Kicked Out?

5 0 0
                                    

Den

Napabuntong-hininga na lamang ako sa mga nalaman ko kagabi. Too much information. Hays. At 'di rin ako nakatulog kakaisip kung anong dapat kung gawin.

"Denzel, lahat ng alam mo ay kasinungalingan lamang." napahinto ako napatitig kay Papa. "Yung kay Nathalie, pinalayas kami dahil tutol ang kaniyang mga magulang sa aming relasyon. Tinanan ko siya."

Nakakapanakit malaman na sira na pala ang pamilya namin noon pa. Inilabas ko ang sulat na natanggap ko kanina.

"Eh alam niyo rin po ba ang tungkol rito?" sabi ko habang nanginginig sa galit. Labindalawang taon na akong nabubuhay at lahat ng iyon ay kasinungalingan lang pala.

Nakasulat sa letter doon na, nakita na raw nila si Mama pero namatay rin kinalaunan. Hays. Di ko man lang siya naabutan. Ni 'di ko man lang nakita ang mukah niya sa personal. Ni 'di ko man lang narinig ang kanyang boses kahit saglit man lang. Ni 'di ko man lang siya nayakap.

"Saan mo 'yan nakuha?" tanong ni Papa at hinablot sa akin ang sulat.

"Wala. At sagutin niyo po muna ang tanong ko." sigaw ko at nabigla naman siya no'n.

"H-Hindi." napaiyak siya habang binabasa 'yon. "N-Nathalie."

Kahit nandito na ngayon si Mama Lyn ay alam kong 'di na mapapalitan ni Papa ang pagmamahal niya kay Mama Nathalie. Napatignin ako kay Mama Lyn, at alam kong nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon. Ang sakit kayang makita ang mahal mong iniiyakan ang kaniyang nakaraan. Ang sakit kaya na maging ikaw ay second lang. At ang sakit na makitang ikaw ang nandirito pero hinahanap niya pa rin ang wala roon.

Yan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang Cann at Maia. Yung tipong nandiyan kana sa tabi niya pero hinahanap-hanap niya pa rin ang wala do'n. Hays.

"Denzel!"

"Wahhh!"

Napasigaw ako ng marinig kong tinawag ako ni Lei. Ang lalim na siguro ng mga pinag-iisip ko.

"You look spaced out." napayuko ako. "Tell me, anong nangyari?" sabi niya at tumitig pa sa 'kin.

"Wala."

At napaisip ulit ako sa nakapaloob sa sulat. You should come here anytime soon, Denzel. Kailangan ko nga talagang pumunta roon gusto kong makilala ang mga relatives ko roon. At lalo na si Mama.

"Denzel." tawag ng kung sino kaya napatingin ako sa direksyon niya.

Nakita ko ang walang ekspresiyon na mukha ni Conrad. Tinawag niya ba talaga ako? For real? Makikipagbati na ba siya?

"Pinapatawag ka ni Miss." walang emosyon niyang sabi at tumungo na sa upuan niya. Akala ko kung ano na. Pero akala ko talaga na bati na kami. Hays. Galit na galit pala talaga siya sa akin.

Tumayo na ako at tumungo sa office ni Miss.

"Miss, pinapatawag niyo raw po ako." magalang kong sabi. Nakikita ko na ang stressed masyado ng mukha ni Miss kaya nagtaka ako kung bakit. Baka dahil sa ang rami niyang ica-calculate na grades.

"Denzel." mahinahon niyang sabi.

"Ano po 'yun?"

"I did my best." sabay abot niya sa isang sobre. Napatitig na lamang ako nito.

Ito na ba yung letter na tinutukoy ni Madam. Kung ano man ang nakapaloob diyan ayoko makita 'yon. At dahil ba sa letter na 'yan, naging ganito ang mukha ni Miss?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tatanggapin ko ba?

Hindi ko man gusto at tutol ang kalooban ko pero tinanggap ko ito. Hays. Nakapaloob rito sa sobre na ito ang magiging kapalaran ko. Hays.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon