Chapter 11

1.1K 26 0
                                    

Today's schedule is to check the clinic and how the medical team going, maraming mga studyante at mga bata sa Playa Fuego na naging dahilan kung bakit natatagalan ang pag-r-run nila ng medical tests at iba pang mga kakailanganin upang maiwasan ng mga bata ang sakit.

"Hi Ms Hamilton!" Agad na bati ni Hashem pagkakita saakin, sya ang nagche-check ng mga ngipin, nilibot ko ang paningin at hindi ko inaasahang malinis ang clinic ng Academy, maluwag lang din ito dahil napaka-organize ng pag-aasist nila sa mga studyante.

Halos bumaliktad na kaagad ang aking sikmura nang makalanghap sa amoy ng iba't-ibang klaseng gamot. The reason why I hate hospitals or clinics is because of the smell, hindi ko kayang tiisin ang amoy nila. Napaatras ako dahil sa pagkabigla, may naglagay ng disposable facemask saaking mukha, marahan niya iyong kinabit saaking tenga. Napaiwas ako ng tingin dahil tumambad saaking harapan si Chaucer, he's wearing white coat with stethoscope around his neck, walang emosyon ang kaniyang mga mata. He look so fine and probably the hottest doctor you'll ever see.

"T-thanks." Utal ko bago nagpatuloy sa lakad upang pagmasdan ang ibang ginagawa ng medical team.

"What brings you here?" Naramdaman ko ang kaniyang pagsunod kaya't pilit kong inayos ang paglalakad kahit nangangatog ang aking tuhod.

"Just checking if everything's good." Tinignan ko ang hawak na recordbook, "Ilang students nalang ba ang hindi pa tapos?" Nilagay ko sa table ang notebook bago nagtipa saking ipad.

"28 students left." Napatango ako at napatingin sa mga studyanteng kinukuhanan ng dugo, kahit mga seniorhigh na ang iba't mga lalaki pa ay takot na takot parin ang itsura nito.

"Hi Miss!" Bahagyang napataas ang aking kilay dahil binati ako ng mga nagkukompulang kalalakihan, nagtutulakan sila habang inaantay ang kanilang termino upang makuhanan ng dugo. In my observation they are from senior-highschool, graduating maybe.

"Hello!" I answered before waving my hand, I can't smile since di naman nila makita, I'm wearing facemask.  Nakita kong napacross-arms si Chaucer saking tabi kaya't di ko mapigilang tingalain ang kaniyang itsura, nakakunot ang noo nito saakin bago binalingan ang mga kabataan.

"Transferee kaba? May boyfriend ka?" Tanong kaagad noong isa, honestly, for an island guy he is cute, singkit ang mga mata nito na parang galing sa lahi ng mga chinese. Natuwa naman ako dahil akala nilang highschool palang ako, well, sadyang napakabata kong tignan. "I can sense a beautiful face behind that mask Ms, would you mind taking it off to reveal your deity-like face?" He said like a poet.

"OooHhhh!" Reaksyon ng halos lahat bago magtawanan, nakisali rin ang mga medical students na nakarinig, hindi ko tuloy mapigilang tumawa ng mahinhin, he's good at flowery words huh.

"Luh Khail, hindi ka ba nahihiya." hinampas sya ng mahina nung isang babae, "Boyfriend niya ata si Doc." sabay turo nito kay Chaucer, lahat ng pares na mata ay napatingin kay Chaucer na nakasandal sa dingding. Napalunok ako at handa nang tumanggi, "Girlfriend mo ba Doc?" Tanong pa nung babae.

Bago pa man ako maka-apela, walang hiyang sumagot na si Chaucer, "Yeah," Natuod ako saaking kinakatayuan nang kinuha niya ang aking kamay at mahigpit na hinawakan, "So don't bother my girl, I get jealous easily and you wouldn't like it." He is dead serious with his flaming eyes staring at guys who almost melted from where they stood.

"Yiiieeeeee!!"

"Ang sweet naman!"

"SANA LAHAT!"


Huli na ang lahat upang makabawi ako, nakarinig na ako ng tilian ng mga babae at asaran nila. Naghahampasan ang mga ito na parang kilig na kilig sa teleseryeng pinapanuod, omygad... What is happening, napapikit ako ng mariin bago dahan-dahang humakbang paalis sa area na 'yon. Wala sa sarili akong humakbang palayo sakanila nang hindi namamalayang nakahawak pa pala si Chaucer saakin.


ALLURING FIRES (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon