Chapter 9

6 0 0
                                    

                                                                                 -Barmi-

Nakarecover naman ako kaagad sa nangyari kaninang kahihiyan dahil sa mga pang-aasar ng aking mga kasamahan. Madaming kwento kaming napag-usapan.Madaming tawanan.Madaming kainan. At napagtanto ko na dalawang oras na naming tinatahak ang mapunong daang ito.

"Anong nangyayare sa sasakyan ng Darlem mo" napatingin ako sa unahang sasakyan namin at nakita kong pagewang-gewang ito. Anong nagyayari sa mga yun?

"Businahan mo nga!" utos ko kay Drake. "Magalit pa yan sa akin. Baka batuhin ako nyan ng bubog." pang-aasar nya sa akin.

Naalala ko ang Vase na nabasag ko sa bahay nila Darlem.Hind ko alam kung may pag-asa pang mabuo yun pero I will do my best para maging ayos na kaming dalawa ni Darlem. "Sha icheck mo nga dyan sa side mo kung nandyan ang nasirang vase?"

"Wala e"

"Ano!?" Gusto kong buksan ang pinto ng sasakyan para tumakbo pabalik sa dorm para kuhanin ang nasirang vase pero ang layo na namin. Nagpumilit akong pumunta sa side ni Sha kahit masikip para hanapin ang vase kasi alam ko na nilagay ko yun dito.

"Bakit ba ang oa mo?" tanong ni Valerie na ngangayon lang umimik simula pa kanina nung nangyari ang sa amin ni Darlem. Nakita ko ang vase na maayos na nakalagay sa tabihan. " Walang hiya ka talaga Sha!" Nagkarambola kaming dalawa sa loob habang ang tatlo ay nakatingin lang sa labas.

Natigil kami sa pagbabangayan ni Sha nang tumigil ang sasakyan. "Bakit tumigil?" tanong ni Sha.Wala ng sumagot at nagbabaan na lang kaming lahat kasi bumaba na din sila Darlem na nasa unahan namin.

GAME ENTRANCE

Nakaharang sa daan ang isang rainbow colored double door na sapat na para hindi namin makita kung ano ang nasa likod ng pintuang ito. Nakalagay sa right side ng pinto ay ang malaking rule signage.

Rules.

Isa kang Pinoy hindi ka banyaga.

#1-Maging Matalino

#2-Maging alisto

#3-Huwag maging madaya.

#4-Maging Mapanuri

#5-Sapat na ang palaban,hindi ang mayabang

Kung batang kalye ka,Panalo ka!

Hindi ko maintindihan kung ano ang mga nakalagay sa malaking rule signage na ito.Hindi kaya it's a survival game? Seem so exciting kung isa itong survival game.

Naka-horizontal line kami sa harap ng double door at nakatingalang lahat. " Sa tingin mo masaya kaya sa loob?" tanong ni Sha na nasa left side ko and at the same time sya din ang nasa left end part ng line habang si Herry naman ang nasa right end.

"Bakit kaya may ganyan?" tanong ko.

"Para saan kaya yan?" tanong ni Valerie na nasa right side ko.

"Siguro madaming pagkain dyan" sambit ni Drake na katabi ni Valerie.

"Pinoy,Game Entrance,I know it already" Napatingin kaming apat kay Mond na pinaggigitnaan ni Drake at Jocse.

"Madami dyang pagkain" Napabalik na ulit kaming lahat sa pagtingin sa taas ng double door nang magsalita si Jocse. Inaantay kong magsalita si Darlem pero lumipas ang tatlumpong segundo  walang salita ni Darlem akong narinig.

"Larong lahi,We're going to play larong lahi." Cold na bigkas ni Herry na nasa right end.

Maglalaro kami? Siguro. Pero anong laro? Nagbukas ang isa sa double door at lumabas ang dalawang lalaki na nasa mid 30's na siguro. Nakasuot sila ng nakakalulang rainbow colored na Tee Shirt at White na fitted pants.Infairnessss. Ang hot!

Dire-diretso lang silang naglakad na parang walang nakitang tao sa kanilang harapan. Kami na ang nag-adjust para makadaan silang dalawa.Nagpunta sila sa tapat ng dalawang sasakyan na aming dala. Nagulat na lang ako ng biglang natumba si Darlem at Drake hawak ang kanilang mga ulo.

"Ahhhhh! Shitttt!" Sabay nilang sambit na iniinda ang sakit. Bakit? "Oo!" Sabay na tumayo si Drake at Darlem. Inilabas niila ang mga susi ng sasakyan at iniabot sa dalawang lalaki.

Pumasok ang dalawa sa loob ng sasakyan at pinaandar papasok sa double door na kusang nagbukas. Nakanganga kaming lahat na naiwan sa tapat ng pinto.Tsaka namin naalala ang dalawa naming kasamahang driver na kanina lang ay namilipit sa sakit.

Nagpunta kami sa dalawa na nakahiga at babago lang mulat ang mga mata. "Nasaan ang sasakyan natin?" bungad na tanong ni Darlem. " Kinuha na ng dalawang lalaki kanina" Nag-aalalang sagot ko.

"Nagbukas na ang pinto!" Napatingin kami sa double door na nakabukas.May mga kurtinang nakaharang kaya hindi namin makita kung ano ang nasa likod nito.Una akong tumayo at akmang papasok para tignan ang nasa loob. Ramdam kong may humawak sa kamay ko at pinigilan akong huwag pumasok sa loob. Si Darlem.

"Hindi natin alam kung ano ang nagiintay sa atin sa loob." Hinila ako ni Darlem papalapit sa aming grupo "Kailangan nating pagplanuhan ang lahat." dagdag pa nya.

"Sigurado ako base sa mga nakalagay sa rule signage na ang sasalubong sa atin sa loob ay ang mga larong lahi na nilalaro noong mga kabataan natin." pagsisimula ni Mond na seryosong nakatingin sa aming lahat. "Pero sa tingin ko ang pinasukan nating lugar ay hindi bastang Village lang na alam natin,sigurado akong merong magical stories or event ang nag-iintay sa atin" dagdag pa nya.

"Edi kung magical ang lugar na ito,ibig sabihin ang larong lahi na papasukin natin sa loob ay hindi bastang laro lang." Takot na sambit ni Sha.

Wait nga lang. Ano ba ang pinagsasabi nila? Anong magic? At tsaka paano nila nalaman na larong lahi ang nag-aantay sa amin dito sa Game Entrance n----. Ahhh! Alam ko na! Ang bobo ko talaga.

"Tama ka Sha,kung ano ang mechanics ng bawat larong lahi na nilalaro natin noon,sigurado ako na may idadagdag sila." Nang makuha ko kung ano ang pinag-uusapan nila nakisali na din ako. Naging mahaba ang usapan pero lahat yun ay  predictions lang.HIndi pa namin sigurado ang lahat. Maaring magiging masaya,malungkot o maaring nakakatakot.

"Death.Maaaring haharapin natin ang death sa loob niyan" Seryosong sambit ni Darlem. "Hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay,we are team."Dagdag pa niya bago kami maglakad papalapit sa double door.

Nakatayo kami sa harap ng nakaharang na kurtina nang marinig namin ang malakas na tunog ng trumpeta.Nagbukas ng kusa ang kurtina ng akmang papasok na kami at sumalubong sa amin ang maingay at makulay na banda.

May mga limang babaeng nakasuot ng makukulay na palda at damit ang nagassist sa amin papasok.Gumawa ng aisle ang banda at kita namin sa dulo ang mga mananayaw.Merong sumasayaw ng Pandanggo sa ilaw,itik-itik at tinikling habang ang iba naman ay ang mga mananayaw na kasama ng banda.

Masaya ang salubong,maganda at talagang uukit sa iyong labi ang ngiti.Lumapit sa akin si Darlem at bumulong. "Huwag kang madala sa kanilang ginagawa,hindi natin alam kung warm welcoming talaga ang ginagawa nila".

Dinala kami ng mga babae sa isang side ng lugar at nakita namin ang magagandang walong upuan. Tama sa aming walo. Alam na talaga nila na padating kami.

"Welcome to Dardarsham Village"

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now