CHAPTER 3 - STUPID

897 179 1
                                    

CHAPTER 3

LESLIE'S POV

"O ano? Ayos kalang?" Tanong ko kay Ica. Para kasi siyang lantang gulay habang nag lalakad. Pauwi na kami galing park, ayaw na daw nyang tumakbo kasi TINATAMAD na daw sya tsk.. tsk..

"O-okay lang ako napagod lang siguro ako." pagdadahilan nya, pero alam ko naman na hindi yun ang dahilan tsk.

"Hindi mo ko maloloko Danica Marie Malinao ang linaw linaw ng apilyedo mo pero ikaw mismo napaka labo." Pasinghal na sabi ko sa kanya, lalo naman syang bumusangot. " Alam mo kasi Ica hindi lahat nakukuha natin, hindi lahat ng gusto natin nabibili ng pera natin. Kaya wag kana'ng mag emote dyan dahil kahit na anong gawin mo, kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo--- hindi mo parin mababago ang katotohanan na hindi kayo ang para sa isa't isa." malumanay ngunit may laman ang mga salitang sinabi ko.

" Grabe ah.. ang harsh mo sakin! Nakakatulong ka grabe! Pinapagaan mo talaga yung loob ko tsk. Imbis na haluhin ako eh mas lalo mong pinapa-bigat ang sama ng loob ko. Wala ka talagang kwentang kasama kahit kelan hystt." Sarkastikong tugon nya kaya natawa nalang ako at sa halip ay lumapit ako sa kanya saka ko ginulo ang buhok nya.

"A-ano ba! Ano bang ginagawa mo! " inis na sigaw nya.

"Sabi mo imbis na 'haluhin' kita e nambuburaot ako, edi ayan na hinahalo na kita." naka ngiwi kong tugon.

"Ewan ko sayo!" Sigaw nya saka naunang mag lakad.

" Alam mo kasi bessy naiintindihan naman kita eh pero kasi mali ka e, wala ka sa linya." mahinahon kong sabi. Huminto pa ako sa paglalakad para lang harapin sya. "Maling mali na umasa ka pa sa isang tao na may karelasyon na. Alam mo dapat ang limitasyon mo bilang taga hanga nya, kaya sana para sa kapatid ko---- i-respeto mo rin ang relasyon nila ng gf nya. Humanap ka ng taong kaya kang mahalin pabalik.." mahabang sabi ko. Nag papaunawa.

"Tingin mo dapat ko na siyang kalimutan?" Malungkot niyang sabi.

"Hindi ko naman sinabing kalimutan mo sya, ang akin lang itigil mo na. Kung possible ay alisin mo yang nararamdaman mo para sa kanya. Besides you can be friends parin naman. "

"Salamat.. Salamat bessy kasi nandyan ka para linawin ang magulo kong utak hahaha" natawa ako sa tinuran nya." Promise gagawin ko ang mga sinabi mo. Pipilitin kong alisin ang espesyal na nararamdaman ko para sa kanya." naka taas ang kaliwang kamay na sabi niya. nginitian ko sya saka sya yinakap.

*AWW!!~~ AWW!!~~ AWW!!~~

"WHUAAAAAA!!!!!" Sabay kaming napa sigaw ni Ica nang biglang sumulpot sa harap namin ang isang napaka CUTEEEEEE na aso!! Whuaaaaa gusto ko nyan! kaso ang taray nung aso Huhuhu nangangagat pa ata!

"SHUU!! Shu!! " pag tataboy pa ni Ica pero tahol lang sinagot samin!

*AWW!!~~ AWW!!~~

"Whuaaaa!! Shu!! Shu!!! Stay!" Sigaw na naman ni Ica nang lalapit sana ito samin.

"T-teka prenny parang lalo atang natatakot sayo, wag mong bulyawin. Let me handle this." naka ngiting sabi ko saka humarap sa aso.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon