Confrontation

18 1 1
                                    

Den

"I HATE YOU!" sigaw niya habang nanlilisik ang mga mata.

Hindi pa rin ako nakakarecover sa pagsampal niya sa 'kin ng sumigaw pa siya ng malakas sa  na halos mabasag na ang ear drums ko.

"B-Bakit?" naluluha na ako. "Ano bang ginawa ko?" hanggang ngayon nanginginig pa rin ako.

Napahikbi ako at napayuko na lang ako kasi 'di na ako makahinga ng maluwag. I need air!

"Are you f*cking happy right now?" pagmumura niya na mas nagpalakas ng iyak ako.

"Hindi k-kita maintindihan." habang hinahabol ko ang hangin sa pag-iyak ko.

"Anong 'di mo maintindihan?! Stop playing dumb to me, B*tch!" nagdilim ang paningin ko ng sabihin niya 'yon but I won't let it control me. Alam kong nadala lang siya sa mga pangyayari at makakarecover lang siya.

May kinuha siya sa bulsa niya at 'yon pala ang phone niya. May pinindot-pindot siya 'don at may nakita akong video na naghahalikan. Napagtanto ko na silang dalawa pala 'yon ni Claire. Pero ang pinagtataka ko ay 'di ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako pinagmumura ngayon.

"Nakita mo 'yan diba?!" mahinahon niyang tanong pero 'di ako sumagot.

"Nakita mo kami diba!" sigaw na niya sa ikalawang pagkakataon kaya wala akong magawa kundi sumagot.

"Oo!"

"Ano bang ginawa ko sa 'yo para iparanas mo sa 'kin 'to?! Gusto ko lang naman ng mapayapang relasyon kasama ang mahal ko! Bakit ikaw pa! Bakit sa dirami-rami ng tao rito sa school, ikaw pa! AT BAKIT KAILANGAN MO PANG MAGSUMBONG SA KANILA!" sigaw ulit niya na nagvibrate dito sa loob ng classroom.

"Anong s-sinasabi mo? W-wala akong sinumb---" hindi niya ako pinatapos at nagsalita ulit siya.

"Don't f*cking deny my accusation!" mura ulit niya na nagpalala sa iyak ko. 'Di ko pa kasi siya nakitang ganito kagalit.

"Alam kong ikaw kumuha nito!" he then threw his phone that made me tremble in nervousness. "Akala mo 'di ko nakita, pero nakita kita. Nakita kitang tinigtignan kami!" nakikita kong bakat na bakat na talaga ang mga ugat niya sa kakasigaw.

"Sabihin mo nga, may gusto ka ba sa 'kin. Are you jealous seeing us kissing, before?!" tanong niya habang lumalapit sa 'kin na may nanglilisik pang mga mata. Ako nama'y napaatras na lang.

"Wala!" sagot ko. Nabigla ako ng maramdaman ko ang dingding sa likuran ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.

"B*tch!" nagdilim ulit ang paningin ko nang sabihin niya 'yon pero gaya noon ay pinalampas ko lang 'yon


"You're a traitor!" at umalis na siya. Naiwan ako roong umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko at sa mga nangyayari ngayon. Is this the start of a war?

"Oh my God, Den." napatingin na lamang ako sa nagsalita at sila Yhena lang pala. Tinayo niya ako at nakipagyakapan. Dahil 'dun napahina ang iyak ko. "Anong nangyari sa 'yo?" pag-aalala niya.

"I'm sorry. I'm very sorry sa mga nangyayari."

Hindi na ako umattend ng afternoon classes at pinauwi na lang ako. Napagdesisyunan ko na ring 'wag na lang isumbong sa mga awtoridad ang mga nangyari at tumahimik na lang.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon