh." sabi tapos nag-apir na lamang kami.

Gusto ko sana i-hug siya pero hayss 'wag na.

Pumunta ako sa may bakanteng upuan at doon na nagsimulang kumain.

~You are the cause of my euphoria~

Pinapakinggan ko na lamang ang music ko habang kumakain.

He is the cause of my euphoria.
Cann is the cause of my euphoria.

Lundehhhh!!!!

Mabilis lang akong natapos dahil alam mo na dahil sa gutom. Gosh! Patay gutom ko talaga! Pagkatapos kong kainin yung main course, ay kinain ko naman yung dessert, yung sundae ko.

Habang kain kang ng kain si Cann ay panay ako ng kuha ng pictures niya. Gosh! Ang gwapo talaga! Ang swerte naman talaga ni Maia at nagkajowa siya ng ganitong lalaki. Caring na, ka-jamming pa. Partner-in-crime.

Pagkatapos naming kumain, ay nagstroll muna kami para matunaw kaagad ang mga kinain, lalo na yung sa akin ang rami ko kasing kinain. Ang laki na tuloy ng tiyan ko. Bloated.

"Huy!" nabigla ako sa sigaw na 'yon na nanggagaling sa likod namin kaya kami'y tumignin roon at sila lang pala dalawa ni Lei.

Agad yumakap si Cann ni Maia. Tsk! Caring talaga!

"Saan ba kayo galing, ha?!" tanong niya sa jowa niya.

"Diyan lang naman, namili lang kami ng masususuot." sabi niya at itinaas ang bag na hawak niya.

"Hays. Namiss kita babe!" sabi niya at kinurot ang ilong nito. Tapos magki-kiss na sana sila ng...

"Ehemm... Ehemm... Ang daming langgam ngayon, noh?!" sabi ko tapos kinamot-namot ko pa yung paa ko.

"Eh, ako nga tinotonsil na rin baka umuwi na ako nito." at binatukan kaming dalawa ni Maia.

"Kayong dalawa talaga. Tsk!" daing naman nitong Cann na 'to.

Tumawa na kang kami. Grabe. Eh kasi naman, respeto sa mga walang jowa oh. Parang nang-iinsulto nga sila sa ginagawa nila eh.

Relax lang!!!!

Nagseselos ako!!! Ano ba ito? Di pwede 'to. May jowa na si Cann di na pwede 'yan. Hanap na lamang ako ng iba. Pero gusto ko pa siya ihh! Ang lunddehhh ko! Hays. Naglalaban ngayon ang utak at puso ko.

Anong dapat kung sundin?

No. of Words: 1032

M's Note

Yiee! 5 chapters na lamang and First Year will come to an end. Hays. Mami-miss ko yung mga characters. Heh. Pero hep hep hep! Nakalimutan ko may Second Year pa pala. Yey! Sana suportahan niyo pa rin ang sequel nitong story ko. At tunghayan si Denzel sa kaniyang #RoadtoPagibig. Sana mapansin na siya ni Cann noh?! Ang sakit na kasi ng role niya. Huhu!!!

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon