Secret Admirer

14 1 0
                                    

Den

Maaga akong narating sa school ngayon at hindi pa gaano karami yung mga estudyante rito. At karamihan dito, ay mga magjowa. Yung mga takot mahuli ng teachers kaya maaga dumarating na magjowa yung nandito.

Dumiretso agad ako sa room namin. Sure akong ako lang mag-isa roon. Buti at hindi naman ako matatakutin.

Habang naglalakad ako patungong room ay may estudyanteng nagbigay sa 'kin ng letter.

"Para sa 'kin po?" sabay turo sa sarili ko.

"Oo." tili niya sabay pamumula pa. "Pero 'wag kang magsumbong, ha?! Secret lang natin ito, okay?!" dagdag niya pa. Parang nasa Grade 9 na siya pero ang kulit lang.

Umalis na siya. Tumingin ako sa letter at hinanap kung sino yung sender nito. Sa pagkamalas-malasan nga naman at walang nakalagay na sender. Kaya ibinalik ko ang tingin ni ate pero wala na siya. Hayss.

Bubuksan ko na sana yung letter ng may teacher na nakatingin sa akin. Bawal na kasing makipagrelasyon sa school namin ngayon. At 'yon ang Rule #34 Relationship Ban. Any forms of showing affectionate feelings to one another is already breaking the rule. Kasi distraction lang daw sa studies ang pakikipagjowa. And kung malalaman ito ng admin/principal ay paghihiwalayin kayong dalawa at hahatulan ng school service for 2 hrs. Diba ang strict lang?!

Kaya binilisan ko na lang ang paglalakad papuntang room. Mahirap na at baka ma-akusahan ako. Tinatamad pa naman akong manghugas lalo na't sa paglilinis ng ekta-ektariyang lupain. Hays.

Pagkarating ko, bumungad sa akin at isang bouquet ng rosas. What?! Pangmalakasan naman nitong 'secret admirer' ko. Kinilig tuloy ako. Pero may part sa 'kin ang natatakot at baka may makakitang teacher sa 'kin, baka mahuli ako. Saan ko kaya ito itatago?

Kinuha ko ito at sininghot ang bulaklak. Ang bango! Blue roses pa ito, kaya mas lalong nagustuhan ko ito kasi paboritong kulay ko ay asul. Napansin ko yung maliit na card na nasa may ilalim ng rosas at napangiti na lamang ako ng mabasa ko ito.

Dear My Beautiful Rose,
                                             Ikaw ang nagpapaganda ng magiging bahay natin. Alam mo 'yun?! Love you <3 <3

-I'm gonna be your vase to support you all the time.


Nakakakilig man isipin pero nakakatakot sa pakiramdam. Yung gusto mo makaranas ng ganito pero sa maling pagkakataon. Hays. Parang yung mga nababasa ko lang.

"Uy De--" napatingin ako sa nagsalita at si Cann lang pala. Pero agad kong itinago yung bulaklak sa likod ko. "Nakita ko 'yon. Ilabas mo na!" utos niya sa 'kin.

"Sinong nagbigay nito?" nakangiting sabi nito. Akala ko magagalit siya. Hays. Assuming pa more.

"'Di ko alam eh. Pagkarating ko nandiyan na 'yan." nakangisi kong sambit.

"Yiee. May secret admirer kana ha?! 'Di mo to sinasabi sa 'min. Sana siya na 'yong magpapasaya sa 'yo. Pero mag-ingat ka rin baka may makakita sa 'yo. I'm glad para sa 'yo, Den. Akala ko ikaw na lang talaga ang magiging single sa ating magkakabarkada." mahaba niyang litaniya. Hays. 'Di mo alam na ang nagpapasaya sa akin ay nasa harapan ko na.

Mahirap man itong gagawin ko pero para sa nakakabuti naman ito.

"Sorry talaga." at dire-diretsong inilagay sa basurahan 'yong bouquet. Ang mahal pa naman 'non. "'Wag kana kasing magbigay sa 'kin ng mamahalin."

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon