PARA, PERO (2016)

11 1 0
                                    



Para sa taong napakalapit lang sa'kin

Pero hindi ko kailanman kayang abutin

Para sa taong nariyan lang sa tabi ko

Pero ang puso ay nasa ibang tao



Para sa taong matagal ko nang pinapangarap

Pero iba ang kanyang hinahanap-hanap

Para sa taong nagagawa akong saktan

Pero ni hindi niya man lang nalalaman



Para sa taong dahilan ng mga ngiti ko

Pero dahilan rin ng pagtulo ng luha ko

Para sa taong palagi kong sinusulyapan

Pero ni minsan ay hindi ako nagawang tingnan



Para sa taong nagbibigay kulay sa buhay ko

Pero siya ring nagpapagulo nito

Para sa'yo na nag-iisang lalaking mahal ko

Pero alam kong iba ang gusto

Para sa iyo ang tulang ito...

G.O.D. FILES 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon