Ikaw ang tala ko sa gabing madilim,
Paulit-ulit mong turan noon sa akin
Ikaw ang gyera, kung saan h'di ako mabibigo
O mahal ko, nasaan na iyong pangako?Noon ay sabay na nanalangin
Habang sumasayaw ang dahon sa simoy ng hangin
Habang nakangiti ang buwan at mga bituin
Sinabi mong ako'y sa'yo at ikaw ay akinNaniwala ako sa lahat ng sinabi mo
Subalit sana'y 'di na nagtiwala sa'yo
Pangako mo'y tulad ng latang walang laman
Maingay lang pero walang katuturanNabiyak ang aking puso nang iniwan mo ako
Isang planggana'ng niluha dahil sa'yo
Pakiramdam ko'y gumuho ang aking mundo
Kasi mahal, ikaw ang mundo koSubalit sarili'y hindi ipagpipilitan pa
Sa katulad mo na para lang isang bula
Siguro nga tayo ang araw at ang buwan
Hindi nakatadhana at tayo'y pinagtagpo lamang
![](https://img.wattpad.com/cover/55630133-288-k852420.jpg)