Companions

47 2 0
                                    

Den

Papunta ako ngayong school. Nagcommute lang ako, wala naman akong kotse. At mas lalong wala akong pera pambili nito.

Medyo malayo-layo rito yung magiging school ko kaya hindi mo talaga kayang lakarin ito. Aabutin ka lang ng siyam-siyam.

Habang nakasakay ako sa dyip, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga kasakay ko. Nakita ko sa pinakadulo ng upuan ang manyakis na lalaking malagkit na tinitignan ang katapat nitong babae. Parang hinuhubad na sa isipan niya yung babae. Ewww. Heto rin kasi naman si ate eh, grabe pinaglalandakan yung boobs eh. Grabe.

Sa pinakaunahan naman nakita ko si kuyang pogi na natutulog. Simple naman siya manamit pero ang lakas ng dating. Ang astig na kasi para siyang anghel kapag natutulog. Napatingin naman ako sa babaeng katabi nito. Ang ganda niya rin, nahiya tuloy ako. Huhu. Nakasuot siya ng earphones kaya cool siya tingnan.

Biglang pumreno yung dyip kaya kaming lahat ay napatumba, pero napakapit naman ako sa railings ng dyip. Nakita ko si ateng ganda at kuyang pogi na magkayakap sa isa't isa. Sus ang badoy, cliché, pero kinikilig ako!! Ano ba 'to?

Nakita ko naman 'tong katabi ko na ang sweet, grabe parang da-diabetes-in plus tonsil pa ako. Eh pinahiga lang naman nung lalaki yung jowa niya sa balikat niya. Cliché ulit, pero grabe tumama sa akin.

Bumalik ulit ang tingin ko kay kuyang manyakis at nabigla ako ng magkatabi na sila nung babae niyang pinananasaan. Grabe, haliparot din naman pala si ateng sexy.

Nakita ko naman ang isang lalaki na nasa passenger's seat, karga-karga niya yung baby niya. Aww, ang sweet naman! Hinahalik-halikan niya ito sa noo. O may gash!

Punong-puno ng love 'tong dyip na 'to. Makaalis na nga! Grabe naiinggit ako.

Pero hanggang inggit lang ako, kasi isa di pa ako pwede niyan. Baka paluin ako ni Mama at papagalitan pa ako ni Kuya. Ang overprotective pa naman 'non. Sus. Patay ako.

Makalipas ang ilang minuto at nakarating na rin ako sa destinasyon ko. Hindi ko kinaya yung trip na 'yun. Nag-uumapaw sa love.

Tonsil ez real!!

Inabot ko yung pamasahe ko at lumabas na sa dyip. Agad dumampi sa akin ang malamig na hangin.

Pumasok na ako at sumalubong sa akin ang napakaraming estudyante. Malawak ang paaralan. Nakahilera ang mga puno sa tabi ng aisle. May benches sa gilid at marami akong mga nakikitang couples. Grabe. Pati rito!

Tsk!

Lumakad na ako hanggang sa marating ko na ang main building. Mas marami pa pala ang students dito. May mga magbabarkada na nakaupo roon sa field. Try ko nga 'don minsan.

Pumasok na ako sa building, bumungad agad sa akin ang mga estudyante sa hallway. Malinis ang hallway nila rito. Charr! Alagang-alaga.

Naglakad ako habang napapatingin sa mga tao rito. Nadaan ko yung isang lalaki na ang pogi pero badboy ang dating. Nagkatinginan kami. Sinundan ko siya ng tingin hanggang may mabangga siyang babae. Ayan, tingin-tingin rin kasi sa dinaraanan paminsan-minsan.

Pero nabigla ako kasi nasalo niya yung babae. At nagkatitigan pa sila. Sure akong magkakatuluyan silang dalawa.

Hay kinilig ulit ako. Sige kayo na may lovelife!

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon