-Darlem-
"Darlem anak,itong vase na ito ay ilalagay ko dito sa drawer na ito ha" ipinatong ni mama ang vase na kanyang dala-dala sa drawer na pinaglalagyan ng aking mga sapatos.
"Bigay pa ito sa akin ng lola mo...alam mo Darlem anak sinabi ng lola mo noon na ang vase na ito ay noon pang ika-walong siglo" pagsisimula ng kwento ni mama. "...at sabi pa ng lola mo na kung sino man ang unang lalaki o babae na hahawak sa vase na ito ay makakasama mo ng panghabangbuhay...at kung sino man ang makabasag nito ay syang makakasama mo maging sa kamatayan" tuloy ni mama.
Nakahiga akong nakikinig sa kanya at napapangiti na lang sa mga hindi makakatohanang pangyayari na kinkwento ni mama.
"Sa pagtung-tung mo at ng taong nakabasag nito sa edad na 18 ay mismong inyong mga puso ang magdadala sa tunay na pag-ibig."
Corny. Pero siguro naman ay hindi lang saya ang ibinibigay ng vase nayan. Ano ba ang iniispi mo Darlem. Hindi totoo yan at hindi pa angkop sa edad 10 ang ganyang stasyon ng buhay.
"Pero bago nyo makamit ang pag-ibig na handog ng vase na'to kailangan nyong dumaan sa mga pagsubok,madaming problema ang sasalubong at pipilit bumuwag sa inyong pag-iibigan pero may sinabing solusyon ang lola mo,kailangan mong hanapin ang ating mga kaangkan sa tagong lugar dito sa ating syodad.Ang Mertitian Region na pinamumuan ni Punpa Demitre Melicor." Nakaramdam ako ng excitement sa sinabi ni mama. For me it's a Mysterious game and I just wanna play it.
"Saan ang lugar na sinasabi nyo? Meron ba kayong clue kung nasaan ang tagong lugar na yon?" tanong ko kay mama na naglalakad papalapit sa aking hinihigaan.
"Dito lang sya sa ating syodad matatagpuan. Ang Dardarsham Village na matatagpuan sa kabilang barangay" sagot ni mama.
"Punta lang ako sa kusina para ihanda ang ating kakainin mamaya" dagdag ni mama na agad naman tumayo at tumungo sa kusina.
Naiwan ako sa salang nakangiti at gustong magtatalon dahil may bago akong bagay na natuklasan at para sa akin ay mapaglilibangan.
"Darlem anak! Kakain na tayo"
^^^^
Natapos kami ng pagkain ni mama and I decided to out for a new mysterious trip.Finding my what so called 'Kaangkan'. Nagsimula akong halughugin ang aming kakapit barangay,kung kani-kanino ako nagtanong kung saan ko matatagpuan ang 'Dardarsham Village' kasi medyo malawak ang aming kakapit barangay.
"Bakit mo naman itinatanong bata,gusto mo ba na mawala ng maaga sa mundong ito?" tanong ng isang lalaking napagtanungan ko.
"Ano ba ang meron sa lugar na yon?" balik na tanong ko sa kanya.
" Ang Dardarsham Vilalage ay hindi lang isang village,ang Dardarsham ay isang lugar na tinitirhan ng mga piling ordinaryong tao na gustong makawala sa magulo at nakakapagod na mundo. Pero hindi lahat saya ang maiaalay namin sa inyo kasi hindi namin masasabing mabuti lahat ng naipasok naming tao,ang iba sa kanila ay inaabuso na ang mga bagay na nakapaloob sa lugar na ito" sambit ng lalaking napagtanungan ko na sa tingin ko ay na sa mid 40's pa lang.
"Ibig po bang sabihin nyo ay kasama kayo sa mga taong naninirahan sa village na yon?" tanong ko.
"Oo" maikling sagot nya.
"Kilala nyo po ba si Punpa Demitre Melico—"
"Oo,napansin ko nga ang pigiging mapanuri mo,at ramdam ko na isa kang Mertirs"
Ha? Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Isa akong Mertirs? At ano ang Mertir--
"Kailangan mong pumunta ngayon sa bahay mo...may mga umaaligid at gustong pumaslang sa mama mo" pagputol ng kausap kong lalaki sa iniisip ko.
"Paano mo nasabi?"
"Basta pumunta ka ngayon!" sigaw ng lalaki sa akin.
Agad akong nagtatakbo sa sakayan ng tricycle at pinagmadali si manong na pumunta sa kabilang barangay.
Huli na ako.
Wala na si mama,ramdam ko yun.
Bumaba ako sa patatlong bahay bago sumapit sa mismong bahay namin.
Tama ako.
Wala na si mama.
^^^^
"Bakit kaya ang tagal-tagal ng limang yon" tanong ni Jocse sa aming dalawa ni Herry na parehas naka-upo sa sofa.
Hindi ko sinasadyang saktan si Barmi.Hindi ko intensyon na manakit ng babae.Hindi ko gustong makakita ng umiiyak na babae.Pero nasaktan lang ako sa nasaksihan kong pagkawala ng isang bagay na iniwan sa akin ni mama.
"Alam mo Jocse maganda kung ilabas mo na lahat ng gamit natin at ilagay mo na sa sasakyan" utos ni Herry kay Jocse.
"E bakit hindi mo ako tulungan?" sarkastikong tanong niya kay Herry.
Nakita kong tiningnan lang ni Herry si Jocse ng masama. "Ok.fine" Umalis na sa aming harapan si Jocse at kinuha isa-isa ang aming mga gamit.
Nabalot ng katahimikan ang bahay at tanging si Jocse lang na nagmamaktol ang gumagawa ng ingay. Natapos ang paghahakot ng mga gamit ni Jocse pero wala pang kahit na anino ang dumadating sa lima na makakasama namin sa trip.
"So—rry" pakinig ko na sabi ni Barmi.
Ayaw ko munang lumapit sa ibang tao.Ayaw kong manakit ng iba.Ayokong may makakita ng side kong ito.Pero pilit pa din syang lumapit sa akin.Nasaktan ko si Barmi pero sinigurado kong hindi sa parteng may bubog.
Peep!Peep!Peep
Busina ng isang sasakyan ang nakapagpabalik sa aking pagiisip. "Nandito na sila." Agad na lumabas si Jocse at sumalubong sa mga bagong dating.
"Hey!Hey!Hey!" Masiglang boses ng babae ang nadinig ko mula sa labas ng pintuan.Si Valerie.Nagbukas ang pinto at iniluwa si Valerie suot ang magarang damit.White short at damit na bulaklakan na binuhol sa harapang bahagi.Sunod na pumasok ang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Sha.At panghuli ay ang maangas na dalawang lalaki na sa tingin ko ay pinagahadaan talaga ng todo.
"Nasaan si Barmi?" tanong ni Herry na katatayo lang. "Na sa loob ng sasakyan.Ayaw bumaba kasi nahihiya daw sya na pumasok sa bahay niyo" sagot ni Valerie.
Lumabas kaagad ako ng marinig ko ang sinabi ni Valerie.
Tok!Tok!Tok!
Kinatok ko ng tatlong beses ang bintana ng sasakyan na dala ng lima at agad naman itong nagbukas. Bumungad sa akin ang mukha ng isang maamong babae.Parang ang layo sa Barmi Pentoza na nakikita ko sa campus.
"Bakit?" tanong nya sa akin
"Bakit ayaw mong pumasok sa aking bahay?!" galit na sambit ko.
"Aalis na naman tayo di ba?" Sasaraduhan na ni Barmi ang bintana ng sasakyan pero kinalampag ko lang ulit.
"AYAW KO SA BAHAY MO!OK!" sigaw ni Barmi.
"KUNG AYAW MO THEN AYAW KO DIN SAYO!" Umalis ako sa tabi ng sasakyan at akmang aalis na pero nakita ko ang anim na aming makakasama sa trip na kanina pa sigurong nanonood sa aming bangayan.
"Ihanda nyo na ang gamit nyo aalis na tayo!" Utos ko sa anim ko pang kasama.
Wala na akong paki-alam sa sitwasyon naming dalawa ni Ms. Barmi Pentoza basta ang alam ko lang ay matutuloy na ang naudlot kong paghahanap sa aking mga kaangkan.
Nakaayos na ang lahat at handa na kaming umalis.Aking sasakyan ang ginamit naming tatlo nila Jocse at Herry dahil maganda ito sa lakbayan at isa pa ako din ang may gusto.Binusinahan ko na ang sasakyan ng limang magkakaibigan sa likod namin hudyat ng aming pag alis. Ako na ang nanguna since ako naman ang may alam ng daan.
Hi Dardarsham Village.
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.