Epilouge

15 1 2
                                    

Narrator

Napaluha na lamang si Cann sa kaniyang nabasa. Parang gusto niyang umiyak dahil sa pinagsasabi ng kaniyang timang na kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang tamang reaksyong gagawin niya.

Napatingin na lamang siya sa adviser nila at laking gulat na lamang nito ng makita siyang umiiyak. Sinenyasan niya itong pumunta sa harap niya at sinunod naman niya ito.

"Meron bang nangyari?" inosenteng tanong ni Miss kahit alam niyang pupuntang London si Denzel.

"Saan po ba pupunta si Denzel? Di na po ba siya babalik? Gaano po ba kalayo pupuntahan niya? Pwede ko po kayang sumunod sa kanya?" sunod-sunod na tanong niya sa kanilang adviser. Napahinga na lamang ang kanilang adviser ng maluwag at pinagsabihan siya.

"Denzel needs time and space." sabi niya habang hinihimas ang likod ni Cannister. Napabuntong-hininga na lamang ulit ang kanilang Miss pero nagtatalo na ngayon ang kaniyang isipan kung sasabihin niya ba sa bata.

Hays.

"Dali na." sabi niya at dali-daling pumunta sa kotse niya. Mukhang naguilty talaga siya sa mga nangyayari.

Nang sila'y naglakad sa corridor ay nakita niya na sumusunod na sila Yhena, Lei, Conrad (kahit may kaunting galit pa), Ken, at Maia. Nakangiting tumungo ang tingin niya sa kaniyang mga kasama.

"We won't leave you alone, bro." sabi naman ni Ken at tumango na lamang silang anim, na mukhang naiintindihan nila ang isa't isa kahit 'di naman nagsasalita. Mukhang nabasa na rin nila ang letter ni Denzel. Kaya nasiyahan siya at bumalik ulit ang saya sa kanilang magbabarkada.

Si Denzel ang palaging bumubuo ng aming watak-watak na barkada pero ngayong siya nama'y wasak na wasak na ay kami naman ang bubuo sa kaniya.

Yan ang nasa isip ni Cannister habang papunta sila sa kotse ni Miss.

Silang anim ay sumakay sa kotse at pinaharurot naman ito ni Miss na ikinabigla nila. Woah! Di nila alam na speed freak pala itong si Miss. Di naman kasi halata sa itsura niyang di makabasag pinggan.

Walang traffic kaya naman tuloy-tuloy lang ang kanilang biyahe. Pero sa kamalas-malasan naman ay naubos na pala ang baterya ng kotse ni Miss (walang ngang traffic pero namatayan naman ng baterya. Hays. Mapaglaro talaga ng tadhana--- si Author pala.) kaya naisipan nalang nilang magdyip. Dahil sa pagkakasabik na makita ulit ni Cann si Denzel ay umuna na siya sa kanila at sumakay na ng dyip. Hindi kasi sila kasya ron.

"Denzel, 'wag ka na munang umalis." sabi niya habang pabalik-balik ang tingin sa kalasada at sa kaniyang relo. Aww oo nga pala 9:00 AM ang fligh niya at 8:43 na kaya pala nataranta masyado si Cann dahil ang bagal ng usad ng dyip nila.

"F*ck!" saad niya kaya nabigla naman ako. Psh. Ngayon ko lang siya narinig na napamura siya ah. Ang bata-bata yan agad sinasabi pucha.

Pagdating sa airport ay 4 minutes late siya. Tinignan niya agad ang screen at nabigla siya ng

9:00 - London - LW4073 - Boarding

"Desidido na siya."  nakita niya si Lei na  magang-maga ang mata kakaiyak.

Napakapit na lamang siya sa isang railings ng marinig 'yon. Parang may naramdaman siyang kakaiba at nakakatakot, pero 'di niya 'yon malaman. Premonition ba 'yon o guni-guni lamang?

Den

"Ma, tulog lang po ako." sabi ko habang ikinakabit ang earphones sa tenga ko. Nagte-take-off na kami ngayon sa airplane at ang boring naman kaya itututlog ko nalang ito. Pero ano ka yang ginagawa nila ngayon. Hays. Sana nakuha na nila ang mga sulat na ginawa ako.

Habang ipinipikit ko na ang mata ay 'di ko maiwasang makita ang mukha ng mga kaibigan ko. Hays. Tulog na talaga ako. Pramis!

Nakatulog na ako makalipas ang ilang minuto at hinayaang lamunin ng panaginip.










"Who am I?"







Bigla kong minulat ang mga mata ko sa panaginip ko. "Who am I?" napakapit na lang ako sa upuan ko ng sumakit ulo ko sa kakaalala sa panaginip. Psh. Kahit 'di ko kasi matandaan ay parang nakakatakot ang bangungot na iyon. Ang mga salitang aking huling maalala ay ang mga katagang "Who am I?"

Ang weird...

Umiling na lamang ako at hinayaan na lamang. Ang importante ngayon, ay magbabagong buhay na ako. Langya. Para naman akong kriminal sa mga naiisip ko. Pucha.

Pumunta na muna akong washroom para naman manghilamos kasi naramdaman kong parang may malapot na likido sa may baba ko kaya pala laway ko lang pala. Langya. Akala ko kung ano na.... Basta......

Habang nakakatitig ako sa salamin ay napansin kong lumindol napahawak naman ako sa sink pero napagtanto kong nasa eroplano pala ako. Ang bobo ko talaga. Langya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Psh. Ang lutang ko na.

Makalipas ang ilang segundo, ay sumunod naman ang napalakas na alog ng eroplano kaya napakapit na talaga ako ng mahigpit sa sink. Ano bang nangyayari?

Agad akong lumabas sa washroom sa nakita kong nagwawala na ang ibang pasahero. Nakalugay na rin ang mga oxygen bags. What's happening?

Agad akong lumapit sa seat namin at kinamusta sila. Why do I have this feeling that there's something wrong. Pucha. Lumapit ako sa isang FA.

"Ano po bang nangyayari?" tarantang-taranta naman ang FA.

"I don't know and please just stay on your seat and clam down." habang pinapakalma ang ibang pasahero. Lord! Ano po bang nangyayari? Hindi na rin ako mapakali at bumalik na lamang sa seat ko at kumalma.

Napahawak naman si Mama sa kamay ko at maya-maya at feeling ko nawawalan na ako ng hangin sa pagbulusok namin sa lupa. And the next thing I knew, I was lying on the ground, bathing my own blood. Napatingin ako at nakita ko si Kuya Ky na hindi na kumikilos.

May naririnig rin akong mga sigawan at hiyawan.

"M-Ma..."

"P-pa..."

"K-kuya...."

At pumikit naman kasi ang bigat na ng mga talukap ng mata ko. Gusto ko na matulog.

Bago tuluyan pumikit ay napaluha naman ako. I think this is my end. Goodbye, world. I am Denzel Garcia, signing off...

..............















I woke up seeing everything in white. Where am I? Bakit ako nandito? Bumangon ako at napagtantong nasa ospital pala ako. Bigla namang sumakit ang ulo ko. Ouch! Bakit may bandage ako sa ulo? Ano bang nangyari? Balak ko sanang tumayo pero ang sakit ng mga paa ko. Ano ba talagang nangyari?

Pero ang ipinagtataka ko bakit wala akong naaalala? Bakit ba talaga ako nandito? What did I do?

And.............













Who am I?



No. of Words: 1070

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon