CHAPTER 6 - Bad Boy

688 143 4
                                    

CHAPTER 6

Melanie joy Flores's POV

Hi guys first time akong bigyan ng sariling POV ni Author kaya lulubus-lubusin kona! sasabihin kona lahat ng tungkol sakin hihihi..

I'm Melanie joy Flores, Fourth year in college and currently taking BS in  Financial Management. I studied before at GNHSU which means Gheans National high School University, near in Montenolie High University, ilang subdivision  lang naman ang pagitan sa dalawang school na yan, pero nasa MHU na ako ngayon dahil pinalipat ako ng parents ko. Maganda naman sya at maayos magturo ang mga guro pero di lang talaga maganda ang approach sakin ng ibang studyante, lalo na yung nakabangga ko sa canteen nung unang linggong ko doon. Grabe, diko naman yun sinasadya dahil may pumatid sakin kaya ayun tumilapon ang sauce na hawak ko sa mukha ni Marga. Kaya ayun tuloy  nauwi sa gulo ang lahat.

Anyways, nandito kami ngayon sa Bahay nila Leslie. Anong ginagawa namin dito? Aakagin lang naman namin si Les na sumama samin manood ng Racing according to DANICA.. a.k.a ICA. opo sya ang pumilit samin na sumama dito para sumama si Leslie.  Only if I know, Ica just wanted to see kuya Leinard, Leslie's elder brother, tsk.  Parang di pa ba naman namin sya kilala tsk. Well let's say I just know her by her name not her personality, nakilala ko lang sya sa school which happen my classmate, schoolmate, and seatmate. Yess classmate ko sya sa first, second and third subject pag dating kasi ng susunod na sub ay lilipat na sya ng room dahil magkaiba kami ng Course.

Kahit na ganon na hindi kopa sya masyadong kilala at gamay ang mga kilos nya ay marami-rami na rin naman na akong alam tungkol sa kanya. Mabait si Ica at masayahin, madalas maingay kaya laging naiinis sa kanya si Leslie, dahil nga sa maingay sya at talagang mababasag ang eardrums mo. Pero sanay narin ako sa ganong ugali nya, wala naman na akong magagawa kung ganon sya.

Anyway, back to Leslie tayo pumayag na sya na manood kami ng racing! Nasa taas sya ngayon at nagpapalit ng damit.  Konsensyahin ka ba naman naming tatlo di ka mapapa-payag, tibay mo nalang kung ganon.

"Bakit kaya parang tamad na tamad kumilos yang si Prenny?? Di pa kaya yan kumakain?" Biglang nagsalita si Sheshe. (Shiela)

Ay oo nga pala! Sya nga pala si Shiela, Best friend ko. Nagkakilala kami nyan nung natumba ako sa pagba-bike  sa may park. Sakto naman syang napadaan non kaya tinulungan nya ako, nagkataon pa na mag kalapit lang kami ng bahay, dun din sya naka tira sa exclusive Village  sa may samin, nagulat nga ako at kaibigan pala ng Mommy't Daddy ko ang Parents nya kaya ayun simula non lagi na kaming magkasama.

"Ganyan talaga yan si Beshhy minsan wala sa hulog kaya tatamad-tamad, pero wag mo na pangarapin maging active yan, dahil pag yan naging active ay sobrang hyper! Akala mo ay asong nauulol! Kagat dito kagat doon. Minsan pa nga ay bigla ka nalang sasabunutan o di kaya nama'y nanghahampas! Naku bugbog sarado ang abot mo dyan." umiiling na sabi ni Ica. sabay naman kaming natawa na tatlo.

She really knows her best friend.

"Hahaha buti natatagalan mo kung ganong sadista pala yang BFF mo? Haha" natatawa kong tanong

"Well, wala e, may kailangan ako sa kanya eh,.." parang wala talagang magagawa niyang sabi habang naka taas pa ang dalawang kamay. Nagkatinginan naman kaming tatlo saka sabay na natawa.

" Hahahahahah" tawa naming tatlo.

'Hmmm. Alam nyo ba kung anong naiisip ko?'

"Let's go?" Sabay kaming napahinto sa pag tawa nang may magsalita sa may hagdan, si Leslie.

Ang ganda nya!!  Whuaaaa Promise! Ang ganda nya talaga!   Kahit na babae ako ay hindi ko parin maiwasan humanga sa ganda nya! Simple lang ang suot nya, naka rip jeans sya at white shirt lang na pinatungan ng pink na jacket, nakalugay din ang mahaba niyang  buhok na may kulot sa ibaba.

HIS OWN DEFINITION OF LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon