Tagaktak ang aking pawis sa ilalim ng mainit na araw, pinulot ko ang bola ng soccer at binato sa gawi ni Euxine, mahina lang iyon, sakto upang mabasag ang hawak niyang iPad. Maarte syang ngumanga at napatayo mula sa bench.
"Umygaad!!" Maarte syang tumili at binalingan ako, "This is expensive!" The screen cracked, ngunit gumagana pa naman. "Gosh! I'm gonna buy nalang." Maarte niyang tinapon ang iPad sa basurahan, "Whats your problem ba? Ayoko nga maglaro kasi ang init."
Pinahiran ko ang pawis saking noo gamit ang likod ng aking palad, "I'm so bored!" Napabuga ako ng hininga at padabog na umupo sa bench. "Makipagbalikan nalang kaya ako kay Chaucer? I mean, he's not that bad. The only problem is his financial status. He's cheap, but he's so sweet and caring." Napanguso ako habang nagk-kwento kaharap ang malawak na field ng HU. "I realized he's so pure."
"Do you regret na? Sabi nila mase-see mo lang ang value ng isang human kung they're gone saiyong buhay." Mariin akong napapikit at napahilot saaking sentido, ang sakit sa tenga ng kanyang lenggwahe. "Pero hindi na kasi sya nagpaparamdam sayo, Zenica. Ang sakit naman kasi ng ginawa mo."
Napabuntong-hininga ako ng malalim, my memories with him is flashing into my mind everyday, unti-unti ko siyang nami-miss, unti-unti kong nakita ang halaga niya, unti-unti ko syang hinahanap. Sa tatlong linggo na naging kami ay hindi naman sya nagkulang, maliban nalang kapag involve sa kayamanan. aish. I was just playing with him, why do I feel this way?
"We will root for your success!" Tinulak na ako ng dalawa papasok sa pangmahirap ng gate ng publikong kolehiyo. "Go girl! Get your man back!" Natatawang asar ni Zhavia.
Nilibot ko ang paningin, wala man lang security guards ang paaralan na ito. It's dangerous for the students, ngunit ano bang pakealam ko? Andito ako ngayon upang makipagbalikan kay Chaucer, hindi ko na matiis, dalawang linggo na akong nag-iisip kung bakit wala akong makitang kahit anino niya o kayay kahit magparamdam man lang saakin matapos ko syang ipahiya.
"Si Chaucer Rhodes ba? Iyon 'yong classroom niya!" Turo ng isang lalaki habang nagtutulakan sila ng mga barkada niya. Halatang-halata ang kanilang pagkamangha saakin, napahigpit ang hawak ko saaking bag bago magpasalamat. "Penge number miss!"
Hindi ko sila pinansin at pinuntahan ang classroom na kanilang itinuro. Nangangatog ang aking tuhod habang dahan-dahang sumilip sa loob ng classroom, halatang mainit dito, terno na kulay asul ang mga pintura sa lahat ng gusali. Ang kanilang upuan ay gawa sa matigas na kahoy, they're using chalks to write in the board which I find inconvenient.
"Yes hija?" Naagaw ko ang pansin ng teacher na nagsusulat sa board. Dahan-dahan akong ngumiti at hindi pinansin ang lahat ng matang nakatingin saakin. "May kailangan ka?" Mukhang mabait naman ang teacher na ito dahil nakangiti sya saakin kaya't nakahinga ako ng maluwag.
Hinigit ko ang aking kompyansa bago magsalita. "Im here because I have something important to tell for my boyfriend." Narinig ko ang hiyawan ng ilan, nakita ko rin ang mahinang pagtawa ng guro.
"I'm just giving them pointers for the exams so you came at the right time. Who is your boyfriend?" Napasinghap ako, sa dami nila sa loob ng classroom ay hindi ko maaninag kung nasaan sya.
"He is Chaucer Rhodes." Nang banggitin ko ang pangalan ay lahat ng kanilang ulo ay lumipat sa likuran. Sinundan ko iyon at doon tumama ang aking mga mata sa mga mata niyang walang ekspresyon at diretso ang tingin saakin.
"Sabi ko sayo may girlfriend na sosyal eh!"
"Wala ata tayong chansa!"
BINABASA MO ANG
ALLURING FIRES (COMPLETED)
Romance(R-X) Warning: Mature Content People that are swayed by love are pathetic. That's the motto that keeps Chaucer Rhodes growing successful. However, his own credence betrayed him by letting an Alluring Fires breath on his vengeful desire. RHODES S...