T. F. I. F

17 0 0
                                    

Den

Apat na araw na rin ang nakalipas, simula nung first day ng classes. At ngayon rin kami mag-e-ellect ng officers para sa aming homeroom.

Nandito na ako ngayon sa room namin at nagske-sketch ng mukha naman ni Jungkook. Hehe. Walang magawa eh.

Hindi ko rin makita ang katabi ko. Ewan kong saang lupalup ng mundo inilagay 'yon ng Diyos.

"Bakla." sabi ng kung sino dito pero hindi ko ito pinansin.

"Bakla!" pag-uulit nito pero 'di ko pa rin pinansin, baka 'di naman ako yung tinutukoy.

"Bakla 'yan!" kasi iritang-irita na ako, inilabas ko yung middle finger habang patingin sa kanya.

"Ikaw bakla, impakto ka!" sigaw ko.

Nagulat naman ako kasi si Cann pala yung nagsalita. Hala?! Anong ginawa ko? Hindi ako kumibo at parang pinoproseso pa rin ng utak ko yung nangyari.

"Ikaw! Isusumbong kita ni Tita Lyn!" banta niya sa 'kin.

"Sorry!" at nagpeace sign sa kanya. "'Di ko naman kasi alam na ikaw pala 'yan."

"Ah so kung 'di ako ang nandito, gagawin mo pa rin 'yon." dagdag niya pa. "Saan mo natuto mag-ganyan?" sus! Umaasta na naman siya sa pagiging ama niya sa 'kin.

"Sorry na!" ako naman sumasakay sa trip niya.

"Hay." he sighed. "Ino-nominate pa naman kita bilang president." kumunot ang noo ko.

"Ano? Ino-nominate mo ako bilang president?" napahagalpak naman ako sa tawa. "Baka ikaw inominate ko."

Napatingin siya sa 'kin at sumigay ng "Huwag!"

Haha.

Naalala ko yung kanina, kaya tumingin ako sa kanya ng masama.

"Oh! Ano?" sabat niya naman.

"Ikaw! Sinabihan mo ng bakla 'tong baby Jungkook ko!" sabi ko.

"Parang... Oo nga!" at tumakbo na sa labas.

Hinabol ko rin siya at nakita ko siyang tumatakbo sa hallway. Tumakbo rin ako papunta roon.

BANG!!

May nabangga ako at nahiga kaming dalawa. Aray!

Narinig ko siyang napa-aray sa sakit.

Napatingin ako sa kanya at nabigla ako ng makita na si Maia 'yon. Nakita ko siya sa malapitan at nagulat ako ng matandaan na siya pala yung babae sa post ni Ken. Yung bestie niya!

What the!

Nakita ko rin si Cann na papunta rito. Palapit siya sa 'kin---- kay Maia pala. Inalalayan niya 'yon at heto ako napatulala lang. May nakita akong dugo sa palad ko. May gasgas pala ito. Hindi naman malaki yung gasgas kaya ok lang.

Pinagpag ko na yung sarili ko at nakita ko pa rin si Cann na hawak-hawak yung kamay ni Maia. Nakangiti silang dalawa. At makikitang namumula si Maia. Hay. In love na 'tong dalawa.

Kinikilig ako pero at same time nasasaktan ako!

Ano ba 'tong nararamdaman ko.

Bumalik na ako sa room at nakita ko na kasing paparating na yung adviser namin. Umupo na ako at nakita ko si Cann na papaupo na rin.

"Okay ngayon na tayo mag-e-ellect ng officers, may napili na ba kayo?" bungad sa 'min ni Miss Ramirez.

"Let's start from the head of all, the President!" nagpalakpakan naman yung mga classmates ko.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon