Chapter 1

42 2 0
                                    

                                                                             -Barmi -

Pagkatapos ng nangyari kahapon  naisipan kong manatili na lang sa dorm kesa makita ang mga kaklase kong pinagtatawanan ako.

'Calling the attention of Ms. Barmi Pentoza.Please proceed to Ms. Dingal office right now.'

Tatlong beses na paulit-ulit na tumunog ang speaker na nakakabit sa kwarto ko kaya agad na akong tumayo sa aking higaan at inihanda ang aking sarili.

TOK!TOK!TOK!

Tatlong sunod sunod na katok ang narinig ko mula sa labas.Eksaktong itatapis ko na ang tuwalya ng marinig ko ang katok.

"Sandali!" Sagot ko sa taong nag-aantay sa labas ng kwarto. Lumabos na ako ng banyo at kinuha ang damit na susuotin ko.

Habang sinusuot ko ang jeans  nakita ko ang isang karatula na may na kasulat na "We dare you not to leave". Naalala ko bigla ang panaginip ko kahapon habang natutulog ako sa loob ng room.

"Ms. Barmi it's already 10:00 am,we call your attention 1 hour ago. So please lumabas ka na dyan!" Sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki.

"Wait lang kasi,sino ba ang may sabi na intayin mo ako sa labas ng kwarto ko?" tugon ko mula sa loob.

Hindi ko naman sinabi na intayin nya ako a. At tsaka pupunta naman ako sa office ni Ma'am Dingal.

Bago ako lumabas ng kwarto sandali kong tinignan ang aking sarili sa salamin. Suot ko ang isang fitted high-waist jeans at plain-white shirt na may nakatatak na Reverse na nakabaligtad.

Pawerr!

Binuksan ko na ang pinto at agad namang sumalubong sa akin ang lalaking laging nakabantay sa Detention Room.

"Sabi ko na nga ba e" tapik-noo kong saad.

"Well,Well,Well! Kaharap mo na naman ang bestfriend mo sa DR" binigyan nya ako ng malaking ngiti at tsaka naglakad palayo.

Habang tinatahak namin ang hallway ng dorm ng mga girls pinipilit kong unahan sa paglalakad si Mr. DR,iyon na ang bansag ko sa kanya,pero hindi ko talaga sya maabutan.Bwisit!

Kung bakit ba naman kasi pinanganak akong pagong. Tumigil sandali si Mr. DR at tumingin sa'kin.

"O,bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ka pagtitinginan ng mga lalaki mamaya sa labas" sagot ni Mr. DR.

"Ewan ko sayo!" inunahan ko na sya sa paglalakad at mukha naman mas pinili nyang sa likod ko manatili. Buti na lang walang tao dito sa building nato kundi aakalain nila na magsyota kami nitong si Mr. DR.

Nang marating namin ang main door ng building nato agad kong itinulak na parang reyna ang double door at bumungad sa akin ang grupo ng mga estudyante na naka-suot ng Senior High Shirt. Nakita ko silang tumingin sa akin dahil sa pagbubukas ng pintuan.

Humarap ako kay Mr. DR at agad syang tinanong. "Anong meron? Bakit nandidito sila harap ng building?"

Nagkibit balikat lang sya. Ano ba yan! Hindi nya alam ang nangyayari e isa sya sa mga miyembro ng nagbabantay ng school na'to.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad pababa ng hagdan. Pagbaba ko ay nakita kong agad na nahati sa dalawa ang grupo ng mga estudyante. WIERD.

Lumingon ako kay Mr. DR at binigyan nya lang ako ng malaking ngiti.

Pinagpatuloy ko ang pagtahak sa aisle na ginawa ng mga senior student.

Nakita kong humarap ang lahat ng tao na kanina ay nag uusap usap lang. Anong meron?

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now