Kilig Overload

28 1 0
                                    

Den

Afternoon period na namin at wala kaming ginawa kundi mag-introduction.

Nalaman kong nasa section O si Ken, so that means magka-classmate sila ni Yhena.

Alam kong hindi magsasawa si Yhena 'don lalo na 'pag may pogi sa classroom nila.

Ngayon ko lang din nalaman na sampu lang kaming babae dito sa classroom. Fascinating, right?!

Napatingin ako sa kinauupuan ni Cannister, alam ko kasing hindi niya gusto 'ron pero napilitan lang. Gusto ko ngang tumawa sa mukha niya ngayon. Haha. Nakasimangot.

Epic!

Nakangisi akong pinagmasdan siya ng mahuli niya ako na nakatingin sa kanya, kumaway lang ako sa kanya. Habang siya, napatawa rin. Hindi niya talaga ako matiis.

"Weird." rinig kong sabi ng katabi ko.

Parinig si loko!

"Ikaw." sabi ko habang umirap.

Hindi talaga kami magkasundo nitong seatmate ko. Grabe. Antipatiko!

"Ikaw rin." sabat nito.

"Mas ikaw. Period. No erase. No delete. No escape. No exit." sabi ko na ngayon ay nakaharap na sa kanya.

Oo, gwapo naman 'tong katabi sadyang pinanganak lang na mainit ang ulo. Masyadong pikon. Naka-eyeglass siya kaya medyo geeky siya tignan.

Eh kung basagin ko yung eyeglass niya eh.

Umirap pa siya.

Hala?!

Si lolo ayaw magpatalo.

"Grabe, dinaig mo pa ako sa pag-irap ah." nagcross arms pa siya. "Bakla ka noh?" dire-diretso kong sabi na nagpakunot pa ng noo niya.

"Hindi noh?! At ano namang pumasok sa isip mo at natanong mo 'yan?" tanong niya sa mas mahinahong tono.

"Pinapatulan mo kasi ang mga babae. Marunong ka pang mang-irap." at itinuro ko ang mata niya.

Nagpout naman siya.

"Tsaka tignan mo yung buhok mo. Ang lalabo. Balak mo bang mag-alaga ng baka kaya nagpalago ka ng buhok?" napahawak naman siya sa buhok niya.

"At yung pananamit mo, baka habulin ka ng plantsa niyan. Grabe ka!" napatingin naman siya sa damit niyang lukot-lukot.

"Lastly, 'yang look mo. 'Di ba uso yung contact lens sa inyo?" napakamot siya sa ulo.

"Eh ano bang alam mo sa mens' fashion?" napangiti ako at kumindat sa kanya.

"Marami."

Natapos na ang class at pauwi na ako ng makasalubog ko si Yhena.

"Kukunin ka ba ni Tito?" tanong ko sa kanya.

"Ah hindi na. Kasi malaki na raw ako. Hehe!" sabi niya sabay tanaw sa paligid.

Eh mas nakakatipid kaya 'yong kunin ka na lang kesa magcommute. Nakakastress na nakakahaggard pa.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon