Chapter 12

2 0 0
                                    

                                                                            -Barmi-

"Hindi ko akalain na ganun ang mangyayari sa larong yun" manghang-mangha na kwento ni Sha. Basang-basa silang apat kasama ang tatlo pang bata na bumaba mula sa pinaglaruan. Hindi ko nakita ang batang babae na nakabangayan kanina ni Jocse bago magsimula ang laro.

Nabanggit sa amin ni Sha at Jocse ang mga pangyayari sa taas. Napansin ko kanina habang nagkekwento sa amin ang dalawa hindi tumatama sa aking mata ang mga tingin ni Sha.Para bang ilang na ilang sya sa akin.

Ano kaya anng nangyare sa taas? Sinabi nila na dumadagundong daw ang masayang musika tapos may mga pictures at videos na nagfa-flash sa big screen e hindi nga nagpapalit ang nakalagay dito na 'Isayaw mo ang problema sa larong Patintero' at kanilang mga pangalan.

May narinig kaming malakas na pagsabog mula sa kalahating stage na nasa taas. Bumaba ito at nakita namin ang pamilyar na damit ng isang batang babae. Damit siguro yun nung nakabangayang bata kanina ni Jocse.

"Maghanda kayong lahat sa susunod na laro" Nakaramdam ako ng kaba matapos kung mapakinggan ang hindi pamilyar na boses ng lalaki.

Umalingawngaw ang malakas na tunog ng trumpeta sa buong lugar. Kasabay nito ay ang pagbaba ng isang lalaking nasa mid 40's siguro na nakasuot ng puting king attire at naka-upo sa puting upuan na kagaya lang din ng structure ng kay Lathala. Hawak nya ang isang puting mike at sana dala nya ang kanyang maputing kalooban.

Pagkababa nya ay tinignan nya kami isa-isa.Nang dumako na sa akin ang mga mata nyang parang mata ng mga pusa ay nakaramdam ako ng takot. Demonic face. Hindi maganda ang kalalabasan ng susunod na laro.

"Ang nakatayo sa inyong harapan ay ang isa sa mga namumuno ng Sharimia region,ako si Maginoo Bandita!" tumunog muli ang trumpeta matapos magsalita ng lalaking na sa unahan namin.

Ano kaya ang susunod na laro? Sana alam ko.

"2nd round,Sekreto nila'y alamin sa larong Taguan" Pasimulang pagpapaliwanag ni Maginoo.

Taguan. Yes! Sure ako dito.

"Sa larong ito ay dalawa lang kayong maglalaro,isang galing labas at isang galing sa grupo nyo. Nakalagay na sa inyong sasakyan ang prize ng pagkapanalo nyo kanina at naririto ang mga mangyayari sa larong Taguan." pagpapatuloy ng lalaking nasa harapan namin. Dumako lahat ang tingin namin sa big screen na tinuro ni Maginoo.

*Malalaman ang talo sa pamamagitan ng jack 'n poy

*May sariling lugar kayong paglalaruan.

*Ang magpadala sa emosyon,TALO!

*Pagbatang-bahay ka,TALO KA!

*50 segundo ang tagal ng pagbibilang ng taya.

*Sa loob ng 8 minuto at hindi mo sya nakita,TALO!

Napalitan ng iba't ibang kulay ang nakaflash sa screen. ROYGBIV. "Ito ang maglalaro sa inyo" Nawala isa-isa ang mga kulay hanggang sa matira ang kulay orange.

Shit!

Bumilis ang tibok ng puso ko nang malaman kong ako ang maglalaro. Bwisit! Wala akong kasama. Nagdadalawang isip pa ako kung momove forward ba ako o hindi. Pero binulungan ako ni Sha ng 'Nakaya ko nga,naipanalo ko nga ikaw pa ba?'

Kaya confident akong naglakad papunta sa harap ni Maginoo Bandita.Ilalaban ko ito. Nagbukas ang double door at iniluwa ang isang batang babae na may bilog na mukha,madungis na damit at magabok na mga paa. Kumaway sya sa akin at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Kaya ko 'to!

"Puwesto!" Tumungtong kami sa pinaglaruan kanina nila Sha. "Magharapan na kayong dalawa at simulan ang Jack 'n Poy.

Sinimulan na namin ang paglalaban habang kinakanta ang mismong chant nito. Natalo ako at ako ang magiging taya.

"Ibaba na sila!" Sigaw ni Maginoo. Nagulat ako sa biglang pagbaba ng inaapakan namin at halos matumba.

Malawak na space ang sumalubong sa amin at posibleng matalo ako dito sa dami ng pwedeng pagtaguan.

"Good luck ate" Nginitian ako ng batang babae at umalis na sya sa platform.

"Simulan na ang laro!"

Nakaharap akong sumandal sa pader na may nakasulat na 'Barmi's Area'. Sobrang talino ha! Nakaukit na talaga agad ang pangalan ko.

Nagsimula na akong magbilang.

Kaya ko ito. Hindi ko alam kung anong magiging parusa kaya dapat maipanalo ko ito. Maaring nawawala na ang dating Barmi na matapang,matigas at napaltan na ng Barmi na matatakutin pero dapat pa din akong lumaban.

...48,49,50.

Nagsimula na ang walong minutong oras ko na nakaflash sa platform na kanina ay pinanggalingan namin.

Simulan na natin ang paghahanap.

Dardarsham VillageWhere stories live. Discover now