-Barmi-
Alas siete na ng gabi pero hindi pa din pinag-uusapan ng mga kasamahan ko ang dapat pag-usapan.
"Herry alam mo ba na sobra akong nae-excite sa ating trip bukas" Nadako ang tingin ko kay Valerie na halos yumapos na kay Herry Munch na kaibigan ni Darlem.
"Jocse sawayin mo nga ang dalawang yon" galit na tugon ni Sha.
"Akala ko ba pag-uusapan natin ang mga gagawin natin bukas?" Hindi ko na natiis at naglakas loob na akong tumayo sa harapan nilang lahat. Nakita kong napaayos ng upo si Valerie at Sha,habang ang ibang boys na sila Drake, Mond at Darlem ay natigil ang paglalaro ng mobile game.
"Kanina pa ako ditong nakatunganga at naghihintay sa kung ano ang pag-uusapan natin pero wala kayong ginagawa" pagpapatuloy ko.
"Aalis na ako. Kayo na lang ang mag-wander ng kung ano dyan sa trip nyo" kinuha ko ang aking bag at akmang lalabas na.
" Okay since next week naman ay semestral break natin at sila mama at papa naman e na sa America pa kasama ang dalawa kong kapatid.So Go ako dyan"
Natigilan ako sa pagpihit ng door knob ng marinig ko ang aking boses. Lumingon ako sa mga taong na sa likudan ko at nakita ko si Valerie na nakapamewang ang isang kamay at ang isa naman ay nakahawak sa kanyang phone.
Naalala ko ang pinag-usapan naming dalawa sa cafeteria noong araw ng surprise proposal ni Mr. Darlem.
"Friendship Over?" nakataas na kilay na tanong ni Valerie.
Nakatingin lang sa aming dalawa ang iba pa naming kasama at seryosong nakikinig.
"Ok.Ok" Bumalik ako sa aking inuupuan kanina at ibinagsak ang bag.
"Sige na simulan nyo na ang dapat pag-usapan para sa trip natin bukas." Utos ko sa mga boys na nakaka-alam ng pupuntahan.
Nagtatakbo papalapit sa akin ang dalawang bruhilda at yumakap.
"Ikaw na talaga Barmi my Friend!" tuwang sambit ni Valerie.
"Salamat" dagdag ni Sha.
"Ok friends,magsimula tayo sa kung saan tayo pupunta" Pagsisimula ni Jocse Cromose na isa sa mga kaibigan ni Darlem.
"Saan nga ba tayo pupunta bukas?" sabay sabay na nakangiting tanong ng mga kalalakihan na nagbigay naman sa akin ng konting kaba.
"Don't worry Barmi my friend,masaya ang trip na'to" Bulong ng tumabi sa'kin na si Mond.
"Gaano nyo na katagal plinano 'tong trip na'to?" tanong ko kay Mond.
"Last Tuesday napag-isipan naming dalawa ni Drake na magroad trip next week at napadali naman ang pagkuhaa ng permit sa main office para maglabas ng Van" Kwento ni Mond.
"Balak namin pumunta ng Siargao, e sabi ni Drake parang mapapamahal kami kung doon kami tutungo.So we decided na isama si Valerie since sya ang may alam ng kung ano-anong lugar na magandang puntahan...nung masabi namin kay Valerie ay agad nyang sinabi kay Sha at nag aalanganin pa kaming tanungin ka kasi baka hindi ka pumayag" pagpapatuloy nya.
"E paano nakasama ang tatlong mokong na'to?" Tanong ko.
"AKALA KO BA GUSTO MONG PAG_USAPAN ANG MGA GAGAWIN NATIN BUKAS!" Nagulat at napaayos ako ng upo nang marinig ko ang malakas na boses ni Darlem na umalingawngaw sa buong bahay. Natigilan ang lahat ng tao sa bahay maging si Jocse ay napa-upo na lang.
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.