Lingid sa iyong kaalaman
Saya ko'y walang pagsidlan
Nang sinabi mong mahal mo ako
Tila tumigil ang aking mundo
Subalit hindi sigurado
Dapat bang maniwala sa'yo
Gusto rin naman kita
Subalit hindi pwede Sinta
Lihim na lamang itatago
Sa kaibuturan ng aking puso
Ang sumibol kong pagtingin
Hindi na maipaparating
Pareho man ang nadarama
Gusto man natin ang isa't isa
Panahon ay hindi ayon
Pag-asa'y tinangay na ng alon
Marami pa tayong makikilala
Maaaring mahulog ka pa sa iba
Hayaan munang lumipas ang oras
At kung talagang tayo, sa huli'y magtatagpo rin ang landas
