Chapter 11

4 0 0
                                    

                                                                              -Sha-

"Ang hindi sumunod sa mga gagawin,Talo!" Magkakatabi kaming apat nila Mond,Jocse at Herry na nakatayo sa starting point ng paglalaruan. Kung titignan ko ang mga kalaban namin ngayon,masasabi kong malaki ang chansa namin na manalo pero nang makita ko kung gaano sila katapang sa pagharap sa mga pagmamaliit sa kanila,at kung paano nila harapin ang problema.Talo kami.

Gusto ko sanang umiyak nung makita ko ang isa sa mga phrases na nakaflash sa big screen.

Takot na harapin ang problema nilang magkaibigan.

Pinipilit ko na huwag alalahanin ang mga pangyayari noon para makapagfocus ako sa larong ito. Bumilog kaming apat at bumuo ng plano. Ako ang naassign sa panlilinlang sa mga kalaban habang ang tatlo naman ang bahala sa goal.

"FIGHT!" matapang na sigaw naming apat.Umayos kami ng puwesto na parang mga kasamahan ng avengers sa kanilang cover. Simulan na ang laban. Una akong pumasok at natira ang tatlo sa labas. Kitang kita ang determinasyon ng mga kabataang kalaban namin na manalo dito sa larong ito. Naalala ko,ano nga pala ang magiging award ng mananalo? At ano kaya ang magiging parusa?

Lahat ng taya ay pwedeng manaya malampasan mo man o hindi.Pilit kong ginugulo ang babae na nasa first line para makapasok sa kabilang side ang tatlo.Sobrang sarap maglaro kasi kasabay nito ang musikang nakakaindak.

Lumipas ang tatlong minuto at walang nakakapasok sa tatlo kong kasama. Napalitan ng malungkot na musika ang kaninang masaya at napadako ag tingin ko sa screen. Isang babae na masayang nakikipag-date sa isang lalaki.

Bumuhos ang malakas na ulan sa pinaglalaruan namin. Kita kong nakatawid na sa kabilang side ang dalawa kong kagrupo na si Mond at Herry at nasa tabi ko naman si Jocse. "Sha focus! Hindi natin alam kung ano ang magiging parusa.Kaya kailangan nating ipinalo to!" pagbulyaw sa akin ni Jocse.

Basang-basa na kaming lahat. "Darlene! Lumaban ka!" Sumigaw ang isang batang lalaki na nasa endline. Napatingin ako sa nagiisang batang babae na kalaban namin.Nakayuko sya na parang ayaw ng lumaban.Umiiyak ba sya? Lalapitan ko sana sya para icaress ang back nya pero pinigilan ako ng tatlo kong kasama. Patuloy lang na nakikipaggitgitan ang tatlong lalaki habang ako ay nakapukol lang ang tingin kay Darlene.

Nangangatog na ako sa lamig dahil sa patuloy na pagbagsak ng ulan. Bakit ba may ulan dito?

"Shaaa!" Natumba ako sa malakas na pagkakahila ni Jocse. Malapit na akong mahagip ng lalaking nasa mid-line. Nawala ang pagbuhos ng tubig kasabay ang pagtayo ni Darlene at pagpapalit ng mas masiglang musika. Humarap sya sa amin at halata sa kanyang mga mata na galing sya sa pag-iyak.Alam ko na!

Ang pamagat ng larong ito ay 'Isayaw mo ang problema sa larong Patintero'. Ang mga nagfa-flash sa big screen ay ang mga problemang kinakaharap ng bawat isang manlalaro. At ang unang pinatamaan ay si Darlene na nasa first line.

"Darlene!Lumaban ka! Kaya ka pumasok dito para kalimutan ang mga masamang nangyayari sa iyo sa labas. Sumama na ang mama mo sa iba! Wala ka ng magagawa dun!" Sigaw ng lalaking nasa mid-line. Napatingin kaming apat kay Darlene,binigyan nya lang kami ng nakakalokong ngiti na parang walang sakit syang nararamdaman. "Don't worry uwa,tapos na ang sakit na ito!" taas kilay nyang sambit. Hindi na namin sya pinansin at pinili na lang namin na mag-focus sa laro

Narealize ko na hindi lang pala ako ang may malaking problema sa mundo,madami kami,at kasing laki lang ng holen ang akin. Ang bata pa ni Darlene para sa ganung problema.

Nakaliban na si Jocse at Mond sa second face ng Patintero. Habang abala ako sa pakikipaggitgitan sa lalaking nasa second line napalitan muli ang musika at napatingin ako sa big screen. Tatlong pictures ang nakaflash dito.

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now