Noon ako'y prayoridad
Noo'y inuuna sa lahat
Ano ba ang nagbago?
Pinipili'y 'di na akoSa pagmamadali natin
Na parang sandali'y matulin
Sa paghabol ng oras
Tayo'y walang pinapalampasSumobra ba ang bilis,
Kaya't kapalit ay hinagpis?
Nagkulang ba ng pagmamahal
Kaya't sa iba na sumugal?Isang tanong mula sa'yo
"Oo" ang sinagot ko
Kung iyan ang iyong kaligayahan
Bakit kita pipigilan?Subalit hindi nangangahulugan
Na patuloy kang hahawakan
'Pagkat kung mas nais na'y iba
Nais ko nang kumawala
Kung sa iba na sabik
Nais ng utak ko'y natahimik
Hindi na mag-iisip
Kung paano ba maibabalik