Chapter 10

6 0 0
                                    

                                                                                      -Barmi-

"Welcome to Dardarsham Village" Bati sa amin ng limang babae. Maganda ang ukit ng kanilang mga ngiti,makukulay ang kanilang mga suot maging ang kanilang buhok at talagang magaganda silang babae na sapat na para pang-akit sa mga kalalakihan.Naalala ko tuloy ang mga babae na napanuod ko sa perya noong bata pa ako.

Sa totoo lang natatakot ako para sa magaganap na game mamaya.Hindi ko kasi alam kung paano laruin ang mga 'yon,Oo nakikita ko sa mga ibang bata noon kapag naglalaro sila sa labas ng aming bahay kaso hanggang taganood lang ako sa bintana kasi bawal akong lumabas kasi ayaw nila mama na naglalaro ako sa labas at uuwi ng bahay na malagkit at madumi ang paa.

Binibili lang nila ako noon ng mga laruang bahay at kung ano-ano pa.At kapag naman sinasabi ko na ayaw ko ng maglaro ng laruan na binibigay nila sa akin ay dinadala na lang nila ako sa perya at sinasakay sa mga pambatang rides,doon ko din nakita ang mga babae na nagsusuot ng mga makukulay na damit na kagaya ng mga babae na nagassist sa amin.

Naalala ko din noong nawala ako sa peryahan,umupo lang ako sa isang bato at pinagmamasdan ang mga tao na naglalakad. May isang batang lalaki na nakakuha ng atensyon ko nawawala din sya nun e,his cold eyes na kapag tinitigan mo sobrang matatakot ka.

Nilapitan ko sya nun at napatunayan ko ang kasabihan na 'don't judge the book by its cover'.Sobrang saya ko nung time na kasama ko sya. Ako nga ang nagturo sa kanya na magnakaw ng cotton candy sabay takbo,kumuha din kami ng teddy bear sa isang station. Pero ang bilis din kaming nakita ng mga parents namin kaya nagkahiwalay din kami kaagad.Ibinigay nya sa akin nun ang teddy bear tas sa kanya naman ang cotton candy.

"Let's the game begin!" Umalingawngaw ang boses ng lalaki sa loob ng lugar na ito. Natakpan ng kurtina ang kaninang puno ng mga mananayaw at banda,nawala din ang limang babae na kanina ay nakaharap lang sa amin at nakangiti.

"Ano kaya ang unang laro?" tanong ni Valerie na nasa tabi ni Jocse. "Ewan" sabay-sabay naming sagot. Naka-upo ako sa color orange na upuan at nasa right side ko naman si Sha na nasa red na upuan kasunod ko si Mond na naka-upo sa yellow na upuan at si Drake naman si green.Kasunod ni Drake si Jocse na nakaupo sa blue chair at katabi nya si Valerie na nasa indigo naman. Habang si Herry naman ay nasa violet at kalma lang na naka-upo.Nasa pinaka dulo si Darlem na nasa color Black chair.

Habang iniintay namin ang pagbukas ng kurtina ay kinuha ko ang binulsa kong snickers at kinain. Kita kong nahili sila pero kulang pa sa akin kaya minadali ko na ang pagubos.

"First round,Isayaw mo ang problema sa larong Patintero" Bumaba ang isang lalaki sakay sa isang upuan na nakakabit sa harness hawak ang color rainbow microphone.Siya siguro yung nagsasalita kanina.

"Kung batang bahay ka! Talo ka!" Narinig namin ang malakas na sigawan ng mga bata matapos sabihin ng lalaking bumaba sakay sa upuan ang kanyang linya. Nasaan sila? Walang lumalabas na bata sa kahit na anong parte ng lugar na ito.

"Red,Yellow,Blue,Violet kayo ang mga manlalaro sa round na ito" Napatingin kami sa upuan na aming inuupuan at ang mga piling manlalaro ay sina Sha,Mond,Jocse at Herry. Unang tumayo si Herry at sumunod naman kaagad ang tatlo.Palaban silang humarap sa lalaki na hindi man lang nagpakilala.

"Bago natin simulan ang labanan,Ang lalaking nakatayo sa harap niyo ay ang isa sa namumuno ng Sharimia Region 'Ang lugar ng tunay na Pinoy',Ako si Lathala Mandiru" Malagong na sambit ng lalaki sa unahan.

"Kabataang Manlalaro,PASOK!" Lumabas mula sa pinagpasukan namin kanina ang apat na bata na kung titignan mo ay parang mga batang hamog na nakikita sa daan.Magabok ang mga paa,madungis ang mga mukha, at may mga bahid ng chocolate ang damit.

Lumabas ang isang babae na isa sa mga nag-assist sa amin kanina dala ang box ng powdered chalk na siguro ay gagamitin sa laro. "Parehas lang din ang mechanics ng laro,kailangan mong makadating sa dulo ng hindi natataya" Masayang bigkas ni Lathala. "Pero gaya nga ng sabi ng pamagat ng larong ito 'Isayaw mo ang problema sa larong Patintero',may mga tanong na magfa-flash sa ating big screen" Bumaba ang malaking TV sa likod ni Lathala at nakaflash dito ang pangalan ng laro at kung sino-sino ang mga manlalaro.

"Paano namin malalaman kung sino ang taya?" tanong ni Sha. "Malalaman nyo kung sino ang taya sa pamamagitan ng ating big screen" Napalitan ang nakaflash sa TV ng mga phrases na sa tingin ko ay mga problema ng bawat isang manlalaro.

"Ang daya naman siguro na bata sila tapos kami mas nakakatanda,e mas madami kaming pinoproblema e" depensa ni Jocse na kunot noo na nakaharap kay Lathala.

"Sa tingin nyo ba kayo lang ang may problema? Hindi porket bata kami e wala na kaming pinoproblema! Pareparehas tayong tao,pare-parehas tayong humaharap sa magulong mundo sa labas,at pare-parehas nating ginustong makatakas." Galit na galit na kinaharap ng isang batang babae si Jocse.

"Tigil!" awat ni Lathala sa dalawa. "Kung alin dyan ang matirang problema ng kagrupo nyo sila ang matataya".

*Walang pambili ng candy

*Takot na harapin ang problema nilang magkaibigan

*Walang kwentang kapatid

*Hirap sabihin ang tunay na nararamdaman

*Walang kwentang anak

*Hindi pinapayagang lumabas ng bahay

*Hindi matagpuan ang 'sweet bad-ass perya girl'

*Natatakot mawalan ng kasama sa buhay

Walang bahid ng takot sa mukha ang apat naming kasama habang ako naman ay pilit na itinatago ang kaba para sa kanila baka kasi gamitin nila ito kung sakaling ako na ang lalaban.

Nagsimulang magjumbled ang mga phrases at pawala-ng pawala at natira ang isa. Walang kwentang anak. Nagpunta sa mga gawang linya ang batang lalaki na may cold eyes at simpleng galaw. Nagulat kaming lahat sa nangyari at kita ko na sumunod na sa paglalaruan ang iba pa nyang kasama.

Bakit ganun? Ang bata pa nya para harapin ang ganung problema.

Naiiyak ako sa larong ito.

"Puwesto!" utos ni Lathala sa mga manlalaro hudyat ng pagsisimula. Pumwesto ang mga maglalaro sa nakalaang flatform. Pagkatayo nilang lahat doon ay umangat ito na tama lang para hindi namin makita ang mga pangyayari.

"Isang tanong,isang sagot;pagpatak ng luha;pagkawala ng sakit;ang matalo,kanilang lalaruin ang paboritong laro ng leader ng mga bata na si Gardo" Umupong muli si Lathala sa kanyang inupuan kanina at muling itinaas ng harness. "Ang hindi sumunod sa mga gagawin,Talo!"

Bang!

Simula na ang laro. Dumagundong ang masayang musika sa loob ng Game Entrance.

Ano na kaya ang nangyayari sa kanila?

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now