(Reverse Poetry)
Sawa na ako
Hindi totoong
Gusto pa rin kita
Dahil ang totoo
Ayoko na sa'yo
Hindi totoong
Lagi ka pang naaalala
Dahil ang totoo
Nakalimutan na kita
Hindi totoong
Nangungulila pa ako
Dahil ang totoo
Wala na akong pakialam sa'yo
Hindi totoong
Mahalaga ka pa
Dahil ang totoo
Wala ka na sa puso ko
Hindi totoong
Umaasa pa akong maibabalik
Dahil ang totoo
Matagal na akong nakausad
Hindi totoong
Hinahanap-hanap ka pa
Dahil ang totoo
Nakahanap na ako ng iba
Hindi totoong
Ikaw pa rin
Dahil ang totoo
Nakahanap na ako ng kapalit
Hindi totoong...
