-Darlem-
Pinapanuod namin sa big screen ang mga nangyayare sa baba. Nakikita ko kung paano gumalaw si Barmi. Sa bawat bukas ng mga bagay na pwedeng pagtaguan ng kalaban merong gumuguhit sa kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na emosyon.
Pagkapasok nya sa isang kwarto na pinasukan ng kanyang kalaban ay nakaramdam ako ng saya sa loob. Nangangapa lang sya na parang walang ilaw sa loob. Madilim ba doon? Nahawakan nya ang isang switch at bigla na lang syang natulala. Tinatakpan nya ang kanyang mga tenga na parang meron syang ayaw marinig. Tatakbo na sana ako at tatalon pababa pero ayaw kong may makaalam ng sekreto ko.
Nilapitan sya ng batang babae na kanyang kalaban,meron syang sinasabi pero hindi ko alam kung ano. Umalis ang bata at bigla na lang natumba si Barmi. Nawala na siya sa screen at nagtakbuhan na ang dalawang babae naming kasama papalapit sa butas na pinagbabaan ng mga manlalaro.
"Dalawang panalo para sa inyong grupo!" Nagsalita si Maginoo na kanina pang nanunuod na naka-upo sa kanyang upuang puti.
Umangat ang platform na kanina ay bumaba papunta sa pinaglaruan nila Barmi. Nakita ko ang batang babae at wala ang inaantay namin. Nasaan si Barmi? Patuloy lang na umangat ang platform at kita ko sa mukha ng bata ang takot. Saan sya dadalhin. Tumigil ang platform sa kasingtaas ng pinaglaruan nila Jocse.
BOOOOOM!
Napayuko ang aking mga kasama sa isang malakas na pagsabog mula sa platform sa itaas. Unti-unti itong bumaba at nakita ko ang damit na kanina ay suot ng batang babae. Saan sila dinadala? Kanina ganun din ang nangyari sa batang babae na nakaaway ni Jocse bago ang laro nila.
"NASAAN SI BARMI!?" Nadako ang tingin ko kay Sha na nasa harapan ni Maginoo. "Ibalik nyo dito si Barmi!" Tinignan lang ni Maginooo si Sha at ipinitik ang kamay. Umangat ang kanyang upuan at nawala na lang bigla sa aking paningin.
Bumabang muli papunta sa pinaglaruan nila Barmi ang platform. Inantay namin ito hanggang sa ito'y tumaas.
Pagkalipas ng 10 minuto nakahiga at walang malay na iniangat ng platform si Barmi suot ang isang makulay na damit at palda.
Lumapit silang lahat sa kanya at inilalayan papunta sa harap ko. "Siguro kailangan nya ng CPR" Taas kilay na asar ni Jocse sa akin. Binigyan nila ako ng mga nakakalokong ngiti maliban kay Herry at Mond.
"Sige na kasi i-CPR mo na kasi!!" Hinila ako ng dalawang babae naming kasama papunta sa malapitang mukha ni Barmi. Ilalapit ko na sana ang mukha kasi gusto ko din naman nang biglang nagbukas ang mga mata ni Barmi.
"Anong gagawin mo! ha!" Tinulak ako palayo ni Barmi. "Oooppss! Utos lang nila sa aki---"
"Balak mong nakawin ang first kiss ko?!" Taas kilay na nakaharap sa akin si Barmi. Naglakad ako papunta sa aking upuan na hindi pinapansin si barmi. Putchhaa! Kinikilig ako!
Pinanatili ko lang na kalma ang aking mukha para hindi nila mahalata na kinikilig ako. Umupo ako at nakita ko silang nakatingin sa akin. Binigyan ko sila ng YES-WHAT'S-THE-PROBLEM- face look at nakita ko naman ang namumula sa galit na si Barmi.
Bumalik ang apat na lalaki sa kani-kanilang upuan habang ang tatlong babae naman ay naiwan sa harapan namin at patuloy na nagkekwentuhan. Kagaya ng mukhang nakita ko kay Sha. Hindi lahat sinasabi ni Barmi ang mga nangyari sa kanyang laro.
"Humanda sa huling laro!" Diinig sa buong Game Entrance ang isang pamilyar na boses ng lalaki. Si Lathala ba 'yon? Bumaba muli ang isang makulay na upuan na may sakay na lalaking may makulay na suot. Si Lathala nga.
"Hindi na natin patatagalin at tara na magsimula ng huling laro ang 'Alamin ang tunay na pagkatao sa larong Plisiner!' " Anong laro yun? Shit! Isa ako sa mga manlalaro!
"Naririto ang mga manlalaro" Itinuro ni Lathala ang big screen kaya doon nadako ang tingin naming lahat.
Lahat kayo ay maglalaro.
"Simulan na natin ang mahabang labanan,ang matalo ay lalarin ang paboritong laro ng inyong leader na si Darlem" tumingin sa akin lahat ng aking mga kasamahan.Putcha! Ako pala ang leader?
"Puwesto!" Naglakad na kami sa platform at humanda sa sasalubunging laban.
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.