-Barmi-
Humakbang ako ng sampo mula sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko ang buong lugar at inilista sa isip ang mga lugar na pwedeng pagtaguan ng batang babae. Hindi ko man lang sya nakilala. May walong posibleng spaces ang pwedeng taguan ng kalaban ko. Madali na 'to sa akin.
7:25
Umaandar ang orasan.Kailangan ko ng magsimula. Dimmed light lang ang nagsisilbing liwanag dito sa loob ng room na naging advantage naman ng aking kalaban.
Hindi ko alam ang magiging parusa kaya kailangan kong ipanalo 'to. May nakita akong human size box na color black. Gumawa ako ng creepy sound para mas magmukhang exciting ang larong ito. Binuklat ko ito at sumalubong sa akin ang isang hologram na pinapakita ang laro kanina ni Sha. Kita kong basang-basa si Sha na nakatulala at walang pakialam sa kung anong nangyayari sa paligid.
Nagsimulang magpatakan ang luha ko at naramdaman ang kirot sa puso nang magpalit ang anggulo ng hologram. Mukha lang ni Sha ang nasa buong view. Pula ang mata at kunot ang noo.
"Barmi,hindi mo alam kung gaanong kasakit na galing sa'yo ang mga salitang 'Hindi ko deserve ang makasama sa grupo nyo'"
Naalala ko noong grade 7 kami, bago lang syang salta sa Campus noon. Sobrang dungis pa nya at hindi sya nababagay sa grupo namin. Pero lumipas ang araw,linggo,buwan at taon,nakilala ko sya ng lubusan at deserve nya ang makasama kami.Pero paano nya nalaman na sinabi ko yun,e kami lang ni Valerie ang nakakaalam.
"6 minutes left" Nakaramdam ako ng pagkataranta nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Bumalik na ako sa paghahanap at pinahid ang mga luhang pumatak.
May mga tawa ng batang babae akong naririnig na hindi ko maipaliwanag kung nang-aasar ba o gusto lang makipaglaro.Naramdaman ko ang pagdaan ng isang tao sa right side ko kaya agad ko itong sinundan.Nakita ko ang isang color black na upuan. Sinilip ko ang nasa ilalim nito at nakita ko ang padalawang hologram na nagpapakita ng dalawang batang nakatalikod at sabay na naglalakad sa peryahan. Lumingon ang batang babae at tsaka ko na laman kung sino. Ako yun!
Naalala ko si Cute-Cold Perya Boy na nakasama ko sa mga kalokohan in a short time. Nagshift ang angle ng hologram at pinakita si Herry na naka-upo sa color violet na upuan at kalmang naka-upo. Anong kinalaman ni Herry? Hindi ko na inantay pa ang pagshift ng angle at agad na akong bumalik sa paghahanap.
Anong meron kay Herry? Anong kinalaman ni Herry kay Cute-Cold Perya Bo---
TOK!TOK!TOK!
Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng tatlong katok sa aking left side. Nakita ko ang isang color black drawer. Kailangan talaga na dapat black lahat ng gamit dito? Naglakad na ako papalapit dito at dahan-dahan na binuksan.
Halos tumalon ang puso ko nang sumalubong sa akin ang isang bote na may kutsilyong red na nakatutok sa akin.
"Spin the bottle tayo,tapos sabay-sabay nating lokohin ang mga taong nakapaligid sa atin" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa bote. Isa lang pala itong hologram putchaa! Nagshift ulit ang angle kagaya ng mga una kong nakita pero ngayo ang pinakita ay si Darlem na naka-upo sa black chair,wear his bored eyes and emotionless face. Ang gwapo shet! Damn you Darlem!
By the way, Anong kinalaman ni Darlem sa bote at statement kanina? Hays! Naguguluhan na ako ng sobra ha! Lalabas siguro ako dito sa room na ito na isang psycho. Lakas ng amats ng naka-isip ng mga twist ng larong ito.
Pinagpatuloy ko na muli ang paghahanap sa kalaban ko at dalawang posibleng lugar ang pwedeng pagtaguan ang nakita ko. Isang madilim na space at grupo ng mga mannequin siguro na nakabalot ng mga puting tela.
Umalingawngaw ang wang-wang sa paligid at napalitan ang dimmed light ng red light.
"2 minutes left"
Putcha!
Bahala na si Batman.
Madali akong naglakad sa madilim na space at kinapa na baka sakali ay nandito ang kalaban. Nakarinig ako ng pagsara ng pinto na medyo nagdala sa akin sa pagkataranta. Patuloy lang akong nangapa hanggang sa mahawakan ko ang isang pader.
Nilakbay ng aking mga kamay ang pader hanggang sa may naramdaman akong parang switch siguro. Pinindot ko ito at nagbukas ang ilaw kasabay ang mga ingay na nagmula sa mga hindi pamilyar na boses.
"Si Herry ang Cute-Cold Perya boy"
"Nilalaro ka lang ni Darlem"
"Nakaksakit ka na ng mga tao"
Iyan ang mga salitang naiintindihan ko. Ano ba ang sinasabi ng mga hutang ito? Isang malungkot na musika ang tumalo sa pagpipigil ko ng emosyon. Bakit ganito? Bakit binubugbug ako ng mga salita ng putang inang yan! Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko at hindi ko din alam kung paano ko hindi maririnig ang pinagsasabi ng putang boses yan!
Mas lalong pinagdidiinan ng boses ang mga masasakit na salita ng katotohanan hanggang sa magblured na ang lahat dahil sa mga pagpatak ng aking luha. ayoko na.
Ang sakit na!
Tama na!
"Talo na akooo! Ayokooo na! Itigil nyo na ito!" Sa paglabo ng aking paningin ay nakita ko ang isang batang babae na naglalakad papalapit sa akin.
"Ate.huwag ka ng umiyak. Hindi lahat ng kanilang sinasabi dito.Totoo. Nanalo ka Ate. Paalam na ha" Binigyan nya ako ng matamis na ngiti bago nya ako nilampasan. Nanalo ako? Nanghihina na ako. Napaluhod na lang ako bigla at dahan-dahan na natumba. Hindi ko na kaya lahat. Masyado nilang binugbug ang puso ko.
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.