ELEKSYON (2018)

7 1 0
                                        

Mabuhay! Mga ate at kuya!
Mayamaya lang botohan na
Ako nga lang ay nagtataka,
Bakit kabi-kabila ang paninira?
Sa halip na magtulungan,
Tila lalong nagkabanggaan
Hindi ko maiwasang magtanong...
May pakialam ka po ba talaga, Manong?
Bakit tila saka ka lang nagreklamo,
Saka lamang nilabas ang hinaing mo,
Kung kailan malapit na ang eleksyon
Hindi kaya may iba kang intensyon?

Ipagpaumanhin aking kahangalan,
Kayo po ay aking ginagalang
Nawa ay ganito rin po kayo,
Kakampi man o ibang partido,
Lahat may karapatang irespeto

Madumi raw ang politika,
Hindi ako naniniwala
Kung mayroon mang madumi,
Ito ay ang taong nandaraya

Ako'y nagugulumihanan
Bakit kailangan pang siraan ang kalaban?
Kung tunay na malinis
Bakit kalaban ay binibigyang dungis?

Bakit nga ba may eleksyon?
Buksan ang isipan mga kanayon
Hindi ito inembento upang magkagulo
Kailangan natin ng tapat na mamumuno
Ano naman kung matalo?
Hindi ito sugal o laro
Kabutihan ng Barangay ang nakasalalay

Nawa ang nararapat ang maluklok
Gulo'y maging alikabok
Nawa lahat ay magkaayos na
Itigil na ang paninira
Wala itong maidudulot na tama
Nawa eleksyon ay maging payapa

Wala po akong intensyong masama
Hindi po ako nagpapatama
Subalit kung iyong sasaluhin
Ugali ay kailangang ibahin
Nais ko lamang iparating
Ang aking saloobin...

Nawa tayo ay maging isa
At wala nang mag-away pa...
Munting salita lamang
Mula sa munting isipan
Ng isang simpleng kabataan
Na ang tanging hangad ay kapayapaan...
Maraming salamat kung ako'y naintindihan, aking kaibigan...

G.O.D. FILES 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon