Christmas Special Chapter: What ifs

21 0 0
                                    

Part 1

What if umamin na si Den kay Cann?

Scenario #1: Yes

"C-Cann, sorry talaga, pero 'di ko na kayang tiisin eh. Kapag nakikita kita parang tambol ang puso kong lumulundag sa tuwa. Sorry talaga, kasi may c-crush ako sa 'yo. I like-- I love you." nakayuko kong sabi. Oo, inamin ko na sa kaniya ngayon at sobrang nakakahiya. "Sana 'd-di magbago ang tingin mo sa 'kin. A-and I d-don't need your a-answer. Gusto ko lang malaman mo na may crush ako sa 'yo."

Tumalikod na ako at binilisan ang paglakad. Nanginginig ako ngayon at hindi gumagana ng maayos ang utak ko. Hindi ko rin magawang tingnan siya ulit.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ay hinawakan ng kung sino ang aking braso. Napahinto ako, at dahan-dahang tumalikod.

At nakita ko siya, nakahawak sa braso ko. At nakangiting tumingin sa 'kin. I saw happiness in his eyes. But why, kasi nagtagumpay siya sa plano niyang mapafall ako sa kaniya. But I saw a different happiness. I saw a true happiness.

Agad akong hinawi ang kanyang kamay at dire-diretsong naglakad. Pero for the second time, ay hinawakan niya ang wrist ko. "Den, please don't leave." pagmamakaawa niya. At hinila niya ako papunta sa kaniya, na ikinabigla ko.

Magkaharap na kami ngayon. At nakitang kong naluluha na siya.

"C-Cann, what's the m-meaning----" iniharang niya ang hintuturo niya na nagpapahiwatig na "wag daw akong magsalita."

"Den, you know what I'm very happy. I'm very happy to know that you like me." masaya niyang sambit.

"Correction, love you."

"Yeah, I'm very happy to know that you love me. Because, all this time I thought I'm the only one who have this strange feeling. I thought the feeling is not mutual. I love you, My Denzel Gracia-Flores. I love you so much, that I can now die for happiness."

"I hate you. Kinailangan ko pa talagang magconfess ako para mailabas mo 'yang totoong  nararamdaman mo. Alam mo ba kung ilang taon kung pinag-ipunan 'tong lakas ng loob na 'to. 'Diba mga lalake ang dapat gumawa ng first move? Hmmp!" pagtatampo ko.

"Oh babe." tawag niya sa 'kin na ikinabigla ko.

"Bab--" hindi ko natapos ang dapat kong sasabihin ng ilapit niya ako sa kaniya. As in ang lapit na namin.

Napangiti ako. Yiee! That was unexpected pero kinilig ako. Haha! Yieee!

Mas lumapit siya sa 'kin kaya napaatras naman ako. But I can't avoid him because he locked his arms around my waist. He came closer and closer. So I just closed my eyes, I don't have a choice. Hinantay kung dumampi ang kanyang malambot na labi sa akin pero walang umabot.

Napadilat ako at nakita ko siyang nakangisi.

Napasimangot ako. Akala ko 'yon na 'yon eh. Gigil na gigil na ako eh.

"Aminin mo, ginanahan ka noh?!" nakakaasar niyang sabi kaya napangiti na lamang ako. "Haha. 'Wag na muna natin gawin 'yon. We're too young for those things. And we're not a couple yet. 'Di mo pa kaya ako sinasagot."

Kumunot ang noo ko ng sabihin niya 'yon.

"Hindi mo pa kaya ako tinatanong?" akala mo ikaw lang, kaya ko rin.

"Okay." at lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko.

"Hey, no, you're not doing it. Tumayo ka diyan." sibat ko sa kaniya.

"Yes, I'm doing it. And wala pa nga akong tintanong sa 'yo binusted mo na agad ako. Ibang klase ka talaga, kaya nga na-in love ako sa 'yo eh." at nagwink sa 'kin. Napasmirk na lang ako. I need to control my self, I need to be a Dalagang Filipina, Den.

"Ms. Denzel Garcia, will you be my girlfriend?" nabigla ako ng sabihin niya 'yon.

I'm just dreaming this before but now it's already happening.

"Uhmmm." pagiisip ko.

"Oh come on. Um-oo kana, gusto mo rin naman ako eh." pagkairita niya.

Kinuha ko ang kamay ko at tumalikod.

"Hindi nag jo-joke lang ako." tapos binack hug niya ako.

Napangiti ako. Alam ko naman eh, sumakay lang ako.

"Ne! (Yes!)" sabi ko.

"Talaga ba?!" at um-oo naman ako. "Yes!" at binuhat niya ako.

"Thank you, Lord! Oh I love you so much, Denzel!"

"I love you too, Cann."

Scenario #2: No

"C-Cann, sorry talaga, pero 'di ko kayang tiisin eh. Kapag nakikita kita parang tambol ang puso kong lumulundag sa tuwa. Sorry talaga, kasi may c-crush ako sa 'yo. I like-- I love you." nakayuko kong sabi. Oo, inamin ko na sa kaniya ngayon at sobrang nakakahiya. "Sana 'd-di magbago ang tingin mo sa 'kin. A-and I d-don't need your a-answer. Gusto ko lang malaman mo na may crush ako sa 'yo."

Napaiyak ako, ang imposibleng lang kasing sagutin ako nito. Hays. Eh magjowa na kasi sila ni Maia kung sana nagconfess ako sa kaniya ng mas maaga ay sana baka may chance pa.

"Den..." sigurado akong hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Walang gumagana sa utak niya ngayon.

"Alam m-mo naman na m-may jowa na a-ako." napahinto siya. "

"I'm sorry---" may idadagdag pa sana siya ng itinikhim ko ang baba niya.

"Shh. Alam ko namang iba-busted mo ako eh. A-and I already ac-cepted the fact that you'll never l-love me the way as I do, but you don't have to apolo-gize. It's all m-my---" at biglang tumulo na lamang ang luha ko. "Fault. Kainis kasi 'tong puso ko eh. Tumibok pa sa 'yo. Haha." hindi pa rin huminto sa pag-agos ang mga luha ko.

"I'm very sorry for *sob* loving you. A-and I wish y-you to have a *sob* good and long- lasting *sob* realtionship. I'm now letting you go."

Ngumiti pa ako for the last time at umalis na. With every steps I take, there's a drop a tear that's falling. But I freezed when he said his last words.

"I once loved you but I thought I'm not deserving for you, because your so kind-hearted, loving, and good. You had it all and I know there's someone out there who's more deserving to have your love." napatingin ako sa kaniya. "I'm sorry if it's not me." at napahagulgol na lang ako sa iyak. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako.

"I'm sorry, but I can only offer you as a friend."

M's Note

Tandaan na What ifs lang po ito. Pero may posibilidad po na isa sa mga ito ang magiging ending ng aking istorya, pwede ring wala rin po rito. Salamat po!

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon