-Darlem-
"Nakita nyo ang nangyari!?" galit na sigaw ko sa dalawang lalaki.
Gabi na ako nakauwi ng bahay dahil sa dami ng naiwan na kalat sa girls dorm.
"Kamusta naman ang mga kalat sa harap ng girls dorm?" pang aasar ni Jocse.
Nakita kong kinuha ni Herry ang kanyang cellphone.
"Ano yan ha?!" tanong ko sa dalawa.
Inihagis ko sa mukha ni Herry ang bag ko nang makita ko na pinapanuod ng dalawang mokong sa cellphone ang most embarrassing moment na naexperience ko. Kung hindi ko lang talaga pina-simulan 'tong kalokohang 'spin the bottle' na iyon na ang consequence ay gawin for 30 days ang dare na ipapagawa sa kung sino man ang matapatan ng may red arrow na nakakapit sa taklob ng bote,hindi sana ako mapapahiya ng ganito. Kainis!
"Nakita namin Darm ang lahat ng nangyari,diba herry?" natatawang sagot ni Jocse.
Kahit kailan talaga ang dalawang ito walang magandang magagawa.
Ngumiti sila sa'kin at ibinaling muli ang tingin sa cellphone.
Naramdaman ko na naman ang hiyang may kasamang galit kanina nang maalala ko ang kanilang nakakalokong ngiti na tanaw ko mula sa second floor ng isang building na katabi ng girls dorm.
Argh!
Kinuha ko ang isang vase na nakapatong sa maliit na mesa na katabi ng sofa na inuupuan ko.
"Huwag mong sabihin na ibabato mo ya—" hindi na naituloy ni Jocse ang kanyang sasabihin nang bigla kong itinaas ang vase at tangkang ibato ito sa kanilang dalawa.
"TAKBOO!" sigaw ni Herry.
"Makakaganti talaga ako sa inyo kapag natapos na itong dare na itoo!" Sigaw ko habang hinahabol ang dalawa sa loob ng bahay.
Kring! Kring Kring!
Natigilan kaming tatlo sa paghahabulan ng marinig namin na may nag-doorbell.
"May bisita ka ba na darating ngayon?" tanong sa'kin ni Jocse at Herry.
"Wala" sagot ko.
"Siguro kayong dalawa merong bisita"
"Wala a!" sabay na sagot ng dalawa.
Kring Kring Kring
Nakaramdam ako ng pikon nang ulitin ng tao sa labas ang pagpindot ng doorbell.
"Ohhhhh. Eto na naman syaaa!" Nagtinginan si Herry at Jocse. Naglakad na sila papunta sa sofa at hinayaan ako ang kumausap.
"Sino 'yan?" tanong ko sa taong nasa labas.
Limang Segundo ang lumipas at walang sumagot.
"Gooo! Pindutin mo na ang magic button" sigaw ng dalawang lalaki sa likod ko.
Pinindot ko ang red button sa tabihan ng pinto.
"OH MY GOOOOOODDDD!"
Narinig naming tatlo ang boses ng babae mula sa labas. Lumapit sa akin ang dalawa at hinintay akong buksan ang pinto.
Pagkabukas ko ng pinto...
Tumingin ako sa dalawang na sa likod ko.
"D-arm pa-pa m-o" nauutal na sambit ng dalawa.
Humarap ako sa lalaking na sa harap ng pintuan ng bahay naming tatllo.
"Bakit ka nandidito?" tanong ko sa lalaking na sa harap ko.
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.