-Darlem-
"SOOORRRYYY DARLEMMM!". Natigil ako sa pagda-drive nang marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses ng babae. Kita sa rare mirror ang pagtigil ng sasakyan ng lima naming kasama at ang pagtumba ni Herry sa backseat.
"Pakinig mo yun?" sarkastikong tanong ni Jocse na naka-upo sa shotgun seat ng aking sasakyan. Narinig ko ang isang sweet song na nakadagdag ng pag-angat ng dugo sa aking pisngi. Nakakahiya ang ginawa ng babaeng yun! Ano ba ang naisipan nya? Ganun ba talaga ang mga babae?
"It's your chance Mr. Morion! Ipinalo mo ang dare na'to. Mukhang nadala ng pag-acting mo kanina sa bah---"
"Hindi yun acting lang!NASAKTAN TALAGA AKO!" Pagputol ko sa pang-aasar ni Jocse.
"Okay!Okay!" taas kamay na sambit ni Jocse. "Pero it's your chance to win the dare" singit ni Herry na tahimik lang kaninang naka-upo sa backseat.
"Maybe,yes Herry,I win the bet but it is not an act of respecting girls. Remember,girls should be respected by guys like us." swabeng depensa ko sa sinambit ni Herry.
"Oooopps. Sorry,I'm not a guy,I'm a boy" Humarap sa bintana si Jocse . "Pero baka na-fall na talaga yun sa'yo Darlem" Humarap sa akin si Jocse at binigyan ako ng nakaasar na ngiti. "Hindi no! Barmi is different from others.Ibahin mo sya." bawi ko sa mapang-asar na katabi ko.
"Baka naman ikaw na ang na-fall." cold na sambit ni Herry mula sa likudan. "Hindi no!" Depensa ko. Akmang i-start ko na ang sasakyan pero walang susi akong nakita.Malanding lumapit sa akin si Jocse na parang nanse-seduce at tinitigan ako ng malagkit. Pakshet ka! Binuksan nya ang nakalock na pinto ng sasakyan ko at itinulak ako palabas.
Damn!
Napalingon ako sa sasakyan na nasa likod pero pansin kong walang nakatingin sa akin. Tumayo ako na parang walang nangyare at binuksan ang pinto. Shit! Locked! Tumahimik na lang ako at tintigan ang dalawang na sa loob.
Lumingon ako sa kanan ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ng isang sasakyan. Lalapitan ko sana si Barmi na nakatumba sa labas ng kanilang sasakyan pero baka kung ano pa ang isipin ng mga kasamahan namin kaya tumakbo na lang ako sa harapan ng sasakyan ko. Tawang-tawa na nanonood sa akin si Jocse habang si Herry naman ay basta lang naka-upo.
Nakita kong nakatayo na si Barmi kaya bumalik na ako sa kinatatayuan ko kanina. Hinampas-hampas ko ang bintana para makuha ang atensyon niya. Naging-successful naman ang ginawa ko kasi kita ko sa aking peripheral vision ang paglingon nya sa tinatayuan ko.
Nakaramdam ako ng hiya and at the same time guilt kasi parang kasalanan ko pa ang pagkabagsak nya. Nangyayari na ang kinatatakutan ko, ang makapanakit ng ibang tao.
30 minutes na ang nakalipas pero wala pang nangyayari. Lalapit sana ako sa kanya pero naalala ko na galit ako sa kanya at takot pa sya sa akin. Bakit ba kasi ako naging matigas? Siguro dahil na din yun sa madidilim na pangyayari noong kasama ko pa si papa.
Naalala ko din bigla ang dahilan ko kung bakit ako pumunta at bakit sila ang napili ko na dalhin dito sa Dardarsham Village 'World of Happiness'. Maybe yes, matagal ko ng alam kung paano gumalaw ang mga taong ito. Alam ko lahat.
Tok!Tok!Tok!
Nagulat ako sa tatlong sunod sunod na katok galing sa sasakyan. Nakita kong may cellphone na hawak-hawak si Jocse na sa tingin ko ay kinuhanan ako ng picture.Idinako ko ulit ang aking tingin kay Barmi at nakita kong papalapit siya sa akin.
Nagbukas ang isang pintuan sa kanan ng kanilang sasakyan at bumaba ang isa pa nilang kasamahan na kung hindi ako nagkakamali ay 'Mond' ang pangalan. "Samahan kita!" sigaw ni Mond. Lumapit sila sa akin ng walang kahit na anong salita ang binitawan.
Tiningnan ko lang sila wearing my bored and cold eyes. Lumipas ang sampong minuto pero wala pa din siyang sinasabi at basta lang sya nakayuko. "Barmi?" tawag ni Mond sa babaeng kaharap ko.
"Sorry!" Nagtatakbo sya palayo hanggang sa malampasan nya ang kanilang sinasakyan. Hahabulin ko na sana sya pero agad din naman syang bumalik na kamot ang ulo.
Sinenyasan ko si Jocse na buksan ang pinto. Pagkapasok ko,sumalubong ang tahimik na mga tao sa loob. Walang ingay na tanging aking pag-upo lang ang maririnig.
"Narinig nyo ba ang lahat?" pagputol ko sa katahimikan.
"Oo" maikling sagot ni Jocse. " Bakit ba ang tahimik nyo?" Sigaw na tanong ko sa dalawang tahimik na naka-upo.
"Cause you win the bet" Emotionless na sambit ni Herry. "Hindi pa ako nananalo. And I don't wanna end this bet!" Iimik pa sana si Jocse pero agad ko syang pinigilan. Kinuha ko sa kanya ang susi at pinaandar na ang sasakyan.
Makikita sa rare mirror ang kasunod naming sasakyan na sinasakyan naman ng lima pa naming kasama. Habang bumabyahe kami naiisip ko ang mga bagay na nangyare kanina. Hindi kaya na-fall sa akin si Barmi? Pero hindi naman siguro, iba kasi sya sa mga babae. Sobrang tigas ng ulo nya. I remember noong araw bago pa ibigay sa akin ang dare.
Nakatambay ako sa english department na katabi ng room nila Ms. Dingal. Pakinig ko lahat ng mga tinuturo nya sa sobrang lakas ng boses nya. Sumisigaw ang mga estudyante ng pangalan ng kanilang classmate and guess who's name it is? It was Barrmi. 20 times nilang sabay-sabay na tinatawag ang pangalan nya. Gusto ko sanag mairita at pasukin sila para sawayin pero ang marinig ang angelic name na 'Barmi',parang nakikinig ako sa paborito kong plaka.
Sumigaw noon si Ms. Dingal na 'Barmi patulog-tulog ka lang sa klase koo!' tapos nagbukas ang pinto ng kanilang classroom at dinig ko ang takbuhan sa hallway. Sumilip ako sa kanila sa windowpane ng pintuan ng English Dept. Nakita ko ang isang babae na may messy braided hair,pinkish lips,fierce eyes,pointed nose at may mga pawis na tumatagaktak sa kanyang mukha. Bagay sa kanya ang kulay ng kanyang balat na parang si snow white.
Dala nya ang kanyang bag at dalawang libro. Naging slow mo ang lahat nung bigla syang lumingon sa parte ko. Tumago ako kaagad and sana hindi nya ako nakita noong time na yon. That was an amazing day ever.
Naka-ukit ang ngiti ko noon sa pagpasok ko sa aming bahay. Sinalubong ako ng dalawa at hinawakan sa aking mga kamay. Pinaupo nila ako sa harap ng mesa ng kitchen.Tinanong ko sila kung anong gagawin at sinabi nila na 'maglalaro ng iyong favorite game' at dagdag pa nilang sinabi na 'It's payback time,Mr Morion!' Inilapag nila ang bote na ginamit ko noon sa kanila. Spin the bottle. Natapos iyon at sinabi nila ang dare na gagawin ko.
Sobrang saya ko noong sinabi nila na kailangan kong paibigin si Barmi 'the hard headed girl of Morion Hgh'.Sinabi nila sa akin ang history nya pero wala akong paki-alam kasi hooked na ako sa angelic name and face nya.
"Darlem!" natauhan ako sa pagsigaw ni Jocse malapit sa tenga ko. "Ano baaa!" naiiritang sambit ko.
"Ang likot mong magdrive! Wala kang focus!" Napalingon ako sa cold guy with his cold voice na si Herry na kalma lang na naka-upo sa backseat. Bakit ba kasi kayo paki-alam pa. Kinikilig ako. Kaya wala ako sa focus.
"Drop the act Darm. Nafall ka na kay Barmi no!" Tinignan ako ng malagkit ni Jocse na nag-aantay ng sagot ko. "Matagal na." Natigilan silang dalawa sa naging sagot ko. "Ooopps. Wala ng magsasalita. Kaibigan ko kayo.Walang manlalaglag." Hindi na sila nagsalita at nagpatuloy lang ako sa pagdadrive.
YOU ARE READING
Dardarsham Village
RandomThis is a story of a hard headed girl who accidentally fall into an unexpected place with her friends and unexpected friendanger.