Una pa lang ay batid ko na
Hahantong tayo sa ganito
Sa aki'y mawawala ka
Wala sa yakap ng bisig ko
Patawad, binigo kita
Hindi kita napasaya
Bagkos dinulutan ka
Ng luha at pagdurusa
Noo'y pilit lumapit
Ngayo'y hindi na ipipilit
Kusa nang lalayo sa'yo
Ililigtas ka sa sarili ko
Pangakong habang buhay
Ibaon na lamang sa hukay
Mabuti pang masaktan ngayon
At hindi na sa habang panahon
Hindi ako perpekto
Hindi nababagay sa'yo
Pag-ibig na iyong alay
Sa aki'y hindi nababagay
Hindi magagawa kailan man
Na ikaw ay tumbasan
Ni hindi mapapantayan
Ng kahit sino man
Totoong mangungulila ako
Maghahanap sa presensya mo
Ngunit tanging sa gunita lamang
Doon ka masusumpungan
Hindi ko kayang mahalin ka
Sa paraang minamahal mo ako
Pero kaya kong saktan ka
Sa lahat ng paraang ayaw mo
Kaya mahal, malaya ka na
Sapagkat binigo kita
