Acquaintance Party

19 1 0
                                    

Den


Friday na at nandito kami ngayon sa school. Walang klase ngayon, 'di raw papasok ang mga teachers para magprepare sa acquaintance party mamayang gabi.

Patungo ako ngayon sa principal's office para magbayad sa Acquaintance party.

Nang makabayad ako ay binigyan ako ng invitation. Lumabas na ako at bumalik na sa room.

Isinilid ko ang invitation nang may makita akong sobre. Mukha itong letter kaya hinanap ko ang sender nito pero wala pa rin itong sender kaya baka yung "secret admirer" ko ang nagbigay nito. Yiee! Ang sweet naman niya. Mamaya ko na lang ito babasahin. At papauwiin na kami.

"Sa gate mamaya, pagkatapos ng klase." biglang sabi ng seatmate ko.

Dismissal na at dumiretso na ako papuntang gate. Ano kayang sasabihin ni seatmate roon?

Nang makarating ako ay nakita ko siya kaya lumapit agad ako sa kaniya.

"Anong kailangan mo?" napacross arms ako.

"Favor lang kasi, since sinabi mo na naman." sabay haplos sa kaniyang batok.

"Ano?"

"'Di ba sabi mo, tutulungan mo akong mag-ayos?" habang nakayuko.

Napasmirk na lang ako. So itutuloy niya. Nagpaalam muna ako ni Mama na may group study kami pero 'di raw ako magpapa alas-kwatro kasi magpe-prepare pa kami.

"Bad 'yan." napatingin ako sa nagsalita, si seatmate.

"Tss. Vamonos!" palakpak ko at sumakay na sasakyan nila.

"Kuya diretso po tayo sa mall." utos ko sa driver niya.

Nandito na kami ngayon sa mall at dumiretso na kami sa Optical store.

"Anong gagawin natin dito?" tanong niya.

"Basta." saad ko. Lumapit kami sa counter at nakita namin ang saleslady. "May contact lens po ba kayo?" tumango ang saleslady at lumabas na ang doktor.

"Yes. Is it for him?"

Pagkatapos namin bumili ng contact lens tumungo na kami sa boutique.

"Ano pong gusto niyo?" bungad ng saleslady sa 'min. "Ano pong gusto ng boyfriend niyo?" lumaki ang mga mata ko ng marinig 'yon.

"Hehe." napakamot na lang ako sa batok ko. At nakita ko siyang namumula. Woah! First time ko siyang makitang ganito ah. "'Di ko po siya boyfriend. At naghahanap po kami ng tuxedo."

"Uh sorry." nagbow siya at ipinakita sa 'min ang daan.

Marami akong kinuhang suit at ibinigay sa kaniya lahat.

"Isukat mo 'yan, dali." sabi ko habang tinutulak siya patungong fitting room. Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago siya lumabas.

Lumabas na siya at suot-suot na niya ang isa sa mga suit na ibinigay ko.

"Next!" ani ko.

Lumabas ulit siya at ganon pa rin 'di ko pa rin mahanap yung hinahanap ko.

Lumabas na ulit siya at ito na yata ang pang-pito niyang try at parang ito na nga rin ang hinahanap ko.

"Perfect!" lumapit ako sa kaniya at inayos ang neck tie niya. Nice!

Pagkatapos mamili ng susuotin ay pumunta na kami sa barber shop upang ipagupit 'tong malalabo niyang buhok.

First Year (High School Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon