News

16 1 0
                                    

Den

"Ayayay ayayay ang pag-ibig, 'pag pumasok sa puso ay maligalig." naglalaro kasi ang mga classmate ko ngayon kaya ang ingay. Nakisali pa si Cann.

"Ako si Cannister, taga Makati. At kung tatawagin Cann-cann po lamang. At kung sa inuman. 'Di pwede ako niyan at kung sa babae, Nag-iisa lang." at napatawa silang lahat.

Si Maia yung tinutukoy niya.

Hindi ako sumali sa kanila pero puta kating-kati na yung dila ko. Gusto kong makilaro sa kanila at kumanta.

Heto ako ngayon, nagpapanggap na nag-aaral kahit hindi naman. Tinatanaw ko lang sila mula dito. Eh na sa pinakadulo ako eh tapos sila nasa harap diba LDR lang ang peg.

Pero good student na kasi ako.

Dumating na yung Math teacher namin. Ayan na! Sana maperfect ko 'to. Payting lang! Payting!

Grabe ang hirap ng test! 'Di ko kinaya. Baka sumabog na yung utak ko at magkalat yung neurons dito. Eww. Gross.

Sa bukas na namin malalaman kung ano yung score namin. Hayy. Sana makapasa ako.

Hindi na ako bad mood. Napatawad ko na kasi si Cann. At kailangan kong tuparin yung pangako ko na magmo-move-on na.

"Huy Den!" tawag sakin ng kung sino, napatingin naman ako sa kanya.

Napangiti naman ako. Si Cann lang pala.

"Tara! Punta na tayong canteen!" yaya niya.

Lunch na rin kasi.

"Sige ba." at dinala ko na yung lunch box ko.

Tinahak na namin yung daan papuntang canteen. Gutom na ako!

Napadaan kami sa bulletin board at nabigla kami kasi parang dinadagsa 'yon.

Napatingin din si Cann, mukhang nakahalata rin.

"Ano kayang pinagkakaguluhan 'don?" tanong ko sa kanya.

"Tara puntahan natin." lumapit kami 'don.

Siyempre, inantay naming lumuwag 'yon. Nang lumuwag na, lumapit na kami.

Ahh kaya pala.

May acquaintance party kasi at lahat invited. Gaganapin rin ito sa isang five-star hotel. Pero dapat lang magbayad ng Php 500 para sa foods. Buffet kasi. Sosyal. Ano 'to prom?

Sus. Aksaya ng pera lang 'yan. Eh ang mamahal na nga ng bilihin ngayon tapos nagagawa pa nilang magpa-acquaitance party. Edi sila na RK!

"Dadalo ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo." sabay talon na parang bata. "Ikaw?"

"Hindi." at umiling.

"KJ." bulong niya.

"Ano?" parang narinig ko kasi siyang nagsalita.

"Wala." pagtatapos niya.

Dumiretso na kami sa canteen. At lahat ng nasasalubong namin na students ay iisa lang ang pinag-uusapan, yung sa acquaintance party. Rinding-rindi na ako.

Kumakain kami ngayon ng biglang sumulpot si Yhena.

"Huy, dadalo kayo?" nakangiti nitong sabi.

"Siya oo, ako hindi." sabay turo kay Cann.

"Bakit naman?" napasimangot siya.

"Gipit." diretsong sabi ko.

Buti sila at may pera sila pero ako wala eh. Gipit kami ngayon at kailangan pa formal yung susuotin namin eh. Wala kaya akong gown. Sayang lang pera.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon