Chapter 15

3 0 0
                                    

                                                                             -Barmi-

Nagulat ako sa aking nasaksihan sa pagmulat ng aking mga mata pero hindi ko na lang pinansin. Madaming naging tanong ang dalawang babae kong kaibigan.Nalaman ko na pinapanuod nila ako sa big screen pero hindi nila nakikita ang hologram na lumilitaw sa bawat buklat at silip ko. Hindi din nila naririnig kung anong naririnig ko. At Maliwanag ang nakikita nila sa big screen habang madilim naman ang aking nakikita.

Nang malaman ko lahat yun kinwento ko lang sa kanila ang ibang parte pero hindi ang mga nakita ko sa hologram at mga narinig ko sa kwartong pinagtaguan ng kalaban ko.

By the way nasaan na ang bata?

"Nasaan na ang batang babae na nakalaban ko?" tanong ko sa dalawang bruhilda. "Wala na,kagaya lang din ng nangyari kay Darlene ang nangyari sa kalaban mo.Nawala na lang bigla ng hindi natin alam kung saan dinala" malungkot na bigkas ni Sha.

"Humanda sa huling laro!" Naalerto kaming tatlo at agad na tumayo. "Hindi na natin patatagalin at tara na magsimula ng huling laro ang 'Alamin ang tunay na pagkatao sa larong Plisiner!'"Lumingon ako sa aking mga kasamahan at nginitian lang ako ni Mond.

Kaming lahat ang nakalaan na maglalaro sa unfamiliar pinoy game na ito. "Puwesto!" Kahit babago pa lang akong labas sa laro ako na ang nanguna papunta sa platform.

Ilalaban ko 'to! Namin rather!

Nakapwesto kami ala-avengers squad nang biglang mabilis na umandar pataas ang platform. Nakita kong nakahiga ang iba kong kasamahan habang kami lang ni Darlem ang nanatiling nakatayo. Awkward. Nagkunwari akong natumba kagaya ng iba. Parang tanga.

Para hindi magmukhang tanga lumapit ako kay Valerie at nakipag-usap. "Infairness ang ganda ng lugar na ito no?" tanong ko sa kanya. "Anong maganda dito? Walang maganda dito Barmi my friend" Sagot ni Valerie.

"E sino bang may sabi na dit---" Tumigil na ang platform. Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid. Nasa labas na agad kami? Paanon—

"Let's the game begin" Inassist kami ng isang babae na naka-full white fitted overall outfit. Sobrang lawak ng paligid na kayang paghabulan ng madaming tao. Naglakad kami papunta sa kabilang side ng area na paglalaruan.

Nang makarating kami ay nakita ko ang color blue sign na may nakalagay na Freshcomers.Pumwesto kami doon the same ng pwesto namin na parang Avengers Squad. " Nasaan ang kalaban natin?" tanong ni Valerie.

"Alam mo ba kung anong laro ito?" Sarkastikong tanong naman ni Jocse kay Valerie. " Yes. Of course my friend" Malantik na pagpikit ang binigay ni Valerie kay jocse.

"Ang kailangan nating gawin dito ay habulin ang mga kalaban.Itong blue sign na ito ay ang magsisilbing base nat--- kailangan malapit lahat ng mga mukha sa akin?" Lumayo ng kaunti ang mga mukha namin kay Valerie. " So gaya nga ng sabi ko ang blue sign na ito ay ang base natin it means bawal silang manaya once na nandito tayo. Once naman na nataya natin ang mga kalaban pagmamay-ari natin silang lahat pero kapag nadagit ng kanilang kasamahan ang mga nakuha natin. Babalik na ulit sila sa kanilang base. It means ang goal natin ay makuha at mataya ang lahat ng ating makakalaban. Gets?"

"Hindi!" Sabay-sabay na sagot namin sa kanya.

Para mas malaman pa namin lahat idinemonstrate ni Valerie ang magiging laro. Hinigit nya si Jocse at sinabihan nyang tumakbo. Naghabulan silang dalawa at naabutan naman kaagad ni Valerie si Jocse. "Taya ka na diba!? So punta ka dun sa base namin!" Sigaw ni Valerie sa kalaban nyang lalaki. Hinili nito si Jocse papunta sa base at tinuruan ang gagawin.

Humarap sa amin si Valerie. "Ngayon naman kunwari ako yung kalampi nya...Jocse dumukwang ka ng malaki para maabot kita" Utos ni Valerie kay Jocse na bugbug sarado na sa kanya.

"Ikaw ang dukwangin ko dyan e!" Galit na sambit nito. Tinaasan lang sya ng kilay ni Valerie ay agad na umamo na parang aso. Lumayo ng kaunti si Valerie.

"I-EXTEND MO KAMAY MO!" sigaw ni Valerie na tumatakbo papalapit sa amin. Nang malapit na sya kinuha nya ang kamay ni Jocse na ikinagulat naman nito. Na-out of balance sila at napailalim si Valerie habang nasa ibabaw si Jocse. Tumagal ng 5 minuto ang kanilang patungan. "So,romantic pala ang larong ito" Kinikilig na sambit ni drake na kanina pang laro nila Sha na walang imik.

"Umalis ka nga!" Itinulak ni Valerie si Jocse at lumakad papalapit sa amin. " Gets nyo na ba?" Tumango kaming lahat.

"Ako hindi pa! Pwede bang ulitin natin dun sa hinila mo ang kamay ko." kinuha ni Valerie ang suot nyang sandals at akmang babatuhin si Jocse. "Joke lang ikaw nama---"

"Naririto ang inyong makakalaban." Nakarinig kami ng sigawan sa left side ng malawak na area na ito. Shit! Totoo ba ang nakikita namin? Sila ang kalaban namin.

"Bakit kamukha natin sila?" Gulat na tanong ni Sha. Onga Sha. Bakit sila?

Mga emotionless doble kara namin ang aming makakalaban. Kagaya ng kilos namin ang kilos nila. Putchaa! Ang daya naman!

"Simulan na ang laro!"

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now