-Darlem-
Pagkasimula ng hudyat nagsimula ng magtakbuhan ng kalaban at kaming lima na lalaki ang naunang tumakbo. Hinahabol ko ang ka-doble ni Jocse. Sobrang kakaiba ang aura nya. Lumingon sya sa akin at binigyan nya ako ng kakaibang ngiti.
"Pasensya ka na,una kang tumakbo kaya talo ka!" Tinaya ko sya at sabay kaming naglakad papunta sa aming base. Nakita ko ang tunay na Herry na nakatulala at parang wala sa sarili kasama ang kanyang ka-doble papunta sa base.
Kita ko sila Drake,Mond at Jocse na patuloy lang nakikipaggitgitan sa mga kadoble nila Sha,Valerie at Barmi. Habang nakatigil naman sa base ang tunay na Barmi,Valerie at Sha.Napatingin ako sa base ng kabilang panig. Shit!
Nagtatakbo paalis ng base ang ka-doble ko papunta sa dako ni Mond. Humabol din ako para unahan sya at hindi mataya ang kalampi ko. Mali! Lumihis sa ibang direksyon ang ka-doble ko.Putcha! Papagudin ata ako neto!
Saan ka naman pupunta. Nagdiretso si Darlem 2.0 sa malayong space na hindi masyadong natatanaw ng mga kasamahan ko. Tumigil sya at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"Darlem,bago ako magpataya sayo,gusto ko lang sabihin na hindi na nagiging maganda ang pakikitungo mo,akala mo ba maganda na ipagpatuloy ang mga bet nyong yan? Mananakit ka lang ng babae tapos sasabihin mo na pinapahalagahan mo ang mga babae. Puta pre mahina ka pa sa mga marurupok na babae dyan sa labas. Kung mahal mo pre,Sabihin mo." Patuloy lang akong nakikinig sa sinasabi ng ka-doble ko.
"At isa pa huwag mong isama ang ibang tao sa madilim mong mundo sobrang pinapahalagahan ka nila. Tayain mo na ako pero ito ang last na masasabi ko. Maging malakas ka at matutong ipaglaban ang nararamdaman mo. Kung ano man ang sinisigaw ng puso mo doon ka huwag kang lumihis kagaya ng ginawa ko kanina" Ngumiti sya sa akin. Pasensya na hindi mo ako madadala sa mga ganyan. Lumapit na ako sa kanya para tayain pero anakramdam ako ng malakas na hampas mula sa likod. Si Mond.
" Kalampi mo ako diba?" Tanong ko sa lalaking na sa likudan ko. Humarap ako kay Darlem 2.0 at ngumiti sya sa akin.
Putcha! Naisahan ako doon! Naglakad na ako pabalik sa mismong pinaglalaruan at nakita kong nakapila na ang iba kong kagrupo sa kabilang base maliban sa akin at kay Valerie.
Valerie ipanalo mo ito.
Nakahorizontal line kami at kapit-kapit habang inaantay si Valerie na dagitin kami. Kaya nya 'to!
-Valerie-
Nang tumakbo si darlem para habulin ang kanyang kadoble ay agad namang tumakbo din si Barmi para tulungan ang kanyang Friendanger. Sa pagtakbo ni bruhilda ay nagsimula ng magkabuhol-buhol ang mga pangyayari. Hinabol sya ng ka-doble ni Mond.
Sa pag-alis ng dalawa dumating naman ang mga nataya nila Drake,Jocse at Mond. Mga ka-doble ng tatlong maria. "Herry ayos ka lang ba?" Tanong ng babagong dating na si Mond. Walang respond na nanggaling kay Herry. Kanina pa syang ganyan simula nung dumating sya kasama ang kanyang nataya na kanyang ka-doble.
Abala kami sa pagcaress ng likod ni Herry nang marinig namin ang sigawan ng mga kalaban na nahuli namin. Shit nadagit! Umalis si Herry at nagtatakbo. Shit!
Nagkabuhol-buhol na ang lahat sa pag-alis ni Herry. Nahuli sila Sha,Mond,Drake,Jocse,Herry at Barmi. Putcha! Sana hindi nataya si Darle---.
Nakita kong naglalakad si Darlem.Tulala at walang pakialam sa paligid.Kasama ang kanyang kadoble at si Mond 2.0. Shit ako na lang ang panlaban.
Nag-isip ako ng gagawin ko at naalala ko noong childhood days ko kung ano ang mga technique na ginagawa ko sa larong Plisiner.
Tumakbo ako papaikot ng pinaglalaruan at umayon naman sa plano. apat sa kanila ay humabol sa akin. Nang malapit na ako para dagitin ang mga kasamahan ko. Nakaharap ko ang kamukha ko. Valerie 2.0.
Tinaasan nya ako ng kilay. "Wala kang kwentang Estudyante at wala kang kwentang Kaibigan!" Nilapitan ko sya para sampalin pero napigilan nya ako.
Shit!
Taya na ako!
Talo kami!
"Tapos na ang laban. Lahat kayo ay maglalaro ng paboritong laro ni Darlem. ang Spin The Bottle"
-Darlem-
Talo kami. Inassist kami ng babae kanina papunta sa platform. Pagdating namin ay nakita ko ang bote na ginagamit namin nila Jocse at Herry sa bahay na nakalagay sa gitna ng platform.
"Once you spin the bottle, he/she will choose if it's truth or dare.Note that isang spin lang kailangan at kami ang magbibigay ng tanong at gagawin for the truth and dare. So let's start" Nakabilog na kaming lahat at handa ng harapin kung ano ang mangyayari.
Si Herry ang nag spin ng bottle.
Sa paglipas ng 1 minutong pagspin ng bottle kay Barmi tumigil ang cap. Nanginginig syang tumayo.
"Truth or Dare" Tanong ng boses ng isang lalaki.
"Dare" Sagot ni Barmi.
"Bakit Dare?" Tanong ni Sha. " Ayaw kong masaktan pa kayo kung sa truth ako pupunta,ayaw kong kapag lumabas ang tanong at kailangan kong sabihin ang totoo ay kailangan pang masaktan ko ang mga damdamin nyo at alalahanin nyo pa ako. KAYA DARE ANG PINIPILI KO. HANDA AKO SA IPAPAGAWA M---"
"No. Kasama ako sa Dare na iapapataw sa'yo" Pagputol ko kay Barmi. Tumingin sa akin ang lahat ng kasamahan ko at agad naman silang nagtayuan at sinamahan kaming dalawa ni Barmi sa dare na ipapagawa.
"Then We,the people of whole Dadarsham village,Dare you not to leave!"
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.