Letter

20 1 1
                                    

Den

Monday na naman at panibagong chapter ng buhay ko. Yey! Second week na. Salamat Lord at nakasurvive ako sa first week. Lalo na nung bago naming principal. Hay napakastrikta! Antipatika!

Heto ako ngayon nakasakay ng jeep, ako lang mag-isa, 'di ko nga alam kung absent ba si Cann ngayon.

Hay! Napabuntong hininga na lamang ako. Walang magawa at walang makausap. Baka mapanis 'tong laway ko dito. Naalala ko yung first day ng class. Paparating akong school 'non at yung mga tao sa jeep na 'yon ay ang su-sweet. Ayieee!!!

Kinikilig si ako!!!!

Hay! Napabuntong hininga ulit ako kasi kinikilig ako sa ibang pag-ibig. Tsk! Sa ibang pag-ibig! Ang shaket!!!

Biglang napahinto ang sasakyan kaya kaming lahat ay tumilapon. Buti at napakapit ako sa railings kundi, namudmud na 'yong mukha ko sa sahig.

"Ano ba 'yan?" reklamo ko.

Ah, 'yon pala! Traffic kasi. Hala! Traffic! Anong oras na?! Baka malate ako nito?!

Tumingin ako sa relo ko at 7:25 na.

Hala! 5 mins. na lang at magsa-start na yung classes.

Putang traffic na 'yan.

Sa wakas at nakarating rin pero 7:45 na. Late na ako. Patay ako nito.

Closed na ang gate at parang ang peaceful na ng lugar. Last day ko na talaga ngayon.

My last words:
Sa lahat ng nagmamahal sa 'kin, kung meron man. Mahal ko rin kayo! At sa aking pamilya na patuloy pa ring sumusuporta sa 'kin. I love you! Kay Cann, sana magkatuluyan kayo ni Maia pero 'di muna ngayon, ang babata pa kasi. Kay Yhena, sana magconfess ka na kay Ken. Alam kong crush mo siya. Lastly, sa aking nanay na patuloy ko pa ring hinhanap. Magpakita ka na po. Last day ko na po ngayon. Thank you po! At mahal na mahal ko kayo! This may be my last day but my love for you all will always be forever! Gusto ko sa burol ko ha, walang iiyak! Ang iiyak ay masusunod sa akin! Joke! Pero bye na po! Magkikita pa tayo sa balete drive! Joke lang!

Hay! Ayan nakagawa tuloy ako ng last words ko. Hay! #stressed

Kumatok ako at nakita ko yung guard.

"Oh, halika na at may punishment pa si Madam sa inyo!" nakangiti niyang sabi. Masaya ka na niyan!

Binuksan na ni kuya guard yung gate at pumasok na ako. Inilapag ko muna yung bag ko at kinuha na yung walis. Hay! Nakita ko ulit yung nerdy seatmate ko.

"Oh, late din?" bungad ko sa kanya. Napatingin naman siya sa 'kin at bumalik na sa pagwawalis.

Tumalikod siya sa 'kin at parang lumapit sa bag niya. Anong problema 'non?! Ano may dalaw?! Pwede ba 'yon?

Nagpatuloy na ako sa pagwawalis ng may iabot sa 'kin ang seatmate ko.

"Oh!" sabi niya habang hindi tumitingin sa akin.

Kinuha ko 'yon at tinignang mabuti. Isang letter. Binuksan ko 'yon at may isang nakatuping papel na may heart-heart pa sa gilid. May nakasulat na 'To: Denzel'. Napatingin ako sa kanya.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon