Truth Untold

26 1 0
                                    

Den

Sa Friday na ang acquaintance party, at Wednesday na ngayon. Lahat sa mga kababaihan ngayon ay may mga date na, pero ako wala pa. Hays. Eh 'di naman ako aattend eh, ang OA ko lang.

Wednesday na rin pero 'di ko pa rin maalis sa isipan ko yung nangyari kahapon. Tulala pa rin ako.

"May date ka na ba, Cann?" tanong ni Yhena. Napatingin ako kay Cann ng tanungin ni Yhena 'yon.

Nandito kami ngayon sa canteen. Lunch na rin kasi at gusto namin magbond sa isa't isa kaya nandito kami.

"Uhmm." napangiti siya at napatingin na lang sa taas. Hays. Namumula siya. Ang saya niya pa. "Oo. Yieee!" tapos kinilig siya. Tss. Parang bata talaga.

Nagsigawan pa silang dalawa ni Yhena. Bored ako nakatingin silang dalawa habang sila'y, nasisigawan na.

"Yiee. Sino?" pati si Yhena namumula na rin. Okay kayo na masaya. Nakakainis lang kasi itong si Connie eh, dumadagdag pa sa po-problemahin ko.

"Si Maia!" sigaw niya na ikinakilig nitong babaeng 'to.

Pero ang saya-saya na nila ah, baka nga 'di matuloy ang acquaintance party eh. Okay lang kung 'di matuloy para walang makadate 'tong si Cann. Dapat ako yung first date niya.

"Tss." at napacross arms na lamang ako. Tapos na akong kumain pero sila 'di pa nakakalahati.

"Den, okay ka lang? Ang tamlay mo ah?!" tanong sa 'kin ni Cann. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa 'kin ngayon.

"Huh?!" I have this attitude na kahit narinig ko, ipapaulit ko pa rin 'yong sinasabi nila.

"Uy, you look so down. Nagbreak na ba kayo ng jowa mo?" tanong ni Yhena.

Tumaas yung kabilang kilay ko sa sinabi niya.

"Eh paano magbe-break 'yan eh, wala nga 'yang crush eh. Jowa pa kaya?!" joke nitong si Cann. Tumawa naman si Yhena.

Wow?! Joke 'yon? Nakakatawa 'yon? Ang sakit ah?! Sa 'yo pa talaga nanggaling. Sige, pagtulungan niyo pa ako. Ang ta-tae niyo!

"Oh baka, 'di siya inaya ng crush niya." dagdag naman nitong si Yhena.

Sus totoo ka diyan, gurl. Tumpak! Pero isa lang 'yan 10+ na problema ko. Marami pa akong pinoproblema, 'di lang 'yan. Don't cha worry!

"FYI, 'di kaya ako sasali sa party." pagmamaldita ko.

"Chill lang, magjudge ka muna~" sabay nilang kanta.

Napairap na lamang ako at umalis na.

"Uy, walkout lang?" tanong ni Yhena. Pero hindi ko siya piansin.

"Ano kayang problema 'non?" bulong ni Cann pero naririnig ko naman.

"Baka may dalaw?" dagdag pa ni Yhena.

Tumingin ako sa huling pagkakataon at sumigaw ng;

"Wala pa ako niyan!" sigaw ko na nagpatahimik ng buong canteen, silang lahat nakatingin sa akin.

Mabilis akong naglakad palayo dahil sa skandalong ginawa ko. Bumalik ako sa room dahil wala naman akong ibang mapupuntahan. Umupo ako sa upuan ko at hinalukat ko ang bag ko, hanggang sa makita ko yung diary ko.

May nahulog na picture 'non kaya kinuha ko. Picture 'yon ng aking Mama at Papa, yung totoo kong Mama.

"Ang tagal na nito." sabi ko sa sarili ko sa haba ng panahon na 'di ko 'to nakita.

Hinaplos ko ang mukha ng aking Ina, si Nathalie Rogers Mckenzie. Oo, foreigner siya, British at ang motherland niya ay sa London. At sabi ni papa, patay na ang mga magulang niya kaya naparito siya sa Pilipinas at nakita niya si Papa, nagkatuluyan silang dalawa at ipinanganak ako pero bumiyahe siya patungong Saudi Arabia upang maging factory worker at nawawala pa raw siya hanggang ngayon ng mangyari yung pagsabog sa kaniyang tinatrabahuan. 'Yon lang ang alam ko, wala na.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon